Angel 2

103 6 0
                                    

Pagkatapos ko maka-usap sina tito at tita, nag ayos na ako ng mga gamit para umuwi.

Papuntang parking lot ay tinext ko si Abby na uuwi na ako. My back and neck are aching dahil sa sobrang trabaho. I know I've been working too much lately but it's my way of coping up with things, my way of moving on hindi naman kasi ako tulad ng iba na gagamit ng ibang tao para makalimot sa taong nanakit sa atin, rebound kong baga.

Hindi naman ako masyadong baliw kay Kian sadyang nasanay lang ako sa presensya niya. I don't love him that much. Nakulong lang ako sa ideyang siya ang kukumpleto sa akin.

Pagkarating ko sa parking lot sumakay agad ako sa aking sasakyan at nag drive na paalis. Nung namatay si mama ay naging guardian ko ang mga magulang ni A sila tito Albert at tita Elmira wala kasing kamag anak si mama dito sa leyte ayaw ko naman din sa pamilya ni papa sa bacolod dahil ayaw kong maalala lahat ng tungkol sa kanya. Kaya hindi ko masisisi sila Tita at Tito kong mag-alala at magtampo sila kong wala akong paramdam.

I blame papa kung bakit mama end her life, noong araw na nagluluksa ako dahil sa pagkamatay ni mama hinanap ko siya kahit galit ako sa kanya kailangan ko pa rin ang presensya niya bilang ama. Pero wala ni anino niya hindi ko nakita. It's been so long yet so hard to forget, to forgive.

Pagdating ko sa parking lot ng condo agad akong lumabas at sumakay sa elevator patungo sa floor kung nasaan ang condo unit namin ni abby.

Abby and I live in the same condo that has 2 bedrooms with a comfort room each. A kitchen, balcony, and living room. Good for 2 people. It's not that big but also not too small.

Dahil sa pagod pagkahiga ko palang sa kama ay nakatulog ako agad.

A knock at the door woke me up on my slumber.

"T wake up na the food is ready, hintayin kita" sigaw ni Abby sa labas ng pinto.

She's home already? Gano ba ako katagal nakatulog? Pagod talaga siguro ako kasi madilim na sa labas.

"Coming A!" nagbihis muna ako bago lumabas saka tinungo ang lamesa.

"I cook na ng dinner kahit ikaw sana ang magluluto ngayon kaya lang feel ko na pagod ka kaya ito"

"Sorry A nakalimutan ko, at tama ka nga pagod ako kaya nakatulog ako agad pagkahiga ko palang sa kama" sabi ko sa kanya

"Kaya we better eat na para tuloy tuloy na yang pahinga mo pagkatapos at saka T bibisita ngayon si Franco wag kang mag alala hindi kami mag iingay para hindi ka madistorbo sa iyong pahinga" Franco Dominguez is Abby's boyfriend since college pa kami.

"Okay lang sa kwarto lang ako enjoy lang kayo mamaya" I smiled at her knowingly.

"Your mind is so gross TAMARA MARIE MARQUEZ!" sigaw nito

"Geezz A wag mong isigaw ang pangalan ko hindi ako bingi" nakakainis ito, kung makasigaw akala mo hindi matinis ang boses gosh tinalo ba naman si anne curtis.

"Sorry naman ikaw kasi bibisita lang si Franco hindi siya dito matutulog" dipensa nito.

"Bahala ka" tumawa lang ako at si abby naman ng may nag doorbell kaagad itong tumakbo para pagbuksan ang tao sa labas.

"T nandito na si Franco" pagbibigay alam nito.

"Hi Tammy" bati sa akin ni Franco pagkapasok palang niya.

"Hi Franky nakakain ka na ba? May ulam pang natira si abby ang nagluto" not to boast but abby is a great cook kaya palagi akong busog pag siya ang nagluluto ng ulam namin.

"Yun na nga Tammy, hindi na ako kumain sa business meeting ko kanina dahil alam kong si Abby ang magluluto" sana all eh noh?

"Sige enjoy kayo, sa kwarto muna ako" paalam ko sa kanilang dalawa.

Pagkapasok sa kwarto naligo muna ako bago humiga ulit, my bed is my favorite part, sa condo nato pangalawa lang ang kusina hehe. Ng dahil nakatulog ako kanina hindi ako makatulog ngayon kaya napag isipan kong mag open ng facebook kaya lang ang unang bumungad sa news feed ko eh yung picture nina Kian at Amanda, sa bohol ata sila ngayon. Travel goals lang.

They look so happy. Kian looks so happy. And I am also happy for the both of them. I love Kian yes, pero hindi sa puntong kaya kong isakripisyo lahat, and also, I can't fight for our relationship if I'm the only one fighting. Ayokong gumaya sa mga magulang ko. I don't want to stay in a one-sided relationship.

And the thing is, hindi ako tanggap ng family ni Kian sa simula pa lang and they want Amanda for him. Kaya isa na din ako sa bumitaw ayoko din umabot sa puntong papipiliin nila si Kian between me and them. Kian's family are rich. I know Kian loves me, he loves me as a younger sister, yes, but he loves Amanda and his family more kaya luging lugi ako pag pinaglaban ko pa.

Nag scroll down na ako baka hindi ko mapigilang mag stalk kay Kian ayaw ko namang ma disappoint si Abby sa akin lalo noh.

Makaka move on din ako sa damuhong yun. Hindi lang siya ang lalake sa mundo. Tama si Abby dapat enjoy ko lang life ko.

I'll start new.

                 ~Imnotyours_48~

My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon