Hi guys!!! I'm back!!!
Btw, My Angel is about to end soon so stay tuned...******
Nagising nalang ako ng sumiklab ang tiyan ko, dali-dali naman akong pumuntang banyo at nagsuka. Lahat ng sinuka ko ay puro tubig lang. Nang matapos ay nag mogmog ako at binasa ang mukha. Nitong nakaraang araw ay palagi nalang akong nasusuka at inis na inis sa mukha ni Matheo.
I don't know what's happening to me. Basta nabwibwisit nalang ako bigla sa mukha niya pero gustong-gusto ko naman siya amuyin. Pagkababa ko ng kwarto ay nadatnan ko ang mag ama sa kusina at nagluluto ng agahan. Dito na kasi kami namalagi sa penthouse ni Theo. Tatamad tamad na din kasi akong bumiyahe papuntang condo, mas convenient itong kay Theo mas malapit.
"Good morning!" Bati ko sa kanila pagpasok ng kusina.
"Good morning mommy ko!" Hinalikan ko sa noo si Juaches at umupo sa katabing stool nito.
"Good morning Angel!" Bati naman ng isa pero hindi ko siya binigyang pansin dahil nagsisimula na naman akong mabwisit sa mukha niya. "Good morning kiss ko?"
"Wala" tamad kong sagot. Napahagikhik naman ang aking anak sa tabi. Kaya kiniliti ko siya dahil ang cute cute niya talaga.
Narinig ko nalang na napabuga siya ng hininga.
"Hindi pa rin ba ako areglado dahil sa ginawa ko noong meeting?" Malungkot ang boses niya ng sabihin iyon. Umiling lamang ako at nagsimula ng ayusin ang mga plato para hindi na niya ako makulit.
After our breakfast ay nagsimula na kaming mag ayos para sa vacation namin ngayon. Na una na daw sila Gino at ang mga staff doon. Sina Abby, Margo, Maddie, at Sese naman ay susunod nalang. I invited them to join us, at sasama daw sila pati ang mga boyfriend at fiance nila.
Sa buong biyahe ay tulog lamang ako. Ang takaw ko kasi sa tulog. When we arrived ay mabilis na bumaba si Juaches ng sasakyan at tinakbo na ang Ninong Franco niya na naghihintay pala sa labas.
"Baby slow down baka madapa ka" suway ko sa kanya na binalewala lang niya. Napailing nalang ako sa katigasan ng ulo nito.
"Angel let me carry that one" kinuha naman niya ang bag sa mga kamay ko at nagpati-unang naglakad papasok. Sumunod naman ako sa kanya. We went directly to our rooms para makapagpalit na dahil nasa beach cottages na sila ang mga kasama namin.
"Baby put sunblock before going out" tumango naman si Juaches na nagsimula ng maglagay ng sunblock sa katawan.
"Angel pakiabot naman ng damit ko oh?" Sigaw ni Theo galing sa loob ng banyo. Kinuha ko naman ang damit niya na maayos ang pagkakatupi na nakapatong sa ibabaw ng kama. Kumatok ako ng dalawang beses at inilabas naman niya ang isang kamay para kunin ang damit.
Nang okay na ang lahat ay nagtungo na kami sa cottage na nakalaan para sa amin. The resort has many guests. The crystal water of the beach is very tantalizing to the eyes, the surroundings that are full of coconut trees and the wind that it brings is very refreshing. As I take a seat everyone is already having fun. I'm glad that they are.
"What do you want to eat?" Tanong ni Matheo sa akin. Juaches is already swimming with his tito's.
Umiling ako "hindi pa ako gutom. Salamat."
Tumango naman ito. Naglakad naman papunta sa dagat at nakipaglaro sa anak. Nang pinasadaan ko ng tingin ang paligid napadpad ito sa lima na mapanuring nakatingin sa akin. Abby, Maddie, Sese, Margo, and Clara. Nagtataka naman akong tumingin sa kanila, nakataas ang kaliwang kilay. Hindi naman sila nakapagpigil at nilapitan na ako kinaladkad papuntang dagat.
"Balot na balot ka pa din. Maliligo na tayo" Clara.
"Let's see what the boys reaction after seeing us.......with our bikinis." Napapalakpak pa si Sese sa excitement. Napapailing na lang kami sa kanya.
Pinahubad na nila sa akin ang aking takip, revealing my red two piece that's very seducing to the eyes. Clara is wearing black two piece that the upper is tube, na nababagay sa kutis niyang maputi. Abby is wearing royal blue one piece pero ang sa tiyan na part ay naka ekis kung sa malayo mo titignan ay parang two piece pero one piece talaga siya. Margo's color is white that compliments her morena beauty. Si Maddie naman ay yellow two piece na tube din ang itaas at high waist ang ibaba. And Sese is wearing pink plain two piece. All in all we are wearing bikinis that are revealing, pero hindi naman nakaka bastos tingnan pero magiging dahilan sa pagka bantay sarado ng mga kasama namin.
As we are nearing the boys may mga babaeng lumapit sa kanila at nakipag usap. Pero para sa akin nang haharot ang tawag diyan. The girl wearing orange two piece is making her boobs shown para mapansin. While her friends wearing the same color is touching my man's shoulder na halatang umiilag kahit nakangiti. May mga kasama pa sila na halatang nang lalandi rin. We girls are fuming mad already pero halata ang pagpipigil. Nanguna na akong maglakad at sumunod naman sila sa akin. Ngayon nakatingin na lahat sa amin pati ang mga babaeng lumalandi sa mga lalake namin. Paanong hindi titingin eh ang atensyon ng anim na lalake ay nasa amin at hindi sila tinitignan. I want to laugh looking at them pero pinigilan ko. Naka poker face lang akong nakatingin sa kanila. Pinapahalatang hindi ako natutuwa sa nasaksihan.
I direct my eyes to Theo who's already looking at me intently. Tinaasan ko siya ng kilay, napalunok naman siya bilang reaksyon.
All of them simultaneously stand up and approach us midway and encircled there hands at us possessively. I smirked to that and back to the girls who are now mad. Ha! What's that? Sila pa ang galit na mga boyfriend namin ang nilalandi nila. Okay sige hindi ko boyfriend si Theo wala kaming label, pero may anak kami! Hmp!ka irita. Inirapan naman nila kami bago nagwalk out. Napaismid nalang ako.
"Damn! What are you wearing woman?" Napabaling ang atensyon ko sa galit na boses ni Gino na pinasadahan ng tingin ang sinusuot ni Clara. Clara just rolled her eyes and release herself from Gino's grip. Ganun din ang ginawa ko at pumunta na sa dagat para sumisid. Ng malayo-layo na ay tumingin ulit ako sa kanila, Matheo's face is very dark matatalim ang mga matang nakatingin sa akin at umiigting ang mga panga. Ano siya pa ang galit?
Hindi na ako nabigla na napasama sa amin ni Clara ang iba dahil naiwan doon na ganun din ang mukha ng mga lalake, na parang gusto kaming ikulong sa kwarto para hindi makita ng iba. Napangisi ako lalo. Bwisit na lalake kahit wala kaming label sinisigurado ko namang walang iba, dapat ganun din siya.
"Girls?" Tawag ko sa pansin ng lima ng hangang dibdib na sa amin ang tubig.
"Yes?" Sese.
"I think.."
"You think what?" Nagkasalubong ang dalawang makakapal na kilay ni Margo.
"I-I think I'm pregnant."
Makaraan ang ilang oras na katahimikan na pinoproseso nila ang sinabi ko ay napatili sila ng sabay sabay. Natataranta naman akong tumingin sa mga lalaki na ngayon ay lumalangoy na papalapit sa amin.
Great! And just like that balik na naman ang pagkabwisit ko.
~Imnotyours_48~
BINABASA MO ANG
My Angel
RomanceADLUP SERIES #1 completed At a very young age Tamara Marie become an orphan. At the age of 12 her mother died and seen it by her own eyes, iniwan naman siya ng sariling ama para sumama sa ibang babae. Buti nalang at kinopkop siya ng butihing Tita E...