Angel 21

68 5 0
                                    

"Just let it slide. Forget about it. It will just ruin your entire mood in our trip."

Payo ko kay Matheo pagkarating namin sa lobby ng hotel kong saan kami magsi-stay.

Yep! We arrived safely here in cebu. But Matheo is still in a bad mood about what happened at the mall. Yong anak niya napapasali na rin sa pagbubusangot ng mukha. I don't know what to do with this two.

Umismid lang siya sa akin bilang ganti napailing nalang ako ng ulo sa kaartihan niya. Hinawakan ko sa kamay si Juaches patungo sa elevator. Juaches will be sharing the room with me and Matheo will be at the room beside ours. Pagpasok ng kwarto ay agad na kaming nag linis ng katawan at bumaba na sa restaurant para makakain ng dinner. Pagdating namin doon sa table na pinareserve ay nakaupo na si Matheo at nakapag order na ng para sa amin.

"Ano ba Matheo hindi ka ba talaga aayos diyan?" Naiinis kong asik sa kanya sa mahina na boses para hindi marinig ng anak namin.

Hindi na talaga ako nakapagpigil na punahin siya sa kanyang mga kilos.

"Tsk. Just don't mind me" mas kumunot ang kanyang noo pagkasabi niyon.

Ako naman ay nairita na ng husto kaya mabilis akong tumayo at binalingan ang aking anak na nakatingin na sa akin.

"Baby are you done eating?" Tanong ko dito.

"Yes po mommy."sagot naman nito.

"Okay come, let's go back to our room so we can rest na maaga pa tayo bukas" tumango naman siya at humawak sa akin saka ako tumingin sa bwisit na lalaki na nababahala na ang mukhang nakatingin sa akin.

Hmp! Inirapan ko siya. Dapat lang yan sayo!

"At ikaw naman ba ka nakakalimutan mong kusa kang sumama dito na hindi inimbitahan kaya kong ayaw mong umayos umalis ka nalang napipikon na ako sayong gago ka!"

Naririnig ko pa siyang tinatawag ako pero hindi ko siya nililingon at hindi tumigil sa paglalakad.

"Angel I'm sorry! Angel wait!" Mabilis akong naglakad at pumasok sa elevator. Nakita ko pa siyang tumatakbo patungo sa amin habang pasira na ang elevator. Pero hindi na niya kami naabutan.

"Mommy are you mad at daddy?" Juaches.

"No baby, we should rest na okay?"pag iiba ko ng usapan "So we have 100% energy for tomorrow. Punta muna tayo sa kafe glyko dito para ma check ni mommy is that okay with you?"

Tumango lamang ito saka ipinikit ang mga mata at natulog. Pati ako ng dahil sa pagod yakap-yakap ang aking anak na nakatulog.

"So how's the cafe going?" Tanong ko kay Marie, ang Manager namin dito sa Cebu branch.

"It's doing good po Ms. Tammy customers were very fond of our service here. Madami po tayong customers na mga estudyante." Masayang balita nito sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"How about the staff? Hindi ba nahihirapan ang mga working students natin dito?" Umiling naman ito.

"Hindi naman po Ms. masaya nga po sila dahil naaayon sa schedule nila ang pagtatrabaho" aniya.

Pagkatapos noon sa office ako dumiretso para ma check naman ang records ng cafe. Juaches is with his dad outside sitting. Hindi ko parin siya pinapansin hanggang ngayon. Naiirita pa din kasi ako sa akto niya kahapon. Like the heck am I a joke to him?

Mas affected pa siya sa nangyari kesa sa akin. Na ako ang napahiya, hindi ko pa nga siya nakakausap sa pagsasabi niyang asawa ako. Ayokong maging headline ng balita ng dahil lang sa kanya. Knowing that his always on the news? Gosh! Sure akong kalat na ang balita doon ngayon.

After roaming at the cafe ay umalis na kami agad at pinasyal si Juaches. Of course, Matheo lead the way. Laking cebu kasi ang kumag. He's born here in cebu. Ang mga Lopez talaga ay taga dito, noong nasa leyte siya ay doon siya pinag aral ng mama niya para na rin makasama ang lola niya doon, kaya kami nagkakilala.

"Daddy let's stop for awhile. I'm hungry na po kase" hindi namin namalayan ang oras at umabot kami sa oras na dapat ay nakapag lunch na kami.

"Okay! What do you want to eat?" Tanong nito sa bata.

"I want lasagna! Mommy is it okay?" Baling nitong tanong sa akin. Ngumiti lang ako at napa yes naman ang bulilit.

And now we are seated inside the restaurant who served the best lasagna here in cebu, said by our tour guide a.k.a Matheo. Habang nakatitig siya sa akin ay nagkukunwari naman akong inaasikaso si Juaches. While in our trip kanina palagi siyang nagpapapansin sa akin na binabalewala ko lang kaya tumataas ang kanyang pagnguso na mas ikinainis ko dahil marami ang tumitingin sa kanya dahil don.

"Baby eat slowly baka mabulunan ka" suway ko kay Juaches dahil mabilis niyang sinunggaban ang lasagna pagkalapag pa lang ng waiter sa harap nito. Nahihiya naman itong tumungo at dinadahan dahan na ang pagsubo. Napabungisngis nalang ako sa cuteness ng anak ko.

Napatalon naman ako sa kinauupuan dahil sa biglang pagsundot ni Matheo sa tagiliran ko, matalim ko naman siyang tinignan at nakangisi lamang habang naka peace sign pa ang loko. Umirap lang ako at nagsimula ng kumain.

"Pstt bati na tayo" bulong niya sa akin.

"Angel naman eh! Sorry na!"

"Ano naiinis ka na din sa akin? Ha!" Mahina kong bulyaw sa kanya. Natataranta naman itong napapailing at hindi mapakali sa upuan.

"Hindi sa ganon Ang- - " inirapan ko na siya at ibinaling ang buong atensyon sa aming anak at hindi na siya pinansin kahit nagsasalita pa.

"Angel?" Aba't pati sa room ba naman namin? At nakapasok pa siya?

"Bakit ka andito? Paano ka nakapasok?"

"Diyan sa veranda malapit lang kasi sa room ko kaya tinawid ko na" balewalang sagot nito. Hay nako! Gago talaga. Wala lang sa kanyang sa veranda dumaan?

"Gago ka ba! Paano kapag nahulog ka? Konsensya ko pa!" Pinagsusuntok ko siya sa balikat dahil sa takot.

"Eh hindi mo kasi ako pinapansin at saka hinaan mo boses mo baka magising si Juaches." Aniya

"Kasalanan ko ba? At saka sana nahulog ka na lang bwisit ka kung wala lang sayo!"

"Hindi naman sa ganon... pero please bati na tayo!" Natawa nalang ako sa pagpapaawa niya sa akin. Buti nalang talaga at gwapo ang kumag na ito!

"Oy tumawa na siya so close na tayo ulit?"

"I understand the word 'close' pero walang tayo!'." Napahawak naman ito sa kanyang dibdib at umaktong nasasaktan.

"Aray ko naman Angel ko, feeling ko magkaka heart failure ako ng dahil sayo"

"Ah sige umalis ka na at baka magka heart failure ka ng tuluyan sa akin." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Joke lang ano kaba halika nga dito" hinigit niya ako paupo sa kandungan niya at napasinghap naman ako sa bilis ng pangyayari.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"inis kong tanong sa kanya.

"Kinakandong ka" simpleng sagot nito.

"Aba't ..."

"Hehehe hayaan mo na Angel baka marinig ka pa ng anak natin" tumahimik nalang ako at hinayaan siya sa mga pinaggagawa niya sa buhok ko. "By the way my parents wants to meet Juaches and we will going to them tomorrow for dinner"

Napabalikwas naman ako doon. "Ano? Ah sige, sige dito lang ako maghihintay. Anong oras ba kayo aalis ng ma e ready ko ang bata bukas" kumunot naman ang noo niya sa pinagsasabi ko.

"Didn't you heard me? I said WE will be going there, it means kasama ka! No buts end of discussion" natahimik nalang ako dahil sa pinalidad ng pagkakasabi niya.

Gosh! Nakalimutan kong andito pala ang parents niya at malapit lang dito ang mansion nila. God have mercy on me.


                 ~Imnotyours_48~

My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon