Angel 14

61 5 0
                                    

"Tamaraaaaaaaaa" napatakip ako at si Juaches sa aming mga tainga dahil sa sigaw ni Clara nang makapasok kami sa kafe glyko. "Oh my gosh! totoo talagang nandito na kayo, are you staying for good na ba?"

"Yes Clar we are." sagot ko sa kanya. Niyakap niya naman ako ng higpit. Nakita ko naman si Gino sa likod napapailing dahil sa kanyang asawa.

There wedding was held two years ago. Hindi nga lang kami nakadalo dahil nagkasakit si Juaches nong time na yon. Buti nga at naintindihan nilang dalawa.

"Hi young man." nag squat si Gino para kausapin si Juaches.

"Hello po Tito!" Napasimangot naman si Juaches ng guluhin ni Gino ang kanyang buhok. Isa sa kinaiinisan ni Juaches ay yung hawakan ang kanyang kulot na buhok.

At dahil diyan in a count of three,

One...

Two...

Three... "It's already messy Tito and you're making it messier when you do that" inis niyang sabi.

Kaya natawa kaming lahat. Pagbaling ko sa kaliwa nakita ko lahat ng staff ko, mga bagong mukha. Sa harap ay ang mga dati kong staff na ngayon ay graduate na at may kanya-kanyang trabaho.

Andrea and Mika were already crying while the three boys Angelo, Andrae, and Prince were smiling brightly while looking at us. Nang binuka ko ang aking mga bisig nagsitakbuhan papunta sa akin ang mga babae at napahalakhak naman ang tatlong lalake.

"Ate tammy we miss you so much!" Iiyak- iyak na sabi sa akin ni Mika.

"Ate miss ka talaga namin. Dito na ba talaga kayo? Sure na sure?" Wika ni Andrea.

"Yes, me and my son will be staying for good." Nang marinig ang sagot ko humigpit lalo ang yakap nila sa akin. Nakisali na rin ang tatlo.

"Welcome back ate tams." sabay sabay nilang bati.

Natawa naman ang lahat dahil sa nasaksihan.

After that, ang anak ko naman ang pinagdiskitahan nilang lima. Napapangiti nalang ako dahil sa kakulitan ni Juaches habang kausap ang lahat. Hindi ko kasi pinabukas ang kafe para makapag bonding sa lahat ngayon.

Marami ng nagbago. Kaya nga nabigla ako ng malaman na engage na si Mika at Angelo. Habang si Andrae naman ay may asawa at anak na hindi nga lang niya sinama ngayon dahil may pasok yung bata, at saka si Prince at Andrea ay mag syota na. Marami na akong hindi alam.

At ito pa, si Clara ay buntis na sa panganay nila. I'm feeling a sudden burst of emotion while talking to them.

Ipinapahayag lang na sa lumipas na taon marami ng nangyari dito habang wala ako. Ang kafe glyko ay mas lalong lumago at nakilala ng lahat. May branch na sa Davao at Cebu. At may RestoBar na rin kami. Kasosyo ko ang mag-asawa.

"He looks like him, walang halong biro Tamara." ani ni Gino.

Tumango lang ako. Sang ayon naman kasi ako doon. Nakakainis nga dahil ako ang naghirap sa loob ng siyam na buwan tapos sa kanya lang magmamana? Pero natanggap ko naman din agad. Anak ko eh.

"Did you planned on telling him?" Tanong ni Clara.

"No." nalungkot naman ang itsura ni Clara sa sagot ko. "I just don't want my son to feel unwanted. At ayaw ko na rin makigulo sa pamilya niya. Baka hindi lang tanggapin ng asawa niya ang anak ko."

"Pero hindi mo maitatago ng matagal ito Tamara. Lalaki at lalaki yang anak mo, maghahanap yan ng ama. Wag mong sabihin sa akin na hindi pa yan nagtatanong sayo kung saan ang ama niya." aniya.

Natahimik naman ako dahil doon. My heart clenched while looking at my son playing with them happily. I know behind that big smile hides the longing of having a father. Ako naranasan kong magkaroon ng ama kahit sandali lang pero ang anak ko ni saglit hindi. Nakikita niya naman si Franco bilang father figure pero alam kong hindi yun sapat.

My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon