"Hija kamusta pakiramdam mo?"
"Malaki na ang tiyan mo ano?"
Napatawa nalang ako kila tito at tita. Yes they're already here. Na delay nga lang dahil marami pa silang inasikaso.
My tommy is already seven months, two months to go and my baby boy is born. Hindi ko mapigilang ma excite lalo na at palaging nag papansin si baby sa tiyan. Napapaaray nalang ako kapag sumisipa siya bigla. Excited na ring lumabas. Margo's taking care of me perfectly. Hindi niya ako iniwang mag isa.
The other girls will just contact me through margo's account. Before coming here, I deactivated all my social media accounts kaya hindi nila ako mako contact.
Kinakamusta ko naman ang business ko through Abby and if the staff wants to talk to me para mangamusta they will just approach abby. Hindi ko naman tinigil ang communication ko sa kanila. But they are doing their best na hindi siya mabanggit. Hindi ko naman sila pinagbawalan, kaya alam kong sila Abby ang nakiusap.
I didn't get a little information from them about him and that's what I'm thankful for.
"Tita naman, good boy kaya itong si baby ko pero minsan pasaway na" natutuwa kung kwento kay tita.
"Mabuti naman ano? At talagang hiyang ka sa pagbubuntis hija ha! Glowing na glowing kang buntis" napapangiti nalang ako.
Yes It's true. Ang ibang buntis naiinsecure, while ako? Ni isa o minsan hindi ko magawang ma insecure, hindi dahil sa hiyang akong buntis. Palagi ko kasing sinasabi sa sarili na baby ko naman ang gumagawa sa akin nito. Si it's okay. I'm a proud mama you know.
These past few months baby is my only strength while facing the world. Sa kanya ako kumukuha ng lakas. Iwan man ako ng iba, alam kong itong isang to hinding hindi ako iiwan.
"Margo! Please pa favor" tawag ko kay Margo.
Kami lang kasing dalawa dito ngayon tita and tito went outside to meet their friends that migrated with their families in here. Hindi ko naman sila pinigilan.
"Oh ano yun T?" Margo
"Pahingi ng gatas" nagpapa cute kong sabi sa kanya. Hindi kasi ako masyadong nagtatayo kasi kabuwanan ko na. The girls are on their way na nga eh.
"Hay nako ang buntis! Di bagay sayong magpacute pasalamat ka talaga!" Natawa nalang ako kay margo. Hindi naman ako sensitive. Yan ang mabuting dulot sa akin. Hindi ako masyadong pinahirapan ni baby.
Pag-alis ni margo bigla akong nakaramdam ng pananakit sa tiyan at balakang. Gosh wag naman sana ngayon baby wala pa sila lala at lolo mo.
Ng subukan kong tumayo naigik ako sa sakit. Okay Tamara breath in, breath out. Hinay hinay lang.
Akala ko okay na kasi nawala na ang sakit pero mali pala ako.
"Ahhh" napasigaw ako ng humikab ang tiyan ko. Mas masakit na ngayon.
"Ti- T anong nangyari!" Natataranta Na pumasok si Margo sa kwarto dala ang baso ng gatas.
"Ma- manganganak na ata ako" nahihirapan kong sabi.
"Huh? Diba dapat ne—"hindi na niya natuloy ang sasabihin ng sabay kaming napatingin sa sahig.
"Oh my gosh to the highest level pumutok na yong..."
"MARGO CALL TITA AND TITO BILIS" sigaw kong utos sa kanya.
Mas lalo itong nataranta. Habang tinatawagan niya sila tita kinuha naman niya yung baby bag. Ready na lahat ng gamit ni baby doon. Ako naman dahan dahang humakbang palabas.
"T tara pauwi na sila tita dadalhin na kita sa hospital" buti ng pagkalabas namin ay may dumaang taxi kaya nakasakay kami agad.
Pagdating sa hospital kaagad nila akong pinahiga sa stretcher at dinala sa ER.
"Okay Tamara just breath in and breathe out then push" utos ng doctor ko sa akin. Ginawa ko naman ang sinabi niya.
"Again! Another push Tamara" napasigaw na ako sa sobrang sakit.
Napapaluha akong umere. Kaya ko to. Makikita ko na ang baby ko.
"Another push, I'm already seeing the head" umere pa ako ng umere hanggang sa nakarinig ako ng isang iyak ng sanggol.
Iyak ng baby ko. Bago ako nakatulog sa sobrang pagod.
Nagising ako sa ingay. Pagmulat ko palang una kong nakita si Abby na may hawak-hawak na sanggol. They're here na already. At pinagkakaguluhan nila ang hawak nito.
"Oh baby mommy's awake" naiiyak kong tinggap mula kay Abby ang aking baby boy.
"My baby boy" I cooed happily. The joy I feel is overwhelming that tears started to form to my eyes.
No words can better explain how happy I am right now. All the pain and struggles I have faced are paid off by my little bundle of happiness in my arms.
"Gwapo niya sis" mas lalong lumawak ang aking pag ngiti dahil sa sinabi ni Sese.
"Yes he is, because I'm his mother" natawa silang lahat dahil don.
"Hija kami ng bahala sa papers mo dito okay? Don't worry. By the way anong ipapangalan natin sa baby nating ito?" Tanong ni tita.
Dahil sa tanong iyon, napabaling lahat ng mga mata nila sa akin. Isa isa ko silang tinignan. From tito to tita, kila abby na katabi si Franco, kay Sese, Maddie at Margo, then to my little angel.
I smiled before answering.
"His name will be Martheo Juaches"( Juaches pronounce as Huwakes) " my little angel, my baby boy"
Nang mapatingin ako ulit sa kanila may kanya-kanyang ngiti ang nag aabang sa akin. I even saw tita wiping her tears while tito's hugging her.
My baby will grow with so much love for these people. I'm not alone. I have them. And I'm blessed.
~Imnotyours_48~
BINABASA MO ANG
My Angel
RomanceADLUP SERIES #1 completed At a very young age Tamara Marie become an orphan. At the age of 12 her mother died and seen it by her own eyes, iniwan naman siya ng sariling ama para sumama sa ibang babae. Buti nalang at kinopkop siya ng butihing Tita E...