MAGKAKASUNOD na umalingawngaw ang mga putok ng mga baril. Tinamaan ng bala ng baril si Xander. Samantala ang poster father niya ay nakahandusay sa semento at wala ng buhay ito.
Dahil sa matinding alitan sa negosyo at hindi matanggap ni Don Mauricio ang pagiging talunan nito sa bid at hindi nakuha ang malaking proyekto ay humantong sa pagdanas ng dugo.
Sumugod si Don Mauricio kasama ang lalaking anak nito sa kompanya ng BMR Corporation. Subalit nasa parking lot pa lamang ay namataan na ni Don Mauricio, si President Philip ang presidente ng BMR Corporation at they same time ay ang kinikilalang ama ni Xander. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga ito.
Iyon ang tagpong nadatnan ni Xander. Iyong ibang bala na para sana sa kanya ay hinarangan ng katawan ni President Philip. Tanging sa balikat lamang ang tinamaan ng bala ng baril.
Pagkatapos silang pagbabarilin ay mabilis din umalis sina Mauricio at Lucio.
Inabot ni Xander ang baril ng Papa Philip niya sa di kalayuan. Atsaka walang alinlangan pinagbabaril ang dalawang lalaking naglalakad ng patalikod mula sa kanyang kinaroroonan. Hindi napaghandaan ng mag-amang Mauricio at Lucio ang bala na nag-uunahan papunta sa katawan ng mga ito. Pawang patal ang tama ng bala sa katawan ng mga ito na parehas na rin nakahandusay sa lupa.
“Andrie!” Matigas ang anyo sambit ni Carlo nang nakalapit na rito. Lingid sa kaalaman ni Xander ay kanina pa naroon si Carlo subalit hindi ito agad lumabas sa pinagtataguan sa likod ng kotse.
“Carlo, I need your help. Kailangan nating dalhin sa hospital si Papa or call the ambulance.” Aniya hindi iniinda ang tama ng baril sa balikat niya at ang maraming dugo na lumalabas mula sa kanyang sugat.
Yumukod si Carlo saka hinawakan sa pulsohan nito si President Philip. “His died, already.” Malungkot na umiiling wika ni Carlo.
“Your not a doctor!” Nagtatagis ang bagang wika ni Xander. Binuhat ang katawan ng kanyang poster father.
“Andrie, wala na tayo magagawa pa.” anito inawat si Xander sa ginagawa. Huminga ito ng malalim. “We need to go bago pa dumating ang mga police higit sa lahat ang mga tauhan ni Don Mauricio, mas lalong mailagay sa panganib ang buhay mo.”
Matigas ang anyo tinititigan niya si Carlo. “No!” mariin niyang wika.
“Andrie! We need to go. Kailangan muna natin maglaylo. Kapag naabutan tayo rito ng mga tauhan ni Don Mauricio mas lalong matinding labanan ang mangyayari. Wala tayong kalaban-laban. Pag-iisipan muna natin ng mabuti ang susunod na hakbang na gagawin natin.”
Tama si Carlo sa mga sinabi nito. Ngunit paano niya matiis iwanan sa ganitong sitwasyon ang naging ama sa kanya at itinuring siya nito na tunay na anak. Ngunit sa isang banda ay tama si Carlo. Siguro maiintindihan naman ng Papa Philip niya na iwanan niya ito. Labag man sa kanyang loob ay nagpatianod na lamang si Xander dito.
Nang nasa bayahe na ay malalim ang pag-iisip ni Xander. Naroon pa rin ang kanyang isip sa ama niya na iniwan na lang ng basta-basta. Tahimik siya humuhingi ng tawad dito.
Naririnig niya kanina kay Carlo na sinasabi nito sa kausap sa cellphone ang mga nangyari. At walang dudang si Madame Alicia ang kausap nito. Ang ina na kinilala niya.
“Nakita ko ang lahat na mga pangyayari,” basag ni Carlo sa katamikan namayani sa kanilang pagitan.
Bumuntong-hininga si Xander. “Kahit kailan traidor ang hinayupak na Mauricio iyon.” Aniya nagtatagis ang kanyang bagang at nakakuyom ng mahigpit ang kanyang mga kamao dahil sa matinding galit na naramdaman niya nang mga sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
ONCE AGAIN(Completed)
General FictionSeries 3- Xander Raider Please check it out the other RAIDER SERIES SERIES ONE- THE LONGEST RIDE(COMPLETED) SERIES TWO-SEALED WITH A KISS(COMPLETED) SERIES THREE- ONCE AGAIN(ON GOING HERE IN WATTY) SERIES FOUR-ACCIDENTAL LOVE(COMPLETED) SERIES F...