CHAPTER SIX

183 8 0
                                        

NATULOY umalis ng Hawaii at Bumalik ng New York si Xander.  Gayon pa man hindi naging madali ang lahat para sa lalaki.  Mula sa airport ay naka convoy na ang security force sa sinasakyan ni Xander.

Dobleng pag-iingat pa rin ang ginagawa ni Xander simula nang nakabalik na siya rito.  Alam niyang kahit anong oras,  makalingat lang siya ng saglit puweding goodbye world at hello to San Pedro na siya.  Ayaw niya naman mangyari iyon.  Gusto niya pang iharap sa dambana si Dianna.  Napapangiti siya ng maalala ang babaeng tanging laman ng kanyang puso’t isipan ang babaeng hinayaan niyang makapasok sa puso niya at nag-iisang babaeng inalalayan niya ng totoong pagmamahal.

Napabalik lamang siya sa kasalukuyan ng tumikhim si Dan ang naka-assigned na head security force. Kanina pa ba ito?  Bakit hindi niya kaagad napansin ang presinsiya nito?

“Boss,  kape?” alok nito sabay taas ng tasa ng kape na hawak nito.  Umuusok pa iyon sa sobrang init.

“Kung ipagtimpla mo ako,  sure pero kung hindi okay lang.” Aniya na tila nangungonsinsya ang boses.  Naupo siya ng tuwid saka isinandal ang likod sa backseat ng upuuan.

Ngumisi si Dan. “Areglado,  boss.”

“Black coffe without sugar,” pahabol wika ni Xander.

“Copy,  boss.” sumasaludong sambitla ni Dan,  tumalima na ito upang tumungo ng kusina at igawa ng kape ang amo.

“Sir Andrie,  pinapatawag po kayo ni Madam.  Hihintayin ka niya raw roon sa opisina niya.” Anang kawaksi na nakasuot ng kulay maron na uniform.

Dagli umangat ng tingin si Xander. “Sige,  pakisabi,  susunod na ako roon.” Aniya tumayo na mula sa kanyang kinauupuan.  Hinakbang ang kanyang mga paa patungo roon sa ikaapat na palapag nitong mansion kung nasaan ang opisina ng kinikilalang ina niya.

Nang marating niya na ang ikaapat na palapag.  Nasa harapan na siya ng pinto ay tatlong magkakasunod na katok ang ginawa ni Xander. Bago pinihit ang seradura at itinulak pakanan ang dahon ng pinto.

Tumikhim siya upang kunin ang pansin ng ina niya.  “Ma,  pinapatawag n’yo raw po ako?”

Manipis na ngiti ang sumungaw sa mga labi ng medyo may edad na Ginang. “Come inside son.”

Tumango si Xander,  hinakbang ang mga paa palapit dito. “What the matter ma?”

“Please, sit down,” anang Ginang minuwestra nito ang bakanteng upuan na katapat lamang ng inuupuan nito. 

“Be ready,  pakisabi na rin kay Dan na ihanda ang security forces. Pupunta tayo sa mansion ni Don Mauricio. Makipagmeeting tayo sa  mga anak niya.”

Napasinghap ng marahan si Xander buhay sa narinig niya mula rito.

“Magpaiwan ka na dito,  Ma.  Ayoko may mangyayaring masama sa ‘yo,” punong-puno ng pag-alalang sambitla niya.

“No,  andrie.” maagap na turan ng Ginang. Bahagya nito inusad ang swivel chair pagkatapos ay may kinuhang kahon mula sa drawer.

“Take this,  kailangan mo ‘yan para sa protektahan ang sarili mo.”

Inabot mula rito ni Xander ang kahon.  Binuksan niyon at tumampad sa kanyang mga mata ang calibre pistol, mga magazines at bala.  Sumilay amg malapad na ngiti sa mga labi ni Xander,  hawak niya ang baril.  Ngayon lang siya muli nakahawak nito simula ng dumating siya rito.

“Thanks,  Ma.”

“I remind you,  Andrie.  Kung ano man ang mapag-usapan mamaya magiging mahinahon ka sana anak. Kung ano man ang magiging desisyon ko,  sumunod ka na lang.  I’ll assured this is for your own good.”

ONCE AGAIN(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon