BUMUNGAD sa pang-amoy ni Xander nang pumasok siya ng kusina ang mabangong nilulutong pagkain. Nadatnan niya si Mommy Margaux na busy ito sa pakikipaglaban sa harap ng kalan. On hands ang kanilang ina pagdating sa mga pagkain nila.
Lumapit siya sa ina na busy sa harap ng kalan, hindi yata napansin ang presinsiya niya.
“Ma, marami yata kayong pagkain inihahanda?” hinalikan niya sa pisngi si Mommy Margaux.
Maluwang na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ng Ginang. “Kanina ka pa ba dumating?” Tanong nito na saglit lang siya pinasadahan ng tingin.
“Kakarating ko lang, Ma. Maaga kasi natapos ‘yong meeting ko with clients.”
Simula nang nakabalik na siya sa tunay niyang pamilya ay inalok siya ng kanyang Daddy Calyx na hawakan ang isang departmento ng Raider Company. Hindi niya naman inayawan bagkos buong puso niyang tinanggap. Atsaka pabor na rin sa kanya upang makasama ang buong pamilya niya, maliban na lang kay Cm na bumukod na ito kasama ang asawa si Nathalie. Gayon pa man parati pa rin sila nagkikita.
Ang mga negosyong pinamamahalaan niyang naiwan doon sa Los Angeles ay pinasa niya na rin kay Carlo. Mas deserved ni Carlo ang pamahalaan iyon dahil sa sariling pamilya nito ang nagmamay-ari. At ay di hamak ampon lamang ng pamilya Webber na kumopkop sa kanya.
“Ang Daddy mo kasabay mo na rin ba?” Tanong ni Margaux na abala pa rin ito sa harap ng kalan.
Ngunit bago pa makasagot si Xander, bigla na lamang bumungad sa pintuan si Calyx na nakasuot na ito ng damit pambahay.
“I'm here my love, na miss mo na ako agad?” Nakangiti turan ni Calyx.
“Hay, Calyx Raider, mahiya ka nga. Matanda na tayo at nakakahiya sa mga anak mo.” Ani Mommy Margaux ngunit nakapaskil ang maluwang na ngiti sa mga labi.
Ngumisi si Xander. “Mommy, talaga nahiya pa.” Tukso niya sa ina.
“Mag-ama nga kayo,” muling binalikan ni Margaux ang niluluto nito. “Xander, tikman mo nga itong chicken curry kung okay na yong lasa.”
“Sure, Ma.” Lumapit sa tabi ng ina. Kumuha siya ng kutsara atsaka tinikman ang chicken curry. “Perfect!”
“Anong kaguluhan meron?” Si Xandy kakadulog lang din dito sa kusina.
“Si Mommy nagluto ng masarap na chicken curry,” sagot ni Xander.
“As if naman hindi ko alam na sa lahat ng nilulutong food ni Mommy, chicken curry ang pinaka favorite mo.” Nakangising turan ni Xandy.
Atsaka lumapit sa kanilang mga magulang upang humalik sa pisngi.
“Hey, Kuya Xander. Kumusta naman ang pagiging detective mo kuno?”Biglang napaubo si Xander. Kahit kailan may pagkataklisa ang dila ng kapatid niya. Pinandilatan niya ng mga mata si Xandy. He’s giving a warning look to her.
Nitong mga nakaraan araw ay tila katulad siya sa pagigibg detective na sinusubaybayan ang bawat kilos ni Dianna. Simula noong hulibg pagkikita nila sa canteen at mainit na halik ang pinagsaluhan nila ay sinasadya na ng babae na iwasan siya.
Nagawa niya na rin lumapit kay Bianca at naipasyal niya na rin ang bata. Iyon nga lang hindi bilang Xander kung nagkunwari siya bilang si Cm. ‘Laking pasasalamat niya ay hindi nakahakata si Bianca.
Kumuha ng hiniwang carrots si Xandy at pagkatapos dinala sa bibig. “Kuya kailan mo balak magpasakal kay Dianna? Exciting yata ‘yon.” Nakangising pagbibiro nito.
Ngumisi naman si Xander. “Ikaw kaya ang sakalin ko.”
“Naku, Kuya alalahanin mo. Nag-iisang prensisa lang ako.”
BINABASA MO ANG
ONCE AGAIN(Completed)
General FictionSeries 3- Xander Raider Please check it out the other RAIDER SERIES SERIES ONE- THE LONGEST RIDE(COMPLETED) SERIES TWO-SEALED WITH A KISS(COMPLETED) SERIES THREE- ONCE AGAIN(ON GOING HERE IN WATTY) SERIES FOUR-ACCIDENTAL LOVE(COMPLETED) SERIES F...