CHAPTER TEN

179 5 0
                                    

“MARTINA,  aalis ako at hindi ko alam kung kailan ang balik ko.” Saglit niya tinapunan ng tingin si Martina na kakapasok lang nito sa kuwarto nilang mag-asawa.

Inilagay niya sa sulok ang maleta na kakatapos niya lang mag-impake ng kanyang mga gamit na dadalhin paalis.

Hindi pumayag sina Calyx at Margaux na hindi makasama si Xander sa pagbalik nang mga ito sa Pilipinas.  Pumayag naman siya na sumama dahil sa gusto niya pa rin makasama ang totoong pamilya niya.

Naupo si Martina sa gilid ng kama,  dumikuwatro ang dalawang binti ng babae nakamasid sa bawat kilos ni Xander. 

“Magtataka pa ba ako Andrie?  Kung palagi kang wala!” Nangungutya anito. “Parati ka naman layas ng layas.” Kumagat ng mansanas si Martina,  pagkatapos nguyain ay muling nagsalita. “Alam mo mas nagtataka pa nga ako,  for the first time marunong ka rin pala magpaalam na aalis ka. Hindi na rin ako magtataka kung mababalitaan ko na naman kung sino-sinong babae na naman ang kasama mo.” Mahabang pasaring litanya ni Martina.

Hindi niya pinansin ang mga pasaring ni Martina. Alam niya sa sarili na malaki ang mga pagkukulang niya bilang asawa nito.Dito niya binubonton ang galit na naramdaman niya sa kabila ng lahat na pinapakitang pagmamahal ni Martina para sa kanya.

Subalit naging pipi at bingi siya, naging matigas siya at kasing tigas ng bato ang kanyang puso. Kahit katiting wala siyang naramdaman pagmamahal para kay Martina.

Nitong mga nakalipas na mga araw,  simula nang makasama niya ang totoong pamilya ay paunti-unti siya naging malambot at ramdam niyon mismo sa sarili niya.

“I'm sorry,  Martina.  Alam kong hindi ako naging mabuting asawa sa ‘yo.” seryosong saad niya.

Nabitin ang muling pagkagat ni Martina sa mansanas na hawak nito. Habang nakakunot-noo ito nakatitig sa kay Xander.

“Mataas ba ang lagnat mo,  Andrie?  At nagdidileryo ka lang,” naiiling wika ni Martina.

“I'm serious,  Martina.  I'm sorry for what I did,” Aniya sa mababang boses.

Rumehistro sa hitsura ni Martina na hindi naniniwala. “What's wrong with you,  Andrie?” sa halip na pansinin ang sinasabi ni Xander.

“Nothing wrong with me,  gusto ko lang humingi ng sorry sa ‘yo.”

Blanko ang hitsura nakatingin lamang si kanya. Tila hindi ito makakapaniwala sa inaasta niya rito.  Tumayo si Xander saka lumapit sa gilid ng kama inuupuan  ni Martina. Kinuha niya  mula rito ang mansanas hawak ng babae.

“I've remembering before there was a young pretty and sweet Martina.” Saka kinagat ang mansanas kinuha niya mula sa kamay ng asawa niya na katingin lamang sa kanya.

“Where your mouth Martina?” nakangisi turan ni Xander saka binalik ang mansanas dito. Lihim na natatawa sa sarili.

Napanganga naman si Martina sa inaakto ni Xander.  Nakakapanibago ang pinapakita nitong kabairan.  Sa tuwing magkakasama ay hindi maiiwasan ang angilan sa isa’t isa na tila tigre at lion. Lihim ikinatuwa ni Xander ang nakiminita niyang hitsura ni Martina na tila nahipotismo.

“Good,  Martina.” Aniya tumatawa ng mahina. Iniwan si Martina na hindi pa rin nakahuma.

“Is that you,  Andrie?” Tanong ni Martina na hindi pa rin makapaniwala sa inasal niya.

Tanging kibit ng balikat lamang ang naging sagot niya.

CLARCK Pampanga Airport -kakalapag lamang ng private plane na pagmamay-ari ng Raider’s.  Lulan ang buong pamilya ni Xander kasama na ang kanyang mga magulang.

ONCE AGAIN(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon