CHAPTER FOUR

144 10 0
                                    


NANG HUMINTO ang kotse minamaneho ni Xander sa tapat ng bahay nila Dianna ay kaagad umibis ng sasakyan ang binata upang pagbuksan ng pinto si Dianna.

Tipid na ngumiti si Dianna. “Thanks.”

“Your most welcome lady,” ani Xander na bahagya pang yumukod.

Tiningnan ni Dianna ang suot niyang pambisig na relo. Batang-bata pa ang oras.

“Gusto mo magkape muna?” yaya niya.

“Sige,  basta sarapan mo ‘yong pagtimpla. Okay.”

“Okay boss,” nagtumbs-up pa si Dianna.

Nasa loob na sila ng bahay,  nagpaalam muna si Dianna  na magpalit ng damit dahil hindi siya komportable sa suot.  Pambabaeng boxer shorts na pink at maluwah na T-shirt ang pinalit niya sa halter dress.  Sa wakas ay nakaginhawa siya nang maluwag.

“Mas lalong kang sexy kapag ganyan,” tudyo ni Xander sa kanya.

“Huwag kang sinungaling,” natatawa niyang sabi saka dumeretso sa kusina para magtimpla ng kape.  Inabot niya kay Xander na naghihintay sa sala ang isang tasa ng kape.

“Puwedeng magtanong?” wika niya mayamaya.

“Ofcourse.”

“Bakit ka napadpad dito? I mean may tinatakasan ka ba sa inyo?”

Ilang saglit din ang lumipas bago sumagot si Xander. “No,  wala akong tinatakasan.  Mas maganda lang kasi dito mag-stay.” Pasimpleng sagot nito.  Saka humigop ng kape sa sariling tasa na hawak nito. “This is good,” anito na itinaas pa ang hawak na tasa.

“Well,  thanks to you.  For the complement kahit di totoo.” Sarkastiko niyang sambit.

Natawa si Xander at humigop ng kape pagkatapos,  ngunit ang mga mata ay hindi inaalis sa kanya.

Nais sawayin ni Dianna ang lakaki at sabihing huwag siyang tingnan sa ganoong paraan na parang nagagandahan sa kanya.  Iba kasi ang epekto niyon sa kanya.  Siguro ay dahil ito pa lang ang tanging lalaking tumingin sa kanya ng ganoon nang hindi nahihiya.

“Baka matunaw ako,” biro pa niya.

Sa halip na mailing,  lumipat pa si Xander sa kanyang tabi,  saka siya tinitigan nang malagkit.  Flirt talaga.  Natatawang itinulak niya ito nang marahan. “Baliw ka talaga.”

“Hindi ka naman natutunaw,  ah?”

“Sira-ulo.”

Hinawakan ni Xander ang baba ni Dianna at pilit siyang pinaharap dito. “Kung sino ang unang bumitaw ng tingin,  may parusa,” say  nito.

“What?  Ano na namang kalokohan ‘to?” natatawa niyang tanong.

“Kapag kumurap,  may parusa.”

Naiilang man sa titigan nilang dalawa ay hindi nga kumurap si Dianna.  Ngunit nagulat siya nang idikit ni Xander ang tungki ng ilong sa kanyang ilong kaya natalo siya.

“Madaya ka!” bulala niya.

“Anong madaya?  Talo ka na,” nakangising wika pa ng lalaki. “Ano ba ang magandang parusa?”

“Dinaya mo ako,” giit pa rin niya.

“Kiss me.  At hindi ako gaganti ng halik.”

“Iyon lang?”  nakataas ang isang kilay niyang tanong.  Ang akala yata ng lalaki ay baliw na baliw siya sa halik nito.

Lumuhod si Dianna sa sofa bago sinapo ang magkabilang pisngi ni Xander.  Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa nakangiting lalaki.  Hindi siya nagpa-distract sa ngiting iyon.  Isa lang ang goal niya,  ang patugunin ito sa kanyang halik.  Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha rito.

ONCE AGAIN(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon