NAGING MABILIS ang mga pangyayari sa pagitan nila Xander at Dianna. Hindi na rin nagawang magtanong ni Dianna ang tungkol sa totoong pagkatao ni Xander na nakilala niya bilang si Andrie.
Ang tanging mahalaga sa kanya ay mahal siya ni Xander, at palagi iyon pinaparamdam ng nobyo sa kanya. Kaya naman buong puso niyang pinagkatiwala dito ang pagmamahal at ang sarili sa lalaki.
Tinatamad siyang bumangon at kumilos kaya hinayaan niya na lamang ang sarili na damhin ang malambot ng kama na hinihigaan niya. Around nine o'clock in the morning, ngunit ito siya nakahilata pa rin. Mabigat ang pakiramdam ni Dianna nang mga sandaling iyon, napilitan na lamang siya bumangon ng may sunod-sunod na tumunog ang doorbell doon sa maindoor. Kulang na lang ay sirain ang eardrum niya kung sino man ang istorbong ito.
Hinagip niya ang roba na nakasabit doon sa silya atsaka dali-dali niya rin isinuot. Pagkatapos ay malalaking hakbang ng kanyang mga paa, tinungo ang maindoor.
“Wait!” Aniya sa medyo may kalakasan boses na may kalakip na bahid ng iritasyon. Para naman hinahabol ng sampung aso na hindi marunong maghintay.
Pagbukas niya ng pinto ay ang preskong-presko at guwapong mukha ni Xander ang tumampad sa kanyang mga mata. Idagdag pa ang swabbing amoy nito, plus ang makalaglag panty na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Mabuti na lang at mahigpit ang garter ng underwear na suot niya. Tila ba nanadya talaga ang mokong.
Gusto tuloy sabunutan ni Dianna ang sarili. Ito siya ni hindi man lang nagawa magsuklay, hindi pa rin siya naka toothbrush at hilamos.
“Hi, Baby Good morning,” may nakakalokong ngiti sumilay sa mga labi ni Xander.
“Hey, Baby ka diyan!” sikmat niya sa nobyo ngunit sa kabila niyon ay kinikilig naman siya. “Bat ang aga mo yata?”
“Na miss na kita ng sobra kaya narito ako. Gusto kasi kita makita,” lumapit si Xander sa kanya upang yakapin si Dianna.
Ngunit maagap na umiwas mula rito si Dianna. “Hindi pa ako nakapag toothbrush, hindi pa rin ako naka…”
Hindi niya na naituloy ang iba pang sasabihin ng niyapos siya ni Xander then he claimed her lips. Ilang segundo rin ang tinagal ng halik nito.
“I love you more,” Kumindat pang wika ni Xander.
Hay, wala na bang gagawin ang lalaking ito kung di ay iparamdam sa kanya ang kahalagahan niya rito at kiligin ng bonggang-bongga.
“Oo na, love na love naman kita. Pero puwede ba pumasok ka muna rito.” Aniya, binigyan daan si Xander upang makapasok dito. Pagkatapos ay sinara niya na rin ang dahon ng pinto.
“Flowers sa pinakamagandang babaeng na mahal na mahal ko.” Ani Xander.
“Kahit kailan bolero ka talaga,” nakangising aniya.
“Ouch…” nakangiwi sambit ni Xander tila nasasaktan nga ito.
“Arte mo, hah.” Naroon pa rin ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Dianna. “Thank you, Babe.” Aniya inabot mula rito ang pongpong ng mga bulaklak saka dinala malapit sa kanyang ilong upang amoyin ang mabangong samyo ng mga bulaklak.
“Wala ba akong kiss?”
“Nauna na ang halik mo,” pilya niyang sambit.
Umingos si Xander katulad sa bata. Pibagtatawanan naman ni Dianna.
“Change your clothes Baby, samahan mo ako.”
Ngayon niya lang napansin nakasuot ng sports wear si Xander, kulay dark blue na Jersey ang suot nito.
BINABASA MO ANG
ONCE AGAIN(Completed)
Fiksi UmumSeries 3- Xander Raider Please check it out the other RAIDER SERIES SERIES ONE- THE LONGEST RIDE(COMPLETED) SERIES TWO-SEALED WITH A KISS(COMPLETED) SERIES THREE- ONCE AGAIN(ON GOING HERE IN WATTY) SERIES FOUR-ACCIDENTAL LOVE(COMPLETED) SERIES F...