Chapter Four

42 4 0
                                    

"Saan na ba si Zandro? Magiisang oras na siyang late! Kapag talaga hindi siya dadating I'll put 0 as his score!" naiinis na sabi ng leader namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Saan na ba si Zandro? Magiisang oras na siyang late! Kapag talaga hindi siya dadating I'll put 0 as his score!" naiinis na sabi ng leader namin.

Nandito kami ngayon sa entrance ng school dahil may group project kaming gagawin. Pupunta kami sa bahay ng kaklase namin at si Zandro nalang ang hinihintay namin.

Nasan na ba kasi ang gagong yun? I tried texting and calling him pero wala talagang sagot!

Elyse:
Hoy nasan ka na??
Zandro!!!
Hoy pag hindi ka pupunta dito iiwan ka na namin bahala ka na sa grades mo!
Hoy sabi ni April 0 na ang score mo pag hindi ka pumunta dito!
ZANDRO!!
UGH NAKAKAINIS KA!

Ilang minuto pa rin kaming nag hintay at nang nawala na ng pasensya nag para na kami ng tricycle patungo sa bahay ng kaklase namin.

"Sandali!"

Huminto ang tricycle na sinakyan namin at umupo si Zandro sa tabi ko. Pawi na pawis siya at mukhang kagigising pa lang. His hair is a bit messy kaya inayos ko ito.

"Buti naman nandito ka na!"

He smiled playfully. Napakamot siya sakanyang batok. Itong gagong to ang saya-saya pa! Pinaghintay niya kami ng isang oras no!

"Sorry, late akong nagising eh."

Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Aray! Elyse naman!"

"Anong 'Elyse naman'?! Pinaghintay mo kami ng isang oras!"

"Oo nga! Ikaw kaya mag hintay ng ganoon katagal! Ugh!" reklamo ni Laine, ang may ari ng bahay.

Apat kami at siya lang ang lalake. He smiled playfully again. Nangigigil na ako sa ngiti niya ah!

"Okay lang mag hintay kahit gaano pa yan katagal basta worth it!" kinindatan niya ako.

"Eh hindi ka naman worth it!"

"Oo nga!"

Tinawanan niya lang kami at wala ng nag salita hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Sinumulan na namin kaagad. Nang mag alas tres sa hapon napagdesisyunan namin na tapusin nalang sa Monday. Konting final touches lang naman at tapos na kami.
Nag paalam na kami sa isa't isa at ito naman si Zandro agad sumunod sa akin.

"Elyse, saan ka pupunta?" tuwang tuwang tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at nag patuloy sa paglalakad. Akala ko lulubayan niya na ako pero nakasunod pa rin siya sa akin! I stopped walking and faced him. He's face is so near mine!

"Bakit mo ba ako sinusundan?!"

"Uy, chill! Ayaw ko pa kasing umuwi dahil maaga pa naman kaya sasama nalang ako sayo. Saan ka ba pupunta?" he said, smiling.

Oh my goodness, this guy! I inhaled a deep breath. Girl, kalma! Tumango ako at pekeng ngumiti. Wala akong ibang choice kundi isama ang mokong na to!

On New Years Eve (Amor Joven Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon