"Uy! Nandito ka na naman!"
I chuckled at the old lady. She's in her early 60's. Dito ako sa shop niya bumibili palagi ng bulaklak.
"Kayo po, hindi pa kayo nasanay sa 'kin. Alam niyo naman tuwing unang araw ng bagong buwan bumibili ako sa bulaklak."
"Kaya nga, 'di pa ako nasanay. Magi-isang taon ka ng bumibili sa 'kin. Pwede ba ko mag tanong para kanino yung bulaklak?"
"Sa asawa ko po..."
Nanlaki ang kanyang mga mata. She covered her mouth with her hand. She looked sorry for me.
"Hala, pasensya hijo..."
"Huh? Hindi po..." Natawa ako. "Buhay pa po asawa ko. January 1 kasi ang birthday niya kaya tuwing unang araw ng buwan ko siya binibigyan ng bulaklak..."
Tumango-tango siya habang tumatawa. Halatang nahiya siya.
"Naku! Pasensya na hijo... Akala ko..."
"Hindi po..."
"Yung kulay asul pa rin ba na tulips ang bibilhin mo?"
"Opo..."
"Sige, upo ka muna."
Tumango ako at ngumiti bago umupo. Walang masyadong tao ngayon. Sabagay, September 1 ngayon. Walang occasion. Ilang minute lang lumipas at binigay na niya sa akin ang aking order.
"Thank you po! Heto po, keep the change..."
"Salamat, hijo! Sa susunod isama mo ang asawa mo!"
I laughed and nodded before going out. I went inside my car and went straight to my shop. Pagdating ko agad akong bumaba at tinago ang bulaklak sa aking likuran. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako Nakita. I covered her eyes with my hand.
"Zandro! Ano naman yan?"
I chukled and gave her the bouquet. I saw her face lit up. Kinuha niya ang bouquet at inamoy. I hugged her from the back.
"'Di ka talaga nagsasawa bigayn ako ng bulaklak. Thanks, love!"
"'Di talaga ako magsasawa. Tsaka, dapat ako ang magpasalamat sayo. You fought your life for us. Thank you for not giving up..."
"Thank you din... Kahit sinabi kong wa'g mong ibigay ang bone marrow mo sa 'kin binigay mo pa rin. I love you..."
I kissed her cheek and she blushed profusely.
"Nakalimutan mo siguro na nandito tayo sa shop. Nakakahiya sa mga empleyado," bulong niya. I chuckled.
"Sanay na kaya sila!" I faced my employees and chuckled. "Diba sanay na kayo sa kalandian naming guys?"
"Opo, Sir! Paano kami hindi masasanay?!" sabi ng isang babaeng emplayado ko.
"Sana all talaga!" segundo naman ng isa.
BINABASA MO ANG
On New Years Eve (Amor Joven Series #2)
Romance"I took the risk for you. I lied to my parents about us. I accepted the pain that you brought me. I love you. That's what my heart says. But why did you leave me? Why did you leave me on my birthday? Why did you leave me... on new year's eve?"