Chapter Nineteen

27 4 4
                                    

I laughed and wrapped my arms around his waist

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I laughed and wrapped my arms around his waist. I looked up at him. My eyes are twinkling of happiness.

"Thank you so so so much! I love you."

"Anything for my girl."

My heart softens whenever I hear him say that. Nilahad niya sa akin ang kanyang dala. Bago ko pa ito makuha kinuha na ito ni Jayda at Sydney.

"Kain na tayo! Gutom na ako!" si Harmony.

"Hoy Zandro! Kayo mag linis nyang kalat niyo ah!"

Natawa ako nang makita ang inis na mukha ni Sanella.

"Kakalinis lang namin eh!"

Tumawa lamang si Zandro. Inakbayan naman ni Dustin ang kanyang girlfriend. Pumasok na kami sa loob at kumain na sa donuts na binigay sakin ni Zandro. Pagkatapos ay nilinisan namin ang mga confetti nagkalat.

"Hanngang dito ka nalang."

I laughed when we arrived at the sari-sari store a few blocks away from my house. Tumawa rin siya.

"Sige na! Alis ka na. Baka makita na naman tayo ni Papa dito."

"Okay. See you tomorrow. Happy monthsary ulit! I love you."

Kumaway na ako at nang nasa malayo na siya naglakad na rin ako papunta sa bahay.

"Elyse!"

Limingon ako sa tumawag sakin. Ngumiti ako kay Iana.

"Hi!"

"Anong gift mo para kay Zandro?"

"Gift? Bakit? Kakamonthsary lang namin ah."

"Diba birthday niya na next week?"

"Birthday?" nagtataka kong tanong. Nanlaki ang aking mata nang matanto ang kanyang sinabi. "Shet! Nakalimutan ko ang birthday niya!"

"Buti nalang tinanong kita!"

"Paano mo pala nalaman na birthday niya next week?"

"Ah... narinig ko kasing naguusap si Liah at yung mga kaibigan niya. Tinanong kasi nila si Liah ano ba raw ang regalo niya para kay Zandro."

"Tapos? Anong sabi ni Liah?"

"Sabi niya secret raw. Sus! May pasecret-secret pa siyang nalalaman. Sige, Elyse mauuna na ako. May meeting pa ako para sa SSG. Buhay student council!"

Tumango ako at ngumiti kay Iana. Nang nawala na siya naiwan akong nakatunganga.

Ano ba ang ibibigay ko kay Zandro? Necklace? Watch? Shoes? Clothes? Hindi ko alam! Tinignan ko ang calender ng aking cellphone. July 7 pa naman ngayon. July 13 pa ang birthday niya. Sa weekend nalang ako maghahanap ng regalo. Sana nga lang walang group activity na gagawin. At ano kaya ang regalo ni Liah kay Zandro? Paano kung mas maganda yung sa kanya?

On New Years Eve (Amor Joven Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon