Chapter Twenty Three

46 3 0
                                    

I went home with a heavy heart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I went home with a heavy heart.

"Elyse, anak... basang-basa ka! Bakit kasi hindi ka nagdala ng payong?! Paano kung magkasakit ka? Birthday mo pa naman!" bungad ni Mama pag dating ko sa bahay. I put on a small smile then I proceeded to my room.
Umupo ako sa sahig at tinitigan ang sirang salamin.

Like the mirror, I am also broken. My heart aches. I started crying again. I was in the middle of it when Kuya Alwin knocked on the door.

Mabilis kong inayos ang aking sarili bago siya pinagbuksan.

"Elyse, magbihis ka na. Aalis na tayo maya maya."

Tumango ako at sinara ulit ang pintuan. Bumuntonghininga bago kinuha ang aking tuwalya para maligo. I was crying while taking a bath so I turned the faucet on so they won't hear my sobs. Pagkatapos kong maligo ay bumalik ako sa aking kwarto at nagbihis.

"Elyse, tara na!" ani Papa galing sa labas.

"Opo! Lalabas na po!"

Kinuha ko ang aking cellphone at lumabas. Maliit lamang ang bahay nina Kuya Neil pero sapat na iyon para sakanila. Pagdating, kumain muna kami. Habang kumakain inanunsyo ni Kuya Neil na buntis nga si Ate Tori.

"Knew it!" si Ate Pheobe.

"May apo na ako!" si Papa.

Nagdiwang ang lahat. I can't help but smile. We have a new member of the family. I was sitting alone at the porch when Kuya Neil showed up.

"Birthday na birthday pero ang lungkot natin ah."

"Kuya, ba't ba palagi kang sumusulput kapag nagmu-muni muni ako?"

Natawa siya bago umupo. Nilahad niya sa akin ang dalang beer. Uminom kami bago siya nagtanong.

"So... anong nangyari sa inyo ni Zandro?"

"We broke up."

"Kailan?"

"Kanina. When the clock struck 12."

"Awit. Happy new year sayo, bunso!"

Napainom ako sa beer. "Awit talaga."

"Anong rason niya?"

"Uy! Anong pinaguusapan niyo dyan?!" biglang sulput ni Ate Phoebe. Nasa likuran niya si Kuya Alwin. Naupo sila.

"Ano ba, Ate! Di na tayo kasya! Bumalik na kayo sa loob!"

"Grabe siya! Ayaw mag share!" ani Ate.

"Parang others naman kami!" ani Kuya.

Umupo sila kaya nagsisikan kami.

"Ano ang ganap? Anong ang chika?"

"Spill the tea, siszt!" 

Natawa kami kay Kuya Alwin.

On New Years Eve (Amor Joven Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon