Chapter Twenty One

32 3 3
                                    

Pagkatapos ng kasal umalis sina Kuya Neil at Ate Tori para sakanilang honeymoon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos ng kasal umalis sina Kuya Neil at Ate Tori para sakanilang honeymoon. 

"Okay lang kayo ni Zandro?" tanong ni Sydney.

Kasama ko sila ngayon kumakain ng tanghalian. 

"Oo naman."

"Akala ko nag away kayo." si Jayda.

"Bakit?"

"Hindi na kasi kita nakikita sa classroom palagi."

Hindi ako sumagot.

"Diba Kaia at Harmony nagre-review kayo para sa UPCAT. Kumusta?" Iana said, changing the topic.

"Girl, nas-stress na ako dahil malapit ang UPCAT. Natatakot akong baka hindi ako makapasa." si Kaia.

"Ako rin! Nagbabayad sina Mama para sa review classes ko tapos kung hindi ako makapasa parang nawala lahat ng effort nila. I don't want to be a disappointment." si Harmony.

"Kayo, kumusta ang independent learning niyo?" tanong ni Kaia.

"Nas-stress na rin ako dahil malapit na ang DOST exam pero laban lang!" si Sydney.

"Ikaw, Elyse? Kumusta?"

"Pag meron akong hindi maintindihan deretso youtube ako." sagot ko.

"Same!"

"I can relate!"

Nagsitawanan kami. Kalaunan bumalik na kami sa aming mga silid dahil malapit nang mag simula ang afternoon classes namin.

Pagkatapos noong kasal nila Kuya hindi na kami naguusap ni Zandro. Iniisip ko na lang na baka busy. Sabagay malapit na rin kasi ang UPCAT. Kahit si Chie nga abala. Hindi na ako pumupunta sa silid nila pagkatapos ng class hours dahil ayokong makaistorbo sa kanya. 

Kailangan ko na rin mag todo aral dahil next month October na. November pa ang MSU-SASE pero dapat hindi ako maging kampante. Hay. I can't wait for Christmas break. Gusto ko ng matapos to lahat. I want to spend time with Zandro. Mingaw nako niya.

First week of October ang UPCAT kaya papunta na ako ngayon sa school para kitain si Zandro. I want to see him and wish him luck before the start of his examination.

"I bought you some snacks. Baka magutom ka kasi mamaya. I also bought water." bungad ko nang makita siya sa labas ng entrance gate. Kinuha ko ang backpack niya at nilagay sa loob ang aking mga pinamili. Zandro held my hands which made me stop what I'm doing.

"Are you nervous?"

Tumango siya at ngumiti.

"Kaya mo yan! Ikaw pa!" 

He pulled me closer to him and wrapped his arms around my waist. I gently brushed his hair.

"Thank you, Sapphire." he whispered. 

On New Years Eve (Amor Joven Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon