"Elyse, halika ka na dito! Ang sarap ng tubig!" tawag sa akin ng pinsan kong si Ate Elyza.
"Masarap? Nainom mo ba, Ate Ly?" si Nathalie.
Summer ngayon at nandito kami sa Siargao nagbabakasyon dahil kumpleto ang pamilya.
Alas sais pa ng umaga at napagdesisyunan namin magpipinsan na mag swimming sa pool ng hotel.
"Come on, Elyse!" kumbinsi ni Ate Gail.
I shook my head and decided to join them in the pool. We've been here for a week now. Malapit na rin ang pasukan pero mukhang hindi ako makakapasok sa first day dahil pupunta pa kaming Surigao.
Surigao is my family's hometown. Isang beses sa isang taon lamang nagsasama ang pamilya kaya gustong sulitin.
"Hali na kayo, kakain na tayo ng breakfast." tawag sa amin ni Tita Jonna.
Katapat lang ng pool ang dining area kaya kitang kita namin ang mga Tito at Tita. Bumalik kami sa hotel room at nag bihis bago bumalik sa baba. On breakfast, our table was the loudest. Nakakahiya pero bahala na. Masaya naman.
Ngayon aalis ang mga magulang namin dahil maglilinis pa sila sa bahay sa Surigao.
"Susunod kayo bukas huh? Wala ng extension." ani Mama Tita Teresa.
"Yes, Ma." si Ate Elyza sa boring na tono. We just shook our heads at her. Halata naman gusto pa siyang mag extend.
"Alagaan niyong mabuti si Amarah, hmm..." si Tita Adelaida.
"Elyse, sasama na kami ng Kuya Alwin mo kina Mama." si Kuya Nyle.
Tumango ako sakanya at ngumiti ng matamis.
My Mother, Lilibeth Sedeña De Torre is the eldest daughter of Dittle and Harold Sedeña.
My Grandfather is a filipino-spanish citezen. Nag tayo sila ni Lola ng isang spanish cuisine dito sa Surigao pero nang namatay ang dalawa, namatay rin ang negosyo.
I have three siblings. Mataas ang age gap namin pero close pa rin kaming lahat. Si Kuya Alwin ay 30 na, si Kuya Nyle ay 23 at si Ate Pheobe ay 20. While I am still 15. May katandaan na si Mama noong ipinagbubuntis niya ako but luckily I came out safe and alive.
Mama Tita Teresa have two lovely daughters. Si Ate Elyza at Nathalie. Ang tatay nila ay patay na dahil isa itong sundalo noon. Ngayon ay naninirahan na sila sa Chicago.
Si Ate Gail ang unica hija ni Tita Jonna at Tito Erich. Naninirahan sila sa Australia.
Si Tito Jerry at Tita Adelaida ay naninirahan sa Zamboanga kasama si Ate Arabelle at si baby Amarah.
When they left bumalik ako sa hotel room kasama si Amarah. Sila naman ay pumuntang General Luna para bumili ng mga pasalubong.
I put baby Amarah on the couch and let her play her toys. I then went to our hotel rooms balcony with my ukelele and started playing it.
BINABASA MO ANG
On New Years Eve (Amor Joven Series #2)
Romance"I took the risk for you. I lied to my parents about us. I accepted the pain that you brought me. I love you. That's what my heart says. But why did you leave me? Why did you leave me on my birthday? Why did you leave me... on new year's eve?"