Unang Kabanata
WakasIsabel
"Mahal, sana hindi na matapos 'to no." Sambit niya.
Puno na ng bituin sa langit at pareho na kaming nakatingin doon mula sa bintana ng bahay ng aking katabi. Kagagaling lang namin sa perya, dahil sinubukan namin ang ilang rides na kapatatayo lang dahil fiesta na sa bayan. Marami ring street foods na tinry ko dahil unang pagkakataon ko lang na makakita ng mga iyon.
Napangiti ako.. "Mahal, gusto ko ganito lang talaga kasaya lagi for the next days, months and years that will come. Gusto ko pag fiesta lagi tayong sasakay sa rides hanggang sa mapagod tayo tapos sa mga susunod namang taon, kasama na natin ang mga anak natin, ang saya-saya siguro no'n 'no." Sagot ko.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo na hindi ako iwan? Ilang buwan na rin ang pagtatago mo, mahahanap ka na ng Don, at alam nating dalawa na hindi siya masaya sa desisyon mong paglalayas." Sabi niya na may halong pag-aalala. Ayokong napag-uusapan namin iyon lalo na kung masaya kami, not because I avoid that topic pero iyon ang realidad na ayaw kong balikan and I just want to stay here, in between Joaquin's arms.
Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at napansin ang namumuo niyang luha. I planted soft kiss in his lips. Sana ay di na matapos ang gabing ito.
"Mahal, masaya ako sa bawat araw na kasama ka, kaya sana, ganoon ka rin at kung sakali mang kunin ako ni Papa, huwag kang bibitaw dahil patuloy pa rin akong kakapit. You are the best thing that ever happened to me. Ayokong mawala ka." Sambit ko at nag-isip ng kung ano kaya ang maaari naming gawin bukas.
Niyakap niya ako ngunit napansin kong napatigil siya, kaya't napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa aking braso.
"Ito ba ang resulta noong minsan kang bumili sa lungsod ng mga kagamitan mo?" Nalungkot ako dahil baka sisihin nanaman niya ang kaniyang sarili dahil napahamak ako sa labas.
"Ung isang tauhan ni Papa kasi nakita ako sa mall, tapos hinabol ako buti nalang kamo malapit na sa may palengke kaya mabilis akong nakapagtago-tago sa mga tiangge, 'yun nga lang sa may bentahan ako ng halaman napadpad kaya ganiyan. I apply cream naman after ko maligo. Huwag ka mag-alala." Ngumiti ako para hindi na siya masyadong mag-alala pa.
"Ako nalang ang bibili sa susunod ng mga kailangan mo, dito ka nalang sa bahay, ayoko napapahamak ka, kahit halaman ayoko ng padapuin pa sa balat mo. Tignan mo pulang-pula oh." Hinawakan niya pa ang mahapding parte sa aking sugat-sugat na braso, pero nginitian ko nalang siya na parang walang nangyari.
"Grabe ka naman, hindi ka ba masaya na andito naman ako, katabi mo, buong buo pa. Hmp, nakakatampo ka!" Binawi ko ng bahagya ang yakap ko na siyang agaran niya ring hinabol pabalik. Hinagkan niya ako sa aking noo at sinubukang iharap ang aking mukha sa kaniya.
"Masayang masaya ako, hindi ko maipaliwanag ang galak sa aking puso. Pero kung sakaling magkalayo man tayo, hihintayin kita. Hihintayin kita hanggang sa maituloy natin kung saan man tayo natapos." Niyakap niya pa ako ng mahigpit.
"Kapag kaya nawala ako, makakahanap ka ng iba..." Naisip ko lang bigla.
"Mahal, ano bang pinagsasabi mo, hindi na ako maghahanap ng iba, dahil andito ka na sa puso ko, at wala na sa isip kong magpakasal pa sa iba maliban sa'yo." Puno ng pagmamahal ang kaniyang mata at kitang kita ko yon dahil sa ilaw ng buwan ng pumapasok sa aming silid, kalauna'y pumikit na rin siya at humilig sa aking leeg.
BINABASA MO ANG
Estrella
RomanceIikot ang kwento sa tatlong tao na tumira sa lugar kung saan nila napiling magmahalan, masaktan at magpaalam, ito ang Villa Estrella Gomez. Bawat taong daraan sa ating buhay ay mayroong aral na ibibigay. Hinagpis at lungkot ang dulot ng mga taong um...