Ikaapat na Kabanata
PaghihintayJoaquin
Malungkot na umaga nanaman ang bumungad sa akin, dahil alam kong wala pa rin si Isabel. Ilang linggo na rin akong ganto, dahil hindi muna ako pumapasok sa trabaho. Binibisita ko rin lagi si Aling Hermosa para may mapagkwentuhan, para maalala ko pa rin ang iba't ibang alala na binuo namin sa bayang ito.
Minsan ay lasing na kong umuuwi sa bahay para minsan ay maibsan ang sakit at pangungulila na nararamdaman ko.
Minsan nga ay napaaway pa ako sa may kanto. Buti nalang ay pinuntahan ako ni Aling Hermosa kaya't hindi ako gaanong napuruhan sa engkwentrong iyon.
Doon ako kinausap ni Aling Hermosa ng masinsinan.
"Iho, ano bang ginagawa mo sa buhay mo?" panimula niya, may lakas pa akong magsalita kaya sinagot ko siya.
"Aling Hermosa, mahal na mahal ko na agad si Isabel kahit sa mabilis lang na panahon ng aming pagkakakilanlan. Hindi ko ginustong kunin siya sa akin ng kaniyang Ama." at naiyak na ako.
"Joaquin, kaya mo nga siya hinhintay diba, para muli na kayong magsama." sabi niya
"Pero kailan pa siya darating, ilang araw na ang lumipas, ilang linggo na rin at buwan. Hindi naman ako tanga para di isiping iniwan na talaga niya ako, at hindi na siya magbabalik pa." sabi ko
"Pero sa tingin mo ba na kapag dumating si Isabel ngayon at nadatnan ka sa ganyang kalagayan ay matutuwa siya?" napaisip ako sa sinabi ni Aling Hermosa.
"Sumama ka sa akin bukas sa palengke, may ipakikilala ako sayo, sila ung bagong lipat malapit sa bahay namin, hindi rin daw sila magtatagal rito kaya't ipakikilala ko na sa iyo, malay mo may mas magandang plano ang Diyos sa iyo, maliban kay Isabel." sabi niya
"Halika na, sasamahan na kita sa bahay mo." Tinulungan ako ni Aling Hermosa at buong gabi kong inisip ang aming pinag-usapan
Bukas na bukas ay aayusin ko na ulit ang buhay ko. Hindi dapat ako nagmumukmok lang dito. Papatunayan ko na hindi lang basta basta ang Joaquin na iniwan niya. Hindi ko lang sa kaniya patutunayan pero maging sa Ama rin niya.
Kinabukasan, maaga akong nagtungo kina Aling Hermosa para samahan siya sa palengke ngayon tukad ng napag-usapan kagabi.
"Ay iho, biglang sumama ang pakiramdam ko. Ikaw nalang munang mamalengke para sa akin at samahan mo na rin si Estrella, siya ang anak ng bagong lipat dito." Nakita ko ang pagod sa kaniyang mukha at pumayag agad.
Estrella.. bakit parang minumulto pa rin ako ng bayan na ito. Si Isabel noong una at ngayon naman ay Estrella.
"Aling Hermosa?" Isang malambing na boses ang narinig ko na siyang nagpa-angat sa aking tingin. Ito ay nakabistida ng puti at may dalang bayong sa isang kamay, payat at matangkad ito kaya't parang modelo ito kung sa malayo
"Nasa loob siya, anong kailangan mo?" sabi ko.
"Sabi niya ay sasamahan niya raw ako sa pamamalengke ngayon, kalilipat lang namin kaya wala pa kaming makain ni Mama. Pakisabi na nandito na ako." sabi niya at tila bumagal ang mundo ng naglakad siya palapit sa akin.

BINABASA MO ANG
Estrella
RomanceIikot ang kwento sa tatlong tao na tumira sa lugar kung saan nila napiling magmahalan, masaktan at magpaalam, ito ang Villa Estrella Gomez. Bawat taong daraan sa ating buhay ay mayroong aral na ibibigay. Hinagpis at lungkot ang dulot ng mga taong um...