Ikatlong Kabanata
Panghihinayang
Isabel
Masaya ako dahil masisimulan ko ng hanapin si Joaquin, at ang aking unang ginawa ay ang pagpunta sa Villa Estrella Gomez. Bago na ang istilo ng buhok ko, sana'y magustuhan ito ni Joaquin. Kinilig naman ako sa simpleng naisip na mangyayari kaya naman ay nagmadali na ako at pumunta kina Aling Hermosa.
"Tao po, Aling Hermosa andito po ba kayo?"
"O! Ikaw pala Isabel." Halata sa kaniyang expresyon ang gulat at siguro'y hindi na inaasahang magbabalik pa ako.
"Nakita niyo po ba si Joaquin, kailangan ko po kasi siyang makausap." Tanong ko ng may ngiti sa mukha.
May halong pag-aalinlangan sa mukhang ipinakita ni Aling Hermosa.
"Nasaan po kaya siya ngayon?" Tanong ko ulit, baka ngayo'y masagot na niya ako.
"Baka nasa palengke si Joaquin pero Isabel maging matatag ka sa kung anuman ang makita mo. Walang permanente sa mundo, lahat nagbabago."
Naguluhan ako sa sinabi ni Aling Hermosa, saksi siya ng pagmamahalan namin ni Joaquin sa loob ng ilang buwan kaya bakit niya ako sasabihin ng mga ganoong ganoong klaseng salita.
Nagpunta ako sa palengke ng bayan, at walang inisip kundi ang makita si Joaquin sa araw na ito.
Ang palengke ng bayan pala ay mas malaki kaysa sa aking inaasahan, nagsimula akong magtanong tanong kung may kilala ba silang Joaquin Santos at saan nila huling nakita.
May nakita akong pamilyar na mukha na may dalang bilao ng kakanin na binebenta niya dito sa mga opisina na malapit dito sa palengke kaya't lumapit ako rito, "Aling Leni, kayo po 'yan 'di ba?" Nagulat pa siya sa akin noong una pero kalauna'y binati rin ako.
"O, Isabel, napadpad ka muli rito?"
"Hinahanap ko po si Joaquin, nakita niyo po ba siya?"
May biglaang sumagi sa akin kaya't napaluhod ako sa lupa at maging si Aling Leni.
"Nako! Aling Leni ang mga paninda mo!" Agaran akong napabukas ng aking dalang bag at kumuha ng pera. Tinulungan ko rin siyang makatayo at pinagpagaan ang suot ng mahabang palda.
"Nako, Isabel! Nakakahiya! Hindi mo naman kasalanan, marami kasing tao ngayon dahil 'market day' pero okay lang." Sabi niya habang pinupulot ang pinaghirapan niyang kakanin na nahulog na sa lupa.
"Nako, namumula ang tuhod mo!" Napatingin ako roon at doon ko palang naramdaman ang hapdi sa'king tuhod.
"Grabe si Ate Leni, para namang 'di tayo magkakilala niyan. Nako, kung nandito si Joaquin ay ganoon rin ang gagawin niya. 'Tsaka galos lang po ito, pahinga lang katapat!" Napangiti ako sa naisip, at minosyon ang aking braso na parang nagmamayabang.
"Haynako! Sige na nga, at para gumaan na ang loob mo at para mapahinga mo rin ang tuhod mo. Pero hindi ko pa nakikita ngayon si Joaquin e, paumanhin, Isabel." Nakatayo na siya at napulot na ang mga paninda. "Salamat nalang po, Aling Leni."
BINABASA MO ANG
Estrella
RomanceIikot ang kwento sa tatlong tao na tumira sa lugar kung saan nila napiling magmahalan, masaktan at magpaalam, ito ang Villa Estrella Gomez. Bawat taong daraan sa ating buhay ay mayroong aral na ibibigay. Hinagpis at lungkot ang dulot ng mga taong um...