Ikalimang Kabanata
PagkahalinaEstrella
Kalilipat lang namin ni Mama ng bagong bahay, sanay na ako dahil mula pa ng bata ako ay di na stable ang trabaho ni Mama sa iisang lugar.
Pero may iba sa Villa Estrella Gomez.
Natawa nga kami ni Mama ng nalaman namin na kapangalan ko pa ang bayan. Kaya't gumaan agad ang loob ko rito.
Ang mga tao rito ay may busilak na puso, katulad nalang ni Aling Hermosa na nakilala ko kahapon. Nabanggit niya rin si Joaquin kahapon, at parang binubugaw na nga niya sa akin ang dating.
Kaya't ang buo kong akala ay wala siyang nobya kahit pa tinanong ko siya kanina.
Ngunit may lungkot sa kaniyang mga mata.
Baka ay nangungulila siya sa dati niyang nobya. Maging iyon ay nakwento na rin kasi ni Aling Hermosa.
"Mabait na bata si Joaquin, masipag at madiskarte sa buhay pero ng iniwan siya ni Isabel ay naglaho ang kaniyang ngiti at nagkukulong na ng ilang linggo sa kaniyang bahay. Unang pag-ibig niya kasi ito, kaya't hindi nalang niya ganoon kabilis na makalimutan. Pero alam kong matutulungan mo siya." sabi niya na ikinagulat ko.
"Pero lola, di ko pa nga siya kilala, pano mo naman nasabing matutulungan ko siya." sagot ko
"Alam ko lang, at hindi naman mahirap mahalin si Joaquin, kaya't bukas sana ay magkapalagayan na kayo ng loob." ngumiti siya kaya't napaisip naman ako sa kaniyang mga nasabi.
Tama nga siya, hindi mahirap mahalin si Joaquin, kaya nang inalok niya ako kanina na makipagkita bukas ay pinaunlakan ko na siya. Ang gaan lang ng loob ko, at gusto ko pa siyang makasama ng madalas.
Masaya kong inalala ang halik na iginawad ko kaya't napabaliktad ako sa kama.
Nakakahiya Estrella!
Ano nalang kayang iisipin ni Joaquin. Agad ko kasi siyang tinalikuran kaya't di ko nakita ang kaniyang reaksiyon.
Dinalaw na ako ng antok habang iniisip iyon kaya't naalimpungatan nalang ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa aking bintana.
Agad nakong naligo at nagluto ng almusal para kay Mama. Hindi ko kasi nabanggit sa kaniyang pupunta si Joaquin dito mamaya. Sabado ngayon at madadatnan talaga niya si Joaquin mamaya.
Kinabahan akong bigla, si Joaquin lang kasi ang tanging manliligaw na pinaunlakan ko. Maraming nagtangkang manligaw pero lagi kong sinasagot na hindi pa ako handa sa anumang relasyon pero iba si Joaquin. Kaya kong ibigay ang puso ko ng walang pakundangan para sa kaniya.
Nagluto ako ng simpleng pinakbet at menudo. Buti nalang ay nakabili na ako ng rekados kahapon kaya malaya na akong makapagluluto ngayon.
"Anak, andami mo namang niluto, may bisita ka ba mamaya? Aba't kalilipat palang natin ha." natawa naman ako sa sinabi ni Mama para itago ang aking kaba.
BINABASA MO ANG
Estrella
RomanceIikot ang kwento sa tatlong tao na tumira sa lugar kung saan nila napiling magmahalan, masaktan at magpaalam, ito ang Villa Estrella Gomez. Bawat taong daraan sa ating buhay ay mayroong aral na ibibigay. Hinagpis at lungkot ang dulot ng mga taong um...