06

59 27 1
                                    

Ikaanim na Kabanata
Simula

Joaquin


Isang buwan na rin ang nakakaraan matapos kong makilala si Estrella, puno ng saya ang bawat araw na inilalaan namin sa isa't isa.

Binalaan ko noong una ang aking sarili sapagkat dapat na hintayin ko lang si Isabel ngunit tuluyan ko nang pinapasok si Estrella sa aking puso.

Kapag mayroon akong trabaho sa palengke ay sumasama siya at kilala na nga siya ng aking mga kasamang trabahador. Kailanma'y hindi ko na naalala pa si Isabel sapagkat ngayo'y may isang babae nang tatanggap ng buo kong pagkatao.

Masaya kami sa isa't isa at minsa'y sa bahay rin siya naglalagi. Inalagaan niya ako ng buong tapang at walang hininging kapalit. Doon ko napagtantong, maaari ko na ngang mahalin si Estrella at tuluyan ng palyain si Isabel.


Pero bakit ganto na ang sitwasyon ngayon?


Bakit bumalik ka pa Isabel?


Bakit kung kailan ay buo na ulit ang sarili kong magmahal ng isang taong walang ginawa kundi ang mahalin lang ako.


Pumasok na si Estrella sa aking bahay.


"Joaquin, naihatid ko na si Isabel, gusto mo na bang maghanda ako ng hapag kainan?"


Nakita kong may mumunti pang luha na namuo na sa kaniyang pisngi. Ayokong umiiyak si Estrella dahil hindi 'yun nababagay sa isang katulad niyang may busilak na puso.


Nilapitan ko siya at hinagkan.


"Estrella, mahal kita."


Pagkasabi ko no'n ay nagmistulang gripo ang kaniyang mata dahil sa agarang pagtulo ng sunod sunod niyang luha.


Humihikbi na rin siya dahil sa lubos na emosyon.


"Joaquin, mahal na mahal kita. Lagi mo iyang tatandaan. Kahit wala na ako dito, hindi matatapos ang pagmamahal na sa'yo ko lang naramdaman."


Bakit tila nagpapaalam na siya.


"Ha? Hindi ka naman aalis di'ba? Atsaka marami pang gagawin sa palengke bukas, sasamahan mo pa ako. Mamimili pa tayo na tela para siyang matahi mo sa mga oras na wala kang ginagawa. At ililibre kita sa paborito mong kainan, dahil espesyal ang araw ng bukas."


Niyakap ko siyang muli at pinatahan. Ayoko nang isipin kung anuman ang kaniyang nasabi kanina.


Ayokong mawalan ulit ng minamahal. Ayokong mawala si Estrella.


Nang siya'y kumalma ay napagdesisyunan naming kumain na. Pinag-usapan naming muli ang tungkol sa plano niyang magtayo ng patahian sa tabi ng kanilang bahay.


Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng mga plato at pinaupo muna siya sa sala.


Habang naghuhugas ng mga plato ay naramdaman kong may yumapos sa akin mula sa likuran, mukhang kulang lang pala sa lambing ang aking minamahal.

"Hon, sa tingin mo, nasaan ka na pagkatapos ng sampung taon?"


Natawa naman ako sa kaniyang tanong dahil ngayon niya lang ito natanong sa akin. Nahampas naman niya ako sa pag-aakalang hindi ko sineseryoso ang nasabi niya.


"Siguro, papunta sa eskwelahan para sunduin ang anak natin, tapos ay dadaan muna kami sa bakery na malapit para bumili ng paborito mong ensaimada at paplanuhin naming sopresahin ka mula sa iyong likuran habang ikaw ay nagtatahi. Magkukulitan hanggang mapagod tapos ay ako na ang maghahanda ng hapag habang pinapaliguan mo ang anak natin. Marami pa akong naiiisip, unti-unti kong sasabihin sa'yo para 'di ka mabigla." Tumawa rin ako para gumaan ang atmospera.


Nakita ko nanaman ang nagbabadyang mga luha ni Estrella kaya ipinahid ko saglit ang aking basang kamay sa akong damit at pinangpunas ang likod ng aking kamay sa ilang luhang nakatakas na mula sa mga mata niya.


"Joaquin, ba't ganyan ka?"


"Wala naman akong sinabing masama, o gusto mo sabihin ko na agad na gusto ko ng maraming anak?"


Napuno kami ng tawanan.


"Dahil sa sinabi mo, nangarap na tuloy akong magkaroon ng masaya at malaking pamilya kasama ka."


"Mangarap ka na ngayon dahil tutuparin na natin 'yan kapag nakapag-ipon ipon na'ko."


Nginitian ko siya at siya rin ay ngumiti pabalik.


"Mahal na mahal talaga kita, Estrella."


"Mas mahal kita, Joaquin."


Niyakap ko siya at napatingin sa wall clock.


"Gabing-gabi na, tara, ihahatid na kita sa inyo. Kunin mo na ang gamit mo at pupunasan ko lang itong lababo."


Mabilis akong natapos at hinagkan uli siya at sabay kaming lumabas sa pintuan.


Naglalakad kami sa gitna ng kalsada dahil wala naman ng nadaang sasakyan ng ganitong oras.


"Sobrang saya ko ngayong araw, Hon."


Ganoon rin sana sa akin kung hindi lang dumating si Isabel. Masaya akong 'di na namin siya pinag-usapan ni Estrella, at sinamantala nalang pagpaplano para bukas, alam kong 'di kami mahilig magkaroon ng selebrasyon, ngunit gusto naming kinikilala lagi ang araw sa isang buwan kung kailan kami nagkakilala.


"Mas masaya pa ang mga gagawin natin bukas kaya maaga kang matulog ngayon para maaga nating masimulan ang araw bukas ha."


Malapit na kami sa bahay nila. Hinalikan ko siya sa kaniyang noo bilang tanda ng pagpapaalam.


"Sige na, Joaquin. Paalam."


"Magkikita pa tayo bukas pero parang sa paalam mo ay hindi na." Itinawa ko iyon kahit mukhang seryoso siya.


Ba't parang nag-iba nanaman ang ihip ng hangin.


"Joaquin, mahal na mahal na mahal kita," nakangiti pa siya ng sabihin iyan, "Pero hihingi ako ng patawad ngayon, at magpapaalam na rin." Hinalikan niya pa ako at tuluyan na niya akong tinalikuran at pumasok na sa kanilang bahay.


Ano bang meron sa mga makahulugan niya pananalita? Meron ba siya ngayon? Hayy.. Siguro'y bukas ay babalik na siya sa normal, 'yung Estrella na masiyahin at walang ibang ginawa kundi ang pasiyahin ako.












an: loving is overwhelming and hurting at the same time

EstrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon