Ikalawang Kabanata
PagmamahalanJoaquin
Malakas ang ulan ng araw na iyon. Wala akong payong na dala at ang tanging hawak ko lang ay ang makakapal na telang idedeliver ko bukas sa palengke...
Mabuti nalang at may waiting shed akong nakita. Doon muna ako maghihintay hanggang sa tumila ang ulan na ito.
May babae na nasa parehong shed. Napatingin ito sa akin. Nahiya ako sa aking suot dahil nakasandong puti at itim na pantalon lamang ako, kumpara sa kaniya na nakasuot ng dilaw na bistidang sumisigaw ng karangyaan.
Hindi ko nalang siya pinansin kahit kapuri-puri ang bawat depinisyon ng kaniyang maamong mukha. Hindi siya nababagay sa isang tulad ko kung nagkataon man. Natawa ako sa naisip.
"Sir, tinawanan mo ba ako?" Maging ang boses niya ay mala-anghel at parang musika kapag napakinggan.
"Hindi ah, parang ngayon lang kita nakita rito, naligaw ka ba, o bagong lipat?" Pagbabalewala ko sa sinabi niya.
"I guess, I'm lost. Kainis kasing mga bodyguards 'yon, haynako tapos umulan pa ng napakalakas kaya stranded ako rito," Sagot niya at nalungkot.. "Tiyak na hinahanap na ako sa bahay." Tuloy niya, nagulat ako sa banyagang pananalita niya. Anak nga talaga ito ng mayamang pamilya.
"Nako! Saan ka ba nakatira, baka may maitulong ako." Sabi ko.
"Sa subdivision na malapit pero hindi na sakop ng bayang ito, hindi ako makapagpasundo dahil hindi ko naman alam kung anong bayan na 'to." Sagot niya.
"Nasa Villa Estrella Gomez ka, iyon ang pangalan ng bayan namin." Pahayag ko at inikapag muna an aking mga dala.
"Kailangan ko pala ng mapapagcharge-an, low-batt na ung phone ko, may alam ka bang malapit na store?" Tanong niya.
"Samahan nalang kita kina Aling Hermosa, malapit na iyon pero napakalakas pa kasi ng ulan at wala akong payong na dala." Sagot ko at napahawak sa batok.
"Okay, I'll wait." Sagot niya at biglang tumahimik ang aming panig at tanging ragasa ng ulan nalang ang maririnig. Nakatingin lamang siya sa ulan na patuloy na lumalakas, parang ang hirap palang pintasan ng isang dalagang napadpad dito dahil sa hagupit ng ulan, magpapasalamat pa akong nandirito siya.
"Alam mo ba..." Nagulat ata siya sa pagsasalita ko.
"Are you talking to me?" Pagtatanong niya.
"Gusto ko lang magkwento, pakinggan mo nalang habang naghihintay tayo." Sagot ko, medyo masungit rin pala ito, pero hindi na ako magugulat, mayaman siya at normal lang sa kanilang maging masungit sa kapwa. Natahimik siya kaya't nagtuloy ako.
"Kaya Villa Estrella Gomez ang pangalan nito ay dati, mga ilang taon na ang nakalipas ay may bagong lipat na mag-asawa sa bayan na ito, na siyang naglunsad ng iba't ibang programa para sa mga bahay-bahay,"
Tinignan ko siya pero tahimik lang siya at mukhang nakikinig rin.
"Bagong kasal lang sila pero parehong may busilak na puso sa pagbibigay ng kanilang serbisyo sa tao na walang hinihiling na kapalit, tumutulong sila sa bawat pamilya kaya't mabilis silang nagustuhan ng bawat tao rito at hinayaan silang pangalanan ang bayan na ito. Sakto rin kasing wala pang nakarehistrong pangalan ang bayan na ito,"

BINABASA MO ANG
Estrella
RomanceIikot ang kwento sa tatlong tao na tumira sa lugar kung saan nila napiling magmahalan, masaktan at magpaalam, ito ang Villa Estrella Gomez. Bawat taong daraan sa ating buhay ay mayroong aral na ibibigay. Hinagpis at lungkot ang dulot ng mga taong um...