Prologo
May dalawang taong sinubukang sumugal sa isang pinagbabawal na relasyon na sa lubos nilang pagmamahalan ay nagawa na nilang mangarap at kalimutan ang nakaraan maging ang rango nila sa mata ng mga mamamayan at sa mata ng mga nakatataas sa kanila, at ang isa sa mga pangunahing humahadlang rito at ito ang ama ng babae.
Mahirap ang lalaki, at hindi ito ikinatuwa ng Don, sapagkat marangya ang pamumuhay ng babae at baka yaman lang ang gusto ng lalaki. Matagal na ring iniisip ng Don ang gusto niyang kapalaran para sa kaniyang anak at hindi niya gustong dahil sa isang lalaki ay mabalewala ang lahat ng iyon.
Hindi ginusto ng babae na ilayo siya sa minamahal kaya't nanatili siya sa kaniyang kasintahan sa loob ng ilang buwan, pero ginawa ng Don ang lahat para umalis ang babae hanggang sa umabot na sa puntong sumuko na siya at iniwang tuluyan ang lalaki ngunit alam niya sa sariling darating ang panahon na babalik siya.
Hindi masaya ang bawat katapusan ng mga relasyon kaya't ng biglang nagpaubaya ang babae sa kaniyang ama ay nadurog siya ng araw na iyon pero naisip rin niya na kung hindi niya susundin ang sariling ama ay mapapahamak ang kaniyang kasintahan.
Lahat ng plinano nilang mga lakad, at mga biglaang pangarap ay napalitan ng hinagpis at kawalan ng pag-asa. Walang araw na hindi inisip ng babae ang lalaki, dahil sa buong buhay ng babae, ay siya lang ang kaniyang minahal, si Joaquin lamang.
"I'll come back for you, Mahal." Sabi niya sa sarili habang nakakulong sa bulwagang nakalaan sa kaniya sa kanilang mansyon.
Nawalan na siya ng gana ng tuluyang lumipas ang araw at wala pa rin siyang magawa para makita ang kaniyang tanging minamahal.
May pag-asa pa bang maituloy ang istorya nilang hindi nagkaroon ng magandang wakas?
✨
an: im just an amateur writer, bear with me plith
BINABASA MO ANG
Estrella
RomanceIikot ang kwento sa tatlong tao na tumira sa lugar kung saan nila napiling magmahalan, masaktan at magpaalam, ito ang Villa Estrella Gomez. Bawat taong daraan sa ating buhay ay mayroong aral na ibibigay. Hinagpis at lungkot ang dulot ng mga taong um...