Epilogo
Isabel
Tuluyan ng natulog ang buwan at sumapit na ang kinabukasan. Mabilis akong naghanda para sa pagpunta kay Joaquin.
Dala ko ang sulat na ibinigay ni Estrella kagabi.
Will I really give it to him now, pwede bang sa susunod na linggo nalang? But I still bring it with me.
Kasalukuyan kong tinutungo ang bahay ni Joaquin lulan ng aming sasakyan. Narealize ni Papa na ang pagkulong niya sa akin sa aking silid ay ang maglalayo ng loob ko sa kaniya, kaya't lumuluwag na siya sa akin whenever I told him that I'll be going out.
Nakarating na ako sa bahay niya, pero tahimik ata ang kapaligiran.
Sinubukan ko ng buksan ang kaniyang gate, 'di naman un nilolock kaya madali ko ring nabuksan.
Nakasuot ako ng dilaw na bistida para naman mabalik ang araw ng aming pagkakilala.
Sana sa simpleng paghahanda ko ay maibalik ang dati naming saya at sabik sa isa't isa dahil alam kong ako nalang ang natitira at kumakapit sa relasyong una kong binitawan.
Nakita kong bukas rin ang door knob ng front door kaya't nabuksan ko rin iyon, siguro'y ganito nga kapanatag ang bawat tao sa Villa Estrella Gomez na walang may masamang loob na magtatangkang pumasok sa kahit anumang tahanan.
Nadatnan ko si Joaquin na natutulog ng mahimbing sa kaniyang kwarto. Pansin kong may kaunting pagbabago rin sapagkat nabawasan ng mga pigurang nakapaskil sa dingding. Ang dati'y paborito kong pagmasdan sa tuwing ako'y gigising. Tila nawala nanaman ako sa realidad at natangay ng kahapon.
"Isabel, ba't nandito ka na naman?" tanong ni Joaquin na nakatayo na pala at palabas na ng kwarto. Makikita mo sa kaniyang mga mata ang iritasyon.
"Gusto na kitang bisitahin na ulit. Joaquin, nagbalik na ako oh, akala ko ba hihintayin mo ako, Mahal."
"Alam mo naman na sigurong masaya na ako kay Estrella, ba't ba nanggugulo ka? Umalis ka rito, hindi ka nababagay rito." Pabulyaw niyang sinabi palampas sa akin ngunit hindi ako nagpatinag.
"Alam kong mahal mo pa rin ako, alam kong may kaunti pa rin akong puwang sa puso mo. Hindi ako susuko na pabalikin ka sa mga kamay ko." Sinabi ko ng nakatalikod na sa kaniya at hindi sigurado kung narinig ba niya iyon.
"Sinasayang mo lang ang oras mo, umalis ka na at may pupuntahan kami ni Estrella ngayon." Pahuli niyang sinabi at tinahak ang banyo para na rin siguro maligo at maghanda sa kaniyang pupuntahan.
Naisip kong muli ang mga sinabi ni Estrella kagabi.
Alam kong totoo ang kaniyang mga sinabi, pero kakayanin kaya ni Joaquin na mawalan ng minamahal sa pangalawang pagkakataon? Ako ang narito, kailangan kong tatagan, kailangan kong manatili para sa kaniya, para sa amin.
Naupo muna ako sa upuan sa kaniyang sala, habang siya'y hinihintay at nakatulala sa kawalan.
Mabilis lumipas ang minuto at nadatnan ko siyang paalis na.
BINABASA MO ANG
Estrella
RomansaIikot ang kwento sa tatlong tao na tumira sa lugar kung saan nila napiling magmahalan, masaktan at magpaalam, ito ang Villa Estrella Gomez. Bawat taong daraan sa ating buhay ay mayroong aral na ibibigay. Hinagpis at lungkot ang dulot ng mga taong um...