Chapter 02

10.1K 214 20
                                    

*Karie pov*

---after 5 long years


Mula sa pagkakatulog ay iminulat ko ang mga mata ko lalo pa't may nararamdaman ko ang mainit na bagay na tumatama sa mukha ko.


Napapakamot na bumangon na ako ng tuluyan dahil nga mainit na sa mukha ang sinag ng araw lalo pa't hindi nakatakip ang kurtina sa bintana ko.



Tumayo na ako at pumunta sa banyo para maligo. Wala sa sariling napatingin ako sa malaking salamin na nasa harap ko dahilan para makita ko ng buo ang sarili ko.



Dati ay manika pa lang ang hawak ko pero ngayon ay tila napakabilis ng panahon at iba na.Maraming nangyari sa mga nakalipas na taon at hindi ko alam kong mabuti ba iyon o masama. Umalis si kuya dito saamin at tila pinadala sya ni dad sa ibang bansa. Limang taon ko na syang hindi nakikita at wala din naman kaming komunikasyon.Ngayon ay 17 yrs old na ako at kasalukuyang nag-aaral.


Nang matapos akong maligo ay pinulupot ko nalang ang tuwalya sa katawan ko tyaka lumabas ng banyo.Tinungo ko rin ang dressing room ko bago nag suot ng puting off-shoulder longsleeves at tinuck-in iyon iyon sa isang maong na palda.Nagsuot rin ako ng bracelet sa kanan kong kamay tyaka puting rubber shoes naman sa paa. Sinuklay ko lang din ang abo kong buhok na medyo kulot tyaka lumabas ng kwarto.


Pupunta daw kasi kami ngayon sa airport at may susunduin sabi ni mom. Sinabi nya na iyon saaken bago ako matulog kagabi pero hindi ko naman alam kung sino nga ba ang susunduin namin.



Hanggang sa makababa n ako ng hagdanan ay nakita ko kaagad sina mom na nasa sala habang nakaupo sa couch namin.


"Oh,my princess is already awake" sabi ni dad at hinalikan ako sa noo ng makalapit ako sa kanila.



"Kain kana honey" sabi ni mom pero umiling lang ako,hindi pa naman ako masyadong nagugutom. Marami kase yung nakain ko kagabi.


"Are you sure?Baka matagalan tayo sa airport at hindi kaagad dumating yung susunduin natin" sabi ni dad.


"It's okay dad,kaya ko po tyaka sino po ba yung susunduin natin?" Tanong ko pero hindi sila sumagot at ngumiti lamang. Talaga naman. Ba't ba kase ayaw sabihin?



Makalipas pa ang ilang oras ay sumakay na nga kami sa kotse namin habang si dad ang nagda-drive.Si mom ang nasa passenger seat at ako naman ang nasa backseat.


Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tumitingin tingin sa labas


Makalipas pa siguro ang halos sampung minuto ay huminto na rin sa wakas ang sasakyan namin kaya napatingin muna ako kina mom bago sa labas.



Nang maiparada na ang sasakyan ay sabay sabay kaming lumabas mula sa kotse.Sabay sabay din kaming naglakad bago huminto at naghintay sa waiting area. Umupo kami sa mga upuan na walang umuukupa hanggang sa maya maya ay tumayo si dad at nakatingin sa malayo.


"There he is." Sabi nito kaya nalito ako.

"Sino po?" Tanong ko at nililibot na ang tingin.


Lumingon naman ito saaken tyaka ngumiti bago muling lumingon sa tinitignan nito kanina kanina lamang dahilan para sundan ko ito ng tingin.


"Ang kuya mo" sabi nito bago naglakad kasama si mom patungo sa direksyon nito.



Bigla ay tila ako natuod sa nakikita ko.S-Si kuya nga. Pakiramdam ko ay nanlalamig ang mga kamay at paa ko sa buong katawan ko.



Walang emosyong nakatingin lang ito kina dad habang hawak hawak ang maleta nito. Para syang hari kung makatayo kung kaya't lahat ng mga tao sa airport, lalo na ang mga babae ay napapalingon sa kinaroroonan nya.



My Possessive Stepbrother[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon