*Karie pov*
Matapos kong kumain ay napag pasyahan kong maligo dahil ramdam ko na ang paglalagkit ko
Si top? Ewan,iniwan nya ako matapos dalahan ng pagkain kaya hindi ko alam kung asan sya.Inalis nya din ang kadena sa paa ko kaya nakapagligo ako
Matapos ngang maligo ay suot ko lang ang white longsleeve nya na medyo maluwang.Mahaba din ito kung kaya't para na syang dress saaken.Umabot ito hanggang sa kalahati ng hita ko kaya hindi kita ang maong short ko
May nakita din akong suklay kaya kinuha ko iyon at isinuklay sa buhok ko.Bigla ay napahinto ako bigla ng makita ko ang tattoo sa pulsuhan ko
'Mí Hub'
Bigla ay nanggilid ulit ang mga luha sa mga mata ko pero pinigilan ko ito.There's no way that he love you karie.Kung mahal ka nya, dapat sinabihan ka nya ng i love you at sana andito sya sa tabi mo.
Kaya ngayon ay isa lang ang nasa isip ko.Tumakas .Mahal ko sya? Oo mahal ko sya,ang kaso paano naman ako? Hindi nya naman ako magawang mahalin pabalik kase may mahal na syang iba.Hindi porket nararamdaman ko ang bagay na iyon ay hahayaan ko nalang ang sarili kong makulong at masaktan ng dahil lamang sakanya
Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at naghanap ng pwedeng pambukas sa pinto.Alam kong nakakandado iyon dahil rinig ko mismo ang paglock nya kanina sa labas
Binuksan ko ang mga drawer pero lahat lang iyon ay mga damit at wala ng iba.Pumasok din ako sa banyo at naghanap pero wala pa din
Napasabunot ako bigla sa buhok bago napatingin sa bintana.Bigla ay parang lumiwanag ang mga mata ko ng maalalang sliding window nga pala iyon
Lumapit ako doon bago ipinalangin na sana ay hindi nya ito inilock.Unti unti ay hinawi ko iyon pagilid at halos mapatalon ako sa sobrang saya ng mabuksan ko nga
Tumingin ako muli sa pinto dahil baka mamaya ay muli syang pumasok at mahirapan ako lalong makatakas
Nang siguradong hindi ay maingat akong sumilip sa bintana at tumingin sa ibaba.Napalunok ako dahil mataas ang paghuhulugan na buhangin at tila mapipilayan ako kapag tinalon ko iyon.Nasa second floor kase itong kwarto kaya mataas talaga
Bigla ay napangiti ako ng makita ko ang mga kumot na nasa kama.Yes!Mabuti at gumagana ng maayos ang isip ko ngayon
Gaya nga ng naiiip ko, pinagdugtong dugtong ko ang mga kumot na nakita ko gamit ang pagbubuhol sakanila.Nang matapos ay iginapos ko ang pinakadulo sa doorknob para kung sakaling bubuksan nya habang bumababa na ako ay mahihirapan syang mabuksan dahil sa bigat ko
Maingat na ihinulog ko ang kumot na
pinagdugtong dugtong ko bago ako nagsign of the cross.Nataranta ako ng bigla ay may narinig akong mga yapak kaya dali dali ay mabilis akong humawak sa kumot at dahan dahang bumababa.Masakit sa kamay pero kung para sa kalayaan ko ay kaya kong gawin
Ng maubos na ang kumot ay tumingin ako sa paghuhulugan ko at makitang mababa nalng iyon ay dali dali na tumalon kaagad ako at mabilis na tumakbo
"Karie!"
Bigla ay kumalabog ng sobrang lakas ang puso ko ng marinig ko ang galit na galit nyang boses
Napaiyak ako at hindi alam kung saan pupunta.Takbo lang ako ng takbo at hindi sinusubukang lumingon
Bigla ay napatigil ako sa pagtakbo ng may humila saaken at tinakpan ang bibig ko.Pilit akong nagpupumiglas dito pero hindi ko magawa
"Shh,ako to doll"
Bigla ay napatigil ako at napaharap kay kyle.Yinakap ako nito ng mahigpit bago ako iginaya at nagtago kami sa nagtataasang mga mini coconut trees na talagang napakarami
"Shh,quiet"alo nito saaken at tumingin sa tinatakbuhan ko kanina kaya napatingin din ako doon at biglang kinabahan ng makitang napakadaming men in black ang nagtatakbuhan
Lahat sila ay may dalang mga baril kaya mas natakot ako para saamin ni kyle.Bigla ay may tumingin sa direksyon namin kaya natakot kaagad ako.Paano kung mahuli kami? Napakadaming what if's sa utak ko pero nawala iyon ng hinawakan ni kyle ang likod ng ulo ko bago isiniksik sa dibdib nya
"Pre may gumagalaw dito"
"Tang-na wala jan.May tumatakbo daw na babae doon malapit sa daungan!Bilisan natin at baka patayin tayo ni boss!"
Rinig kong usapan ng dalawang tao bago ko marinig ang mga yabag na tila papalayo
"Wala na sila.Are you okay?Bakit ka nila hinahabol?"tanong ni kyle kaya napatunghay ako habang umiiyak
"He is chasing me kyle.Please tulungan mo ako,ilayo mo ako sa islang ito"iyak ko na syang kinangiti nya naman bago pinunasan ang mga luha sa mata ko
"Don't worry , I am here.I'll keep you safe as long as im alive.And yes,ilalayo kita sakanya.Ilalayo kita at dadalhin sa lugar na kung saan ay protektado at hindi ka nya mahahanap. Kahit sino pa sya"sabi nito kaya napatango ako bago napahawak sa may bandang dibdib ko
Mariing ipinikit ko ang mga mata ko bago nilukumos ang damit kung saan ay sumasakit
"Hey,doll! Sh-t are you okay?F-ck you look pale!"natatarantang sabi ni kyle at pinangko ako
Dahan dahan ay pumasok kami sa loob ng tinutuluyan nya at dinala ako sa kwarto nya
Marahang ihiniga nya ako doon bago may kinuha sa drawer.Bigla ay nilagay nya ang inhaler sa may bibig ko bago marahang pinu pump dahilan para mabigyan ako ng hangin na syang nakakatulong sa paghinga ko
Nang medyo maayos na ako ay bigla may linabas syang stethoscope bago pinakinggan ang heartbeat ko
"D-doctor ka?"tanong ko na kinatango nya bago ngumiti
"Yes,hindi ba halata? I mean---hindi ba kapani paniwala na doctor ako?But how about now? Do you feel better?"tanong nito kaya tumango ako
"Oo,s-salamat.Pero kyle? Tutuparin mo ba yung pangako mo? Na tutulungan mo ako ditong makaalis? Pakiusap tulungan mo ako"pagmamakaawa ko na kinangiti nya
"No need for you to beg doll,lahat ay gagawin ko para sayo.Ganun ka kaimportante.Magpahinga ka muna dito at tatawagan ko lang ang kaibigan ko para ipadala na dito sa isla ang chopper para makaalis na tayo ngayong gabi"sabi nito kaya napaiyak ako na tumango
"S-salamat kyle.Utang ko sayo ang buhay ko"sabi ko pero ngumiti lang sya at ginulo ang buhok ko bago ako iniwan para makapagpahinga daw at para tawagan na din ang kaibigan na sinasabi nya
-------------▪▪▪
your_Senyorita💕💕Chapter 24 is done everyone. I hope that you like it royalties. Don't forget to vomment(vote&comment).Labyahhh💋💋
-
⊂(◉‿◉)つ
BINABASA MO ANG
My Possessive Stepbrother[COMPLETED]
RomanceSIN,FORBIDEN AND INCEST,that's how i describe our story.. He's my stepbrother While I'm his little stepsister He's always saying that he own me,crazy right? Claiming your stepsister like your girlfriend.That's insane Yung tinatakot nya LAHAT ng mga...