*Karie pov*"Dali na kasi top please.Isa lang" ungot ni thea kay top na kanina nya pa kinukulit
Mula kasi ng umalis kami doon sa may kusina ay dinala ako dito ni top sa may dalampasigan para daw magswimming sana pero hindi naman namin alam na sumunod pala itong si thea
"Tsk, It's so childish" sabi ni top kaya tila naman nalungkot si thea kaya tumalikod sya na tila nagtatampo
Tumingin saaken si top pero nag iwas lang ako ng tingin.Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit ni top kay thea na tila makikipag ayos kaya may kung anong sumakit sa loob ko.Sa iba ay nakukuha nyang magsorry pero hindi saaken.
"Talaga hahayaan mo na akong magjoke?" Tanong nito na tila bata kaya muntik na akong mapairap sa isip ko
Kanina nya pa kasi kinukulit si top na magjo-joke daw sya pero ayaw naman ni top dahil ang corny daw at hindi naman nakakatawa
"Make it fast" sabi nito bago tumingin saaken pero hindi ko pinansin iyon
"Okay so, San mahilig maligo ang mga paniki?" Tanong nito na tila excited pa habang ako ay napa facepalm nalang
'Gosh,Ayos ka lng te?2020 na ngayon no.Kahit ata 1 yr old na bata ay kaya yang sagutin'
Yan sana ang gusto kong sabihin sakanya pero baka sabihan nya akong pakialamera
"Tsk,bathtub" tila walang kabuhay buhay na sagot ni top kaya nanlaki ang mga mata ni thea
"Pano mo nalaman?Matagal kong pinag isipan yun eh" sabi nito kaya mas nainis ako
Ewan,basta naiinis ako sakanya.Mula ng dumating sya ay hindi na ako napapansin ni top---
Huh?
Anong sabi ko?Hindi hindi.Mas mabuti na ito para sa iba mabaling ang atensyon nya at para makaalis na ako dito
Habang nagsasagutan sila ay dahan dahan akong tumayo mula sa pagkaka upo ko sa buhangin tyaka nagsimulang maglakad.Mabuti nga at hindi nila ako napansin kasi medyo nakatagilid sila kaya nakaalis ako.Wala sa sariling napatingin ako sa damit na suot ko.Kay top ito dahil madumi na ang damit na suot suot ko kanina at wala pa akong alam na pwedeng mapagbilhan ng mga damit.Nakasuot lang ako ngayon ng puting long sleeve nya na medyo maluwang pa nga at sa pambaba naman ay boxer.Wala naman iyong kaso dahil halos wala naman na tao dito
Patuloy lang ako sa paglalakad sa buhangin habang dinadama ang sikat ng araw na tumatama sa balat ko.Hindi iyon masakit sa balat dhil masyado pang maaga.Siguro ay 5:30 am palang ngayon at napakaganda ng tanawin.Sumisikat palang ang araw
Sa paglalakad lakad ay hindi ko napansin na napalayo na pala ako sa pwesto namin kanina.Hindi ko na sila nakikita mula dito.Tumingin ako sa unahan ko at nagulat ako ng makita kong maraming mga tao.Hindi katulad doon saamin na halos kami lang nina thea ang tao plus yung mga tauhan ni top na nasa paligid at nagbabantay
Mukhang hindi na to pagmamay-ari ni top dahil nakapublic to habang naka private naman sakanya.Basta ang ganda dito,sobraa!
Ang daming mga souvenirs shop at iba pa.Marahan akong lumapit sa isang souvenir shop tyaka tumingin tingin ng mga keychains at iba pa.May mga mini starfish,bracelets, necklaces at anklets na napakaganda.At higit sa lahat ay may mga damit na pwede kong magamit
"Ang ganda naman nito" sabi ko habang hawak hawak ang isang kulay abo na bracelet
Napakaganda non at may mga nakalaloob na mga iba't ibang bulaklak sa loob ng tila bato non.May mga iba't ibang kulay din ang iba pang bracelets .
BINABASA MO ANG
My Possessive Stepbrother[COMPLETED]
RomanceSIN,FORBIDEN AND INCEST,that's how i describe our story.. He's my stepbrother While I'm his little stepsister He's always saying that he own me,crazy right? Claiming your stepsister like your girlfriend.That's insane Yung tinatakot nya LAHAT ng mga...