Chapter 10

6.2K 129 5
                                    


*Karie pov*

Nang makarating kami sa pangpang ng dagat ay marahan nya akong ibinaba sa buhangin bago hawakan sa bewang

Iginaya nya ako sa may bench bago ipinaupo doon.May kinuha sya sa may bandang gilid nya kaya wala sa sarilinh napatingin din ako doon.Watermelon

Naka slice na iyon into cube kaya madaling tusukin ng tila toothpick. Kahit basa pa ako ay pinaupo nya pa rin ako sa may kandungan nya bago ipaharap sakanya kaya nailang ako.Kelan ba ako masasanay sa mga galaw nya?

"Ah" sabi nito bago itinapat sa bibig ko ang tinusok nyang watermelon sa maliit na bowl

Maya maya pa ay kumunot na ang noo nya kaya dali dali ko itong kinain at baka magalit nanaman sya. Mabilis uminit ang ulo nya

"Bakit ako?" Wala sa sariling tanong ko kaya napatakip ako ng bibig

"What?" Tanong nito pero umiling ako kaya sinamaan nya ako ng tingin

"Seryoso ka ba talaga saaken? Alam mo naman na magkapatid tayo. Andami dami din na mga babaeng may gusto at naghahabol sayo pero bakit ako? " Halos bulong at nauutal kong tanong kaya napatitig sya saaken bago ngumiti

"Because you're different from them.They only want my money. They are eager to have my attention while you, you don't even care about those" Sabi nito at natawa pa ng konti bago tumikhim.Tila may sasabihin pa

"But you know why I love you the most? Because of your innocence to all of things.The way you laugh,smile,act and talk.It's as if you are a real life angel and believe it or not but I fell for you the first time I saw you. It's the time when dad brought you home with your mom,saying that you'll be my sister" dugtong nito at hinawi ang ibang hibla ng buhok ko sa mukha

Dahil sa sinabi nito ay para namang may kung anong humaplos sa puso ko.Hindi ko alam kung ano pero kumakalabog ng malakas ang puso ko.

"Karie I am begging you. Can't you just treat me like a man? Not as just your brother? Make me feel love and wanted. Please be jealous if some tries to flirt with me.Own me too!" Sabi nito kaya napalunok ako.Hindi pa din makahanap ng maaaring isagot sakanya

"Pero kahit g-ganun alam mo naman na---"

"Please set aside those but's of yours" nanggigilid na ang luhang sabi nito kaya tila may mga kutsilyong tumusok ng paulit ulit sa puso ko

Seeing his tears is hell for me.Ba't ganito?Bakit iba ang nararamdaman ko kapag umiiyak sya?Naaapektuhan nya na ba ako?

D-Do I like him already?

Nang hindi ako makasagot, kita ko kaagad ang sakit sa mga mata nya bago dahan dahan akong inalis mula sa kandungan nya at tuluyan akong iniwan dito sa kinauupuan namin

Wala sa sariling napaiyak nalang ako dahil bigla akong na guilty.Selfish ba ako? Selfish bang maging tama?


"Iha ba't ka umiiyak?"


Napaangat ako bigla ng tingin ng makarinig ako ng pamilyar na boses.Nagulat pa ako ng makita ko si lola,yung binilhan ko ng bracelet at mga damit

"A-ano pong ginagawa nyo d-dito?" Tanong ko at nagpahid ng luha


Imbes na sagutin ako nito ay ngumiti lamang ito bago umupo sa tabi ko

"Bkit ka umiiyak?" Tanong nito kaya napayuko ako.Nag aalangan kung sasagot

"Kasi nagi-guilty po ako.Hindi ko po  binigyan ng pagkakataon ang isang tao na maramdaman nya yung pinaparamdam nya saaken.Makasarili po ba ako pag pinili ko ang desisyon na alam kong tama?" Tanong ko kaya napabuntong hininga ito

"Alam mo kasi iha,hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama at makakabuti sa lahat ang desisyong pinili mo na akala mo tama.Tandaan mo na sa bawat desisyon na gagawin mo ay may katapat itong resulta.Tandaan mo iha,minsan ang inaakala mong tama ay sya palang mali sa huli kung kaya't mag isip muna ng mabuti bago gumawa ng desisyon" sabi nito bago umalis kaya napatulala ako sandali

Siguro nga.Dapat piliin ko ang makakapagpasaya saaken at hindi ang sa tingin kong tama.At ngayon,isa lang ang iniisip ko.Si top

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo tyaka mabilis na tinungo ang kwarto namin.Hinanap ko sya  doon pero wala sya kaya napaisip ako.Saan sya nagpunta?

Kaya bago ko sya hanapin ay nagpalit muna ako ulit ng isang blue long sleeve nya tyaka ito tiniklop hanggang sa may siko habang ang pambaba ko naman ay yung short ko na binili ko pa

Hinanap ko sya kung saan saan pero hindi ko talaga sya makita hanggang sa mapagod ako. Medyo mainit na,asan kana ba? Kung kelan may sasabihin pa ako, tyaka naman sya nawala. Habang malakas pa ang loob ko

"Ma'am papasok po kayo?" Napatingin ako bigla sa guard ng bigla ako nitong tinanong

Tinuro nito ang isang mini bar dito sa isla kay nagka idea ako na baka nga nasa loob sya.Walang paligoy ligoy ay pinasok ko iyon bago sya hinanap.Usok at makulay agad na ilaw ang bumungad saaken sa loob.Sobrang dilim na kung saan ay ibang iba sa labas na umagang umaga at maliwanag

"Everybody scream!" Sigaw ng dj kaya nakakabinging  mga sigawan ang narinig ko.Bahagya pa akong napatakip ng tenga

Sa hindi kalayuan ay may naaaninag akong isang pamilyar na bulto kaya mabilis akong lumapit doon pero mabilis din akong napahinto at tila nanigas sa nakikita ko dahil hindi sya nag iisa.May  babae syang kasama at naghahalikan sila.Nakaupo iyon sa may kandungan nya at nakahawak sa balikat nya


Tila may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan ko kaya napalunok ako bigla bago napaatras.Sumunod noon ay may narinig akong mga nabasag na tila baso kaya napatingin ako sa likod ko.Nakabangga ko lang naman ang isang waiter

"Sorry po" sabi ko at ambang tulungan pero pinigilan ako nito

"A-ayos lang ma'am" sabi nito kaya nahihiyang ngumiti ako bago umalis doon ng walang lingon lingon

Pero hindi pa man din ako tuluyang nakakalabas ng bar na iyon ng biglang may humila ng bewang ko tyaka ako  mariing isinandal sa pader.Sumalubong agad saaken ang seryoso at lasing nitong tingin

"What are doing here?" Nakakatakot nitong tanong pero umiwas lang ako ng tingin

"W-wala,aalis na din kasi ako" nauutal kong sabi bago sya pilit na itinutulak

"Nakita mo?" Tanong nito kaya kahit hindi nya kinumpleto ang sinabi nya ay alam ko kung ano ang tinatanong nya

"H-hindi" sabi ko at pilit na umiiwas sa pag amoy nya sa leeg ko.Naamoy ko kasi ang alak sa bibig nya na kahit ganon ay amoy ko pa din ang mint flavor toothpaste nya

" I hate liars" Sabi nito

"Hindi naman ako nagsisinungaling" sabi ko at pilit wag na mautal kaya natawa sya na tila may nakakatawa

"I guess you need a punishment from me" sabi nito bago ngumisi

-----------▪▪▪
your_Senyorita💕💕

Chapter 10 is done everyone. I hope that you like it royalties. Don't forget to vomment(vote&comment).Labyahhh💋💋
-
♡(> ਊ <)♡

My Possessive Stepbrother[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon