*Karie pov*
Muli ay nagising ako sa isang umagang walang katabi at kayakap.Mag isa akong natulog dito sa dati naming kwarto at hindi ko alam kung saan sya natulog
Sa pag iisip ko ay biglang sumagi sa isipan ko sina mom at dad.Kumusta na kaya sila? Hinahanap parin ba nila ako?
Napatingin ako bigla sa teleponong nakalapag sa lamesa.Pabalik balik ang tingin ko sa pinto at sa telepono hanggang sa tumayo ako at lumapit dito
Hinawakan ko ang telepono tyaka iyon tinitigan.Matagal na,matagal na dapat kitang nagamit kaso nahaharangan ako ng nararamdaman ko kay top.Maraming pagkakataon ang sinayang ko para sana makauwi.Kung sana ay nung una ay ginawa ko na agad ito ay baka wala ako sa posisyong ito
Pinindot ko ang mga numerong nasa cellphone ni mom tyaka ito hinintay na mag ring.Halos napangiti ako ng mag ring ito,ibig sabihin ay tama Ang natipa yung Numero
(Hello? Who's this?)rinig kong sabi ni mom kaya napaiyak ako bago sumagot
"M-mom!" Sabi ko kaya rinig ko ang ilang pagkahulog ng kung ano man
(Karie darling? Ikaw ba yan?)tanong ni mom
"Mom ako to!" Sabi ko
(Jusko,albert halika dito.Nasa telepono si karie)rinig kong tawag ni mom kay dad
"Mom" tawag ko kay mom
(Darling ayos ka lang ba jan? Sinasaktan ka ba ni top? Asan ka? Asan kayo?) Sunod sunod na tanong ni mom at ambang sasagot na ako ng may umagaw sa teleponong hawak ko at binalibag ito sa sahig na kinasira nito
Tumalsik ang bawat parte nito at talagang hindi na mapapakinabangan.Hinawakan ako nito ng mahigpit sa braso at isinandal sa pader
"Ano ba! Nasasaktan ako!" Hiyaw ko at pinagtutulak si top
"Talagang masasaktan ka kapag hindi mo inamin saaken ang totoo.Sino yung kausap mo ha? Lalaki mo?" Tanong nito kaya nasasaktan ako sa binibintang nya
Talaga bang manhid sya at hindi nya maramdaman ang pagmamahal ko sakanya? Hah! Kung ganyan lang naman pala ang tingin nya saaken ay mabuti nalang pala at hindi ko inamin ang nararamdaman ko sakanya,baka pagsisihan ko pa
"Wala akong lalaki!" Sigaw ko pero hinawakan ang panga ko at pinatingin sakanya
"Siguraduhin mo lang na wala dahil kung hindi ay papatayin ko sya!" Sabi nito
"Eh ano nga ba ang pakialam mo kung meron man? Maghiwalay na tayo! Doon ka sa first love mo at doon naman ako sa lalaki ko!" Sabi ko at tumakbo papalabas ng pinto
Pagkalabas ay mabilis ulit akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa tila isang rest house. Nagulat pa ako bigla ng bumukas ang pinto nito at lumabas si kyle.
Nagulat din ito ng makita ako bago lumapit saaken
"Doll? Anong ginagawa mo dito?" Sabi nito nito at hinawakan ako sa balikat kaya hindi ko napigilan na yakapin sya
Umiyak ako sa dibdib nya at hinayaan nya naman ako.Hinahagod ng kamay nya ang likod ko at tila ako inaalo
"Tahan na,ano ba ang problema?" Tanong nito saaken kaya tumunghay ako sakanya
"W-Wala,pwede bang makitawag ako sayo?" Tanong ko kaya mabilis itong tumango
"Sige,tara sa loob" sabi nito at iginaya ako sa loob
Binigay nito saaken ang telepono kaya muli ay tinipa ko ang numero ni mom
(Hello?)si mom
"Mom si karie po ito.Please tulungan nyo ako.Gusto ko ng umalis sa islang ito" umiiyak kong sabi
(Jusko karie,Oo naman .Ano ba ang pangalan ng islang iyan?)Tanong nito kaya tumingin ako kay kyle
"Isla liwanag" sabi nito kaya muli kong kinausap at sinabi kay mom ang isla na tinutuluyan ko
Pagkatapos naming mag usap ni mom ay ibinaba ko na ang teleponong hawak ko tyaka tumingin kay kyle
"Salamat sa abala Kyle,hindi ko ito makakalimutan. Sige alis na ako" sabi ko at aalis na sana pero pinigilan nya ako sa balikat
"Teka,kumain kana ba?" Tanong nito kaya umiling ako
"Hindi pa" sabi ko
"Tara may linuto ako" sabi nito at hinila ako sa tila kusina nya
Maganda at malinis ito kaya medyo namangha ako.Kahit naman mukhang siraulo to ay mabait parin at malinis sa bahay
Pinaupo ako nito sa isang upuan tyaka linagyan ng pagkain sa isang plato.Linagyan nito ang plato ng fried rice,scrambled egg,bacon tyaka may gatas sa gilid
"Ikaw hindi ka kakain?" Tanong ko ng makaupo sya sa harap ko
"Kakatapos ko lang" sabi nito kaya napatango ako
Habang kumakain ako ay ramdam ang titig nya saaken kaya tumingin ako sakanya.Napaiwas naman sya bigla ng tingin kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain
"Aalis kana dito sa isla?"tanong nito kaya napahinto ako sa pagkain bago tumingin sakanya
" Oo"sabi ko
"Pano ako?" Tanong nito kaya napakunot ang noo ko
"Anong pano ka?"nalilito kong sabi
" W-Wala"sabi nito at bahagyang napatampal sa noo
Napahinga ako ng malalim at naisip bigla si top.Pano pag nalaman nyang may balak akong umalis dito?Anong gagawin nya?
"Umm,salamat sa pagpatawag saken at pagpakain kyle.Aalis na muna ako" sabi ko matapos kumain bago tuluyang tumayo kaya napasunod sya saaken
Hinatid nya ako sa pinto kaya nagpaalam na ako at kumaway.Naglakad ulit ako pabalik sa tinutuluyan namin ni top ng makita ko sya sa hindi kalayuan.Kasama nya nanaman ulit yung first love nya.Yung Kathy
Naglalakad sila habang magkahawak ang kamay.Nagtatawanan na tila isang mag asawa.Kung titignan ay talagang napaka perpekto nilang dalawa.Siguro nga ay talagang ginamit nya lang ako para habang wala pa ang mahal nya ay may pampalipas oras sya
Ang sakit namang isipin non.Pampalipas oras? Well,baka nga tama ako.Tama lang talaga ang gagawin kong desisyon,ang iwan sya at hayaan maging masaya
Napatawa nalang ako na tila sira habang umiiyak.Wala eh,minahal ko sya kahit sa ganong kaikling oras. Eh Sya? Minahal nya din kaya ako? Lahat ba ng pinakita nya saaken ay pag kukunwari lang? Wala bang totoo sa pinakita nyang yun? Siguro nga.
Umupo ako sa buhangin dito sa pangpang habang hinahayaang madampi ang tubig sa paa ko.Sana ay tubig nalang ako,para lagi lang payapa at walang iniisip na iba kundi ang magpadala sa alon
May biglang tumabi saaken kaya napatingin ako doon
"Pwede mo akong gawing panyo" sabi ni kyle bago kinuha ang ulo ko at ipinasandal sa balikat nya
"Umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa wala ka ng mailuluha pa.Andito lang ako at tutulungan kitang mailabas mo yang lahat"sabi nito
-----------▪▪▪
your_Senyorita💕💕Chapter 20 is done everyone. I hope that you like it royalties. Don't forget to vomment(vote&comment).Labyahhh💋💋
-
ಡ ͜ ʖ ಡ
BINABASA MO ANG
My Possessive Stepbrother[COMPLETED]
RomanceSIN,FORBIDEN AND INCEST,that's how i describe our story.. He's my stepbrother While I'm his little stepsister He's always saying that he own me,crazy right? Claiming your stepsister like your girlfriend.That's insane Yung tinatakot nya LAHAT ng mga...