Chapter 13

5.9K 141 9
                                    


*Karie pov*

Matapos naming kumain ng tanghalian ay nagpahinga ako sandali at andito na ulit ako sa dalampasigan at lumalangoy.Wala dito si top kasi may inaasikaso sya kaya pumunta ako dito



Nasa medyo malalim ako dahil ang pangit naman kung sa ibabaw lang ako.Magmu mukha  tuloy akong bata nun tyaka marunong naman akong lumangoy




"Ang sarap ng tubig" sabi ko at sumisid sa ilalim



Ng maubusan ako ng hininga ay umahon kaagad ako na napahilamos pa sa mukha.Ang sarap kasi talagang maligo dahil malamig tubig .Nakakaginhawa ng pakiramdam




"Baby where are you?"Rinig kong sigaw ni top mula sa pangpang na tila hindi ako nakita kaya itinaas ko ang kamay ko pero hindi nya padin ako nakita. Ako lang naman ang tao Dito pero hindi nya pa din nakita




Nagpatuloy ito sa paglalakad na tila hinahanap pa rin ako kaya napakibit balikat nalang ako.Nagpatuloy lang ako sa paglangoy hangang sa mapagod ako kaya bumalik na ako sa pangpang.Umupo ako sa buhangin nakatanaw sa dagat.Pasado 3:00 pm na kasi kaya medyo ayos naman na ang init




"Where have you been?"tanong ni top na nasa harap ko na pala habang nakataas ang isang kilay




" Dyan sa tabi tabi"sabi ko lang at humiga sa buhangin




"Hey get up!" Sabi nito pero pumikit ako



"Ayaw mo ha" sabi nito at nagulat ako ng may mabigat na bagay na dumagan saaken kaya napamulat ako ng wala sa oras




"Wahh,hindi ako makahinga!" Sabi ko at tinutulak sya




"Ayoko nga,sarap na ng pwesto ko" sabi nito at nginisian ako kaya sinampal ko ng mahina ang pisngi nya



"Bastos!" Sabi ko kaya natawa sya bago isinubsob ang mukha sa leeg ko




"Let's stay like this" bulong nito sa tenga ko kaya tumango ako na kinatunghay nya saaken





"Basta pumunta tayo sa bilihan ng mga souvenirs" sabi ko kaya kumunot ang noo nya




"At pano ka naman nakapunta doon?" Tanong nito bago umalis sa ibabaw ko at hinila din ako papaupo




"Wala.Nung naligaw ako" sabi ko kaya napatango sya




"Let's sleep" sabi nito pero umiling ako




"Ayoko" sabi ko kaya sinamaan nya ako ng tingin




"Matutulog tayo" sabi nito pero ngumuso ako




"Nakakasawang matulog" sabi ko bago tumayo



"Walang nakakasawa sa tulog kaya ngayon ay matutulog ulit tayo" sabi nito at binuhat ako




Dinala ako nito sa kwarto namin atyaka ipinasok sa banyo



"Take a bath first " sabi nito bago isinara ang pinto


Nang lumabas ito ay napahinga nalang ako ng malalim dahil wala naman na akong magagawa.Maliligo nalang ako dahil nanlalagkit na din ako sa tubig ng dagat


Matapos ang halos tatlumpong minuto ay sa wakas at nagbanlaw na din ako.Hinagod ko ang kamay ko sa buhok ko at bahagya iyong piniga para mawala ang sobrang tubig


Bigla ay tila nag loading ang utak ko. May nalilimutan ata ako.Tumingin ako sa paligid ko bago napatingin sa katawan ko.


Bigla ay napatampal nalang ako sa noo ko ng maalalang basta basta nalang ako pumasok sa banyo at nalimutan magdala ng towel.Ngayon anong gagawin ko?  



My Possessive Stepbrother[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon