Chapter 18

4.6K 94 4
                                    

*Karie pov*


"Top kumain kana kaya?" aya ko sakanya pero katulad ng mga nakalipas na araw ay dinaanan nya lang ako na parang hangin at tila walang nakikita




Hindi nya ako pinansin at umakyat ng kwarto.Napahigpit nalang hawak ko sa platong hawak ko bago pumatak ang isang butil ng luha ko.Anong nangyayari sakanya? May nagawa ba ako?





May narinig akong mga yabag kaya napatingin ako muli sa hagdan.Pababa doon si top at bihis na bihis nanaman.Tila aalis nanaman sya





"S-San ka pupunta?" Nauutal kong tanong




Napahinto naman ito bigla sa paglalakad at malamig na tumingin saaken





"You don't need to know" sabi nito at tuluyan na ngang umalis





Doon ay bigla nalang akong napaupo sa isang upuan at napahikbi.Ba't sya ganon makitungo saaken?Bakit ang lamig nya kung magsalita? Yung tingin nya saaken parang ibang tao na din.Ano bang nangyayare?





Nagsimula lang naman iyon nung nakaraang araw.Nagising nalang ako na lagi na syang seryoso.Malamig tumingin at magsalita. Hindi na sweet,nawala na yung pagiging maalalahanin at wala na yung possessive na top na nakilala ko.





Napailing nalang ako dahil baka busy lang sya nitong mga nakaraang araw.Tama.Baka busy lang talaga sya tapos ginugulo ko pa






Kumain nalang ulit ako ng mag isa sa hapag kainan tyaka naghugas ng mga pinag kainan ko pagkatapos.Lumabas ako ng bahay tyaka nagpahangin sa pangpang






"Mahal kita" rinig kong sabi ng isang boses kaya hinanap ko iyon





"I feel the same way" sabi ng pamilyar ng boses





Napatago ako bigla sa isang puno na malapit saaken ng mkita ko kung sino ang nag uusap.Isang magandang babae na tila modelo sa sobrang ganda at s-si top.





Oo sya yung sumagot.Kaya ba sya naging malamig saaken ay dahil sa babaeng yan?




Umalis sila sa kinatatayuan nila kaya napaalis din ako sa pinagtataguan ko.Pinahid ko ang mga lumihis na luha sa pisngi ko dahil ayokong may makakita na umiiyak ako




"Bagay na bagay sila noh?"




"Oo nga.Isang Top Heartless tapos Kathy zyra Hotris, saan ka pa?"



"Ang sweet nila.Sinundo pa daw ni Top yang si Kathy kanina sa daungan"




"Oo nga eh,kakauwi lang kasi ni kathy galing U.S at hinanap nya kaagad si top"




"Sinabi mo pa.Palibhasa first love never dies"




Mas lalo akong napalunok sa mga naririnig kong mga bulungan ng mga tao.First love?





Yan ang first love ni top? Akala ko wala syang ibang naging crush? Kaya ba ayaw nya na saaken kasi bumalik na yung first love nya? Yung totoong mahal nya? Narealize nya din sigurong ang panget at ang boring ko. Napatawa ako dahil tila ginawa nya akong panakip butas habang wala pa yung mahal nya




Hindi na rin ako magtataka kung bakit may initial sa kamay nya.Para akong sira na tumawa dahil  ang bobo ko . Naniwala ako sa sinabi nyang ako yun,na pangalan ko yun.







Napahawak ako bigla sa may bandang puso ko ng maramdaman kong hindi ako makahinga ng maayos.Napasandal ako sa puno malapit saaken tyaka napadausdos papaupo






"Ah" mahina kong daing ng mas sumakit ang nararamdaman ko





Napapilipit ako bigla sa sakit at tila nagdidilim na ang paningin ko.Kinakapos na din ako ng paghinga



"Miss ayos ka lang?"





Kahit nanlalabo ay pilit kong tinignan kung sino ang tumatawag saaken.Isa iyong lalaki pero hindi ko maaninag ang mukha nya dahil ang labo labo




Gusto ko sanang sumagot pero hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko.Napapikit nalang ako hanggang sa ramdam ko ang tila pagkalutang ko sa ere





Dahil siguro sa hilo at paghihina ay hindi ko na naramdaman na unti unti na akong dinadala ng dilim


-



Nagising ako bigla ng makarinig ako ng pagbukas sara ng pinto.Iminulat ko ang mga mata ko tyaka inilibot ang paningin ko.Lahat ay halos kulay puti






"Sorry miss.Nagising ata kita" sabi ng isang lalaki





Magsasalita sana ako ng makitang kong may nakalagay na oxygen mask sa bibig ko.Anong ibig sabihin nito?




Lumapit ito saaken tyaka umupo sa upuan na nasa gilid ko




"Ako nga pala si kyle.Ako yung nakakita sayo kanina .Andito din pala tayo sa mini hospital ng isla,dito kita dinala dahil nataranta ako ng makita kong halos itim na ang kulay ng mukha mo" pagpapaliwanag nito pero hindi ako sumagot





Bumukas naman ulit ang pinto at pumasok ang tila doctor dito





"Ano doc? Ayos na ba sya?" Tanong ni kyle






"Ayos na sya,sa ngayon" sabi nito kaya naguluhan ako






"Anong ibig nyong sabihin doc?" Tanong nito






"Sorry to say this pero meron syang heart disease,a coronary one" Sabi ng doctor kaya napahigpit ang hawak ko sa kumot




"Anong ibig sabihin nyong doc?" tanong ulit ni kyle





" Coronary heart disease is narrowing of coronary arteries o ang pagkipot ang daanan ng hangin.Hindi sya nakakahinga dahil hindi dumadaloy ng maayos ang dugo nya at naaapektuhan nito ang hangin papunta sa puso na kung saan ay dahilan para hindi sya makahinga."sabi ng doctor kaya napalunok ako.M-May sakit ako?






"D-Doc anong naging dahilan kung bakit sya inaatake nyan? Ano ang dapat gawin para hindi mangyari ulit ito?" Tanong ni kyle na tila sya pa ang mas kinakabahan saaken





"Isa sa dahilan kung bakit sya inaatake nito ay dahil sa stress at maaari ring dahil sa depression. Maaari ring hindi nya nababalanse ang mga emosyong nararamdaman nya.Ang mga dapat nya  gawin ay maging kalmado lagi at ipagbalanse ang nararamdaman.Bawal syang masobrahan sa iyak,tawa o lungkot dahil lahat ng sobra ay nakakasama" mahabang sabi ng doctor





Inalis ko ang oxygen sa bibig ko tyaka nagsalita





"Ikamamatay ko ba to?" Diretsa kong tanong na kinabaling nila saakem na dalawa






"Definitely .Hindi imposible na mangyari iyon kapag naging malala ang nararamdaman mo kaya ngayon na maaga pa ay bibigyan kita ng iinumin para maging madalang ang pag atake nito sayo" sabi nito na halos kinaguho ng mundo ko






So this can lead to my death?Napaiyak nalang ako bigla at napatakip ng mukha ko dahil sa sobrang lungkot





"Hey miss, please wag ka ng umiyak.Mamaya ay atakihin ka nanaman ulit at hindi na maagapan. Tahan na,baka masobrahan ka ng iyak" pag aalo sken ni kyle kaya medyo tumahan ako sa sinabi nya





"Andito lang ako,pwede mo akong maging kaibigan kung gugustuhin mo man.Pwede mo akong sabihan ng mga problema mo,pangako makikinig ako" sabi nito kaya napatingin ako sakanya bago ngumiti bilang pasasalamat

--------------▪▪▪
your_Senyorita💕💕

Chapter 18 is done everyone. I hope that you like it royalties. Don't forget to vomment(vote&comment).Labyahhh💋💋
-
(๑♡⌓♡๑)

My Possessive Stepbrother[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon