Chapter 1

243 6 0
                                    

Paith's POV

Nasa cafeteria ako ngayon, nabili ng makakain. Hindi naman ako matakaw, hindi rin tamad kumain. Yung tama lang.

Bumili lang ako ng Big-Bite Hotdog at mogumogu. Yun naman palagi kong binibili eh. Buti nga meron nyan dito sa cafeteria ng academy namin , sa 7-11 kasi ako nabili nyan pag walang pasok or after class.

Malumanay lang akong naglalakad palabas ng cafeteria nang biglang,,,

"anu ba ! Hindi mu ba nakikita yang dinadaanan mu ?" inis na inis nyang sabi habang pinupunasan nya ng panyo nya ang kanyang uniform. Nadikitan kasi ng ketchup.

"sorry" yun na lang ang nasabi ko at akmang aalis na nang bigla nyang hinila yung braso ko.

Ansakit nun ah ! Hindi ko naman kasalanan na madikitan yung uniform nya ng ketchup eh. Sya yung hindi tumitingin sa dinadaanan tapos ako pa may kasalanan ? Tss, buti nga at ako na yung nagsorry -.-

"sorry ? Malilinis ba nyang sorry mu tong uniform ko ?!" hawak-hawak nya pa din yung braso ko habang sinisigawan pa ko.

Abah ! Nag-iiskandalo na tong babae na toh dito ah ! Hindi ko naman sya kilala -.-

"Edi labhan mu ulit" walang emosyon kong sabi.

"At sumasagot ka pa talaga huh !" sarkastikong sabi nya

"Nagtanong ka atah eh" sagot ko pero ganun pa din ang emosyon ko

"Arrrrggghhh ! Hindi mu ba ko kilala huh ?!"

Galit na galit na talaga sya. Naasar siguro sa mga sagot ko. Well, hindi naman ako ang nag-umpisa eh.

"Hindi eh" sagot ko sa tonong nakasanayan ko

"Well, ako lang naman ang nag-iisang anak ng principal dito kaya umayos ka, bitch." ang arte nya magsalita, kabanas lang -.-

"ah ok" matipid kong sagot

"Hindi ka manlang ba natinag o natakot sa sinabi ko ?"

"Hindi"

"At bakit naman ?!" nagtataka nyang tanong

"Anak ka kasi ng principal" pang-aasar ko pa sa kanya. Ansaya din pala makipagtalo minsan noh. Minsan lang toh kaya ayos lang.

"Oo nga ! eh bakit hindi ka pa natakot !"

"Anak kasi ako ng may ari ng academy na toh, bye" pagsabi ko nyan ay tumalikod  na ko at umalis. Nawala na gutom ko.

Alam kong nakatingin pa din sakin yung babae na yun at alam kong gulat na gulat pa din sya sa sinabi ko.

Hindi ko talaga sya kilala at ganun din naman sya saken dahil nga transferee ako dito. Oo my parents own this academy. Minana pa nila toh from my grandparents who both passed away.

Nung una ayaw akong pag-aralin dito nila mom dahil daw baka gamitin ko lang yung kung anung meron kami sa masamang gawain. Kaya nag-aral ako ng 3years sa ibang academy na hindi namin pag-aari. Napansin nila na wala naman akong pakialam sa lahat kaya they decided na ilipat na ko ng school. Baka sakali daw na magbago ang pananaw ko sa buhay pag nasa ibang school ako.

At yun nga, nilipat nila ko sa school na pagmamay-ari ng pamilya namin. First day of school pa lang kaya hindi pa ko kilala ng mga estudyante dito. Hindi pa sila na-iinform at ayoko din naman sanang ipaalam dahil baka kung anung isipin ng iba kaso nangyari na dahil lang sa isang babaeng impokrita na yun. Masyadong mapagmataas -.-

Alam nyo kasi, sa buhay, hindi mu kaylangan gamitin ang kapangyarihang meron ka na wala ang iba upang mantapak ng ibang tao. Atsaka kung alam mung ikaw ang mali, matuto kang magpakumbaba.

Ginawa ko lang naman yun dahil gusto kong matuto yung,,, idunno her name. Psh -.-

My Forever BoyFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon