Chapter 10

118 4 1
                                    

Nakakadalawang linggo na pala simula nung first day. Nag-announce lang si ma'am na may group activity kami, role play sya na ipepresent next week.

Group 3 kami ng J Brothers kasama si Paith. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa kasi makikita ko sya sa practice o dapat mahiya dahil maiilang ako sa kanya.

Nandito ako sa mini park ng school namin habang nakaupo sa isang bench at nakadikwatro. Hinihintay ko na lang ang barkada para sabay-sabay na kaming makaalis.

Sila Zorren, Curt, Evans, Rafael, Kishler, Yham, at Isaac ayun nasa oval. Nagpapractice sila ng soccer. Hindi kami nagpractice ni One Karlos. Sya busy dahil may pinagawa pa sa kanyang canvas si Ms.Thomson. At Ako ? Wala, tinatamad lang akong magpractice.

Dahil nabobored na din ako kakahintay, kinuha ko na lang ang earphone at cellphone ko sa bag at nakinig ng music. Nakakadalang kanta pa lang ay nagsidatingan na yung pitong nagpractice ng soccer.

"oy Xanzus ! Ang tamad mu talaga, lagot ka na naman kay coach nyan" pagbungad ni Curt

"masama kasi pakiramdam ko" pagsisinungaling ko

"Loko ! Sinung niloko mo ? Hahahaha alam naman naming tinatamad ka lang" tatawa tawang sabi ni Kishler

"Hindi din naman nagpractice si One Karlos ah" pangangatwiran ko pa

"Eh ayos lang yung kay One Karlos dahil valid ang reason nya" -Isaac

"Eh yung sayo Xanzus dagdag pa ni Evans

"invaliiiiid tol" sabay saby nilang pang aasar pagkatapos ay nagtawanan na naman

"oy tama na nga yan, napipikon na yang si Xanzus hahaha" matutuwa na sana ko kay Zorren kaso may halong tawa pa -.- Kung hindi ko lang mga kaibigan tong mga 'to, baka nagsasapok ko na 'to.

"teka wala pa ba si One Karlos? Masyandong kina-career ang pagiging artist ah" pagsingit sa usapan ni Isaac habang nagpupunas ng pawis

"Hindi pre, andito na. Nakita mu ba ?" Pambabara ni  Rafael sa sinabi ni Isaac kaya binatukan sya nito.

"Tigilan nyo na nga yan" pagsaway sa dalawa ni Yham

"Yes, manager" pang-aasar na sagot nung dalawa na halatang nagpipigil sa tawa. Minsan talaga hindi namin malaman jan kay Yham, minsan sobrang seryoso pero minsan ang kulit nya.

"Antagal naman ni One Karlos" inip na inip na bulong ni Kishler habang inaayos ang sintas ng sapatos

"Present!" narinig naming may sumigaw at nagsilingunan kami sa likod kung san nanggagaling yung sigaw. Ayan na pala si One Karlos at papalapit na samin.

"oh kumpleto na attendance, tara na!" - One Karlos

"Sandali, pagpalitin mo muna kami ng damit noh" -Curt

"oo nga pala. Sige magbihis na kayo at ang babaho nyo na eh, hahaha" One Karlos

"oo nga, mga amoy araw kayo !" dagdag ko pa at nagtawanan kami ni One Karlos.

"May nagsabi na ba kay Paith na malalate tayo dahil sa biglaang practice ?" natahimik kami bigla sa sinabi ni Zorren. Para kaming ewan na nagpapasahan ng tingin.

"Huy!" pumalakpak si Zorren ng dalawang beses saka lang kami natauhan.

"Lagot, baka kanina pa naghihintay yun" - Rafael

"Wala naman tayong number nya kaya panu natin masasabihan ?" seryosong sabi ko. Pero deep inside, nag-aalala na ko. Hindi ko lang maipakita sa kanila na concern ako kay Paith dahil aasarin ako ng mga yan.

"ohsya ! Anu pang hinihintay nyo ? Pasko ? Kilos na dali !" pag-uutos ni One Karlos kaya naman dali-daling nagsipagtakbuhan na yung pito papunta sa locker room. Natawa na lang kami ni One Karlos dahil parang ewan yung pito habang tumatakbo.

"Bakit nga pala hindi ka din nagpractice pre ?" tanong ni One Karlos dahil kaming dalawa na lang ang naiwan dito at ang tahimik nga naman kaya sya na ang nagsalita.

"wala, tinatamad ako" alam ko namang hindi sya maniniwala kapag sinabi kong masama pakiramdam ko. Kilalang kilala na talaga ko ng mga kaibigan ko.

"haha sabi na nga ba eh, ikaw talaga pre" sabi nya

Naghintay lang kami. Wala pang 10mins ay dumating na sila. Tumayo na kami ni One Karlos at tuluyan na nga kaming umalis ng barkada.

---

Nagtatawanan lang kami habang papasok ng 7-11 dahil kwento ng kwento si Rafael tungkol sa pokemon na palagi nyang nilalaro kahit hindi naman kami makarelate sa kanya. Sya lang kasi ang naadik dun sa larong yun na nauuso ngayon.

Nakita ko sya na nakaupo at kumakain ng Big-biye hotdog pati mogumogu habang mag nakasalpak na earphone sa tenga. Napansin ko lang na yun at yun lang palagi ang snacks nya sa tuwing nakikita ko syang kumakain sa cafeteria, favorite nya siguro yun.

At nang nasa pintuan na kami ay nakita kong inalis na nya ang earphone sa tenga at tumayo, narinig nya siguro ang ingay namin. Sinigurado nya kung kami nga iyon at nang makita kami, umupo na ulit sya. Lumapit naman kami sa kanya. Akala namin magagalit sya kasi pinaghintay namin sya ng matagal. Pero nang magpaliwanag na sila, I mean kami ay parang wala lang sa kanya.

Pinag-usapan lang namin kung saan at kailan namin sisimulan ang practice. Napagdesisyunan ng lahat, or should I sau naming syam na kina Paith magpapractice at pumayag naman sya kahit na mukang napilitan lang dahil sa kakulitan naming mga boys. Natapos ang usapan at pauwi na kami nang bigla syang may sinabi,

"Walang malalate bukas huh"

"opo" sagot naming lahat

"good" at nauna na nga sya sa paglabas ng 7-11

"suplada na, masungit pa" bulong naming siyam at bigla na lang syang lumingon samin at sinamaan nya kami ng tingin.

"Lagot, narinig tayo" -Rafael

----

My Forever BoyFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon