Chapter 3

174 5 2
                                    

Naglalakad ako sa gilid ng oval ng academy nang marinig ko ang mga tilian ng mga kababaihan.

"waaah! Ang gwapo talaga nila!" kinikilig na sabi nung isang babae sabay hampas dun sa katabi nyang sa tingin ko kaibigan nya

"oo nga ! My golly ! At ang galing-galing pa nila !" dagdag pa nung kasama nung dalawang babae habang talon ng talon

"wag nga kayong malikot!" komento nung isa sa tatlo na kumukuha naman ng pictures

Ganyan na ba talaga ang mga kababaihan ngayon ? Kulang na lang magpakamatay sila dahil sa sobrang kilig. Tsaka nanunuod lang naman sila ng soccer ah ? Anung nakakakilig dun ? Ayaw na lang maupo at manuod na lang.

Teka, bakit ko ba sila pinapanuod ? Uuwi na ko diba -.- Hay naku, makauwi na nga. Pero bago yun, tinignan ko muna kung anu o sinu ang mga tinitilian ng tatlong babaeng yun. Mga grade 9 at 10 pala na naglalaro. Hindi ko sila kilala pero yung mga grade 10 kilala ko kaso sa mukha nga lang. Mga kaklase ko kasi yun. Pagkatapos ay umuwi na ko dahil hindi naman ako masyadong interesado sa laro.

---

"Goodafternoon ma'am" bati sa akin ng kasambahay namin pagkadating ko sa bahay

"Sayo din po" magalang kong sagot

"Anu pong gusto nyong meryenda ?" tanong nya

"uhmm, kahit anu na lang po"

"ah sige po. San ko po dadalhin ? sa garden po ba kayo o sa kwarto nyo na lang po?"

"ah manang, sa kwarto ko na lang po"

Pumanik na ko ng hagdan at pumuntang kwarto. Gusto kong magpahinga muna kahit saglit. Inilapag ko ang bag ko tsaka ko sinalpak ang earphone sa tenga ko at nakinig ng music. Pagkatapos ay humiga sa kama na nakadipa ang dalawang kamay gayundin ang paa habang nakatitig lang ako sa mga stars na nasa kisame ng kwarto ko. Hindi ko na napansin na nakatulog na pala ko.

---

tok-tok-tok-tok...

Nagising ako sa pagkatok ng kung sinuman sa pintuan ng kwarto ko.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan.

"kanina ko pa po kayo kinakatok para po ibigay tong meryenda mu kaso mukang nakatulog ka na" si manang pala

"pasensya na po, napaidlip lang" sabi ko habang kunukusot-kusot pa ang mata

"oh sya, kainin mu na ito"

"opo, pakilagay na lang po sa table ko"

Inilagay naman nya ito sa lamesa ko. Naghilamos muna ko pagtapos ay kumain na. Pinatawag ko na lang muli si manang para maibaba na ang tray.

Napansin ko na lang na hindi pa pala ko nakakapagpalit ng damit. Naka uniform pa pala ko kaya agad-agad na kong nagpalit.

Ginawa ko na lang ang mga assignments namin at nahiga na ulit. Nakakatamad talaga ngayong araw na toh. Natulog na lamang muli ako tutal 7pm na din. Hindi na ko kakain dahil i'm on a diet. Syempre hindi ko pa din pinababayaan ang sarili ko.

My Forever BoyFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon