Chapter 21

78 1 0
                                    

Yham's POV

Nasa kasarapan pa ko ng pagtulog ng bigla na lang nagring yung cellphone ko. Dahil antok na antok pa ko, kinapa kapa ko na lang 'to sa lamesa sa tabi ng kama ko.

Hindi ko na tinignan kung sino yung tumatawag. Sinagot ko na agad.

"Herrow ?" garalgal kong tanong. Antok na antok pa talaga ko -.-

"Yham ! Punta ka dito sa park, emergency dali !! Si Paith !!!" tarantang sabi nung nasa kabilang linya. Mukang si Curt yun at parang may problema nga.

Napabangon ako agad nung narinig ko yung emergency kay Paith. Naligo ako nang mabilis at tsaka nagmamadaling umalis ng bahay ay nagpunta sa park.

Ano kayang nangyari kay Paith ?

Tarantang taranta na ko. Ang bilis na ng pagpapatakbo ko ng sasakyan. Kinakabahan ako. Baka kung ano nang nangyari  kay Paith.

Pagdating ko sa park. Bumaba agad ako ng sasakyan ko. Pero pagbaba ko, iniginala ko muna yung mata ko sa paligid.

May parang party. Pero walang tao ? Tsaka tahimik. Muka namang walang aksidenteng nangyati dito. Mali ba ko ng napuntahang park ? Anubayan.

Sasakay na sana ko ulit ng sasakyan nang biglang may tumugtog na music. Malakas. Galing ata sa party dun. Tinignan ko, wala namang tao. Pero may music.

Lumapit pa ko sa area kung saan parang may party.

Nagtataka ko. May music, mga lamesa, upuan, pagkain, balloons, at may mini stage pa. Parang children's party, pero wala namang tao.

"SURPRISE !!!!"

Hinanap ko yung mga sumigaw. Tumingin ako sa likod ko kung saan nanggaling yung mga boses. Nakita ko yung mga bata na may nakalagay sa damit na 'Happy B-Day Kuya Yham !'

Sandali, parang namumukaan ko yung mga batang iyon ah. Parang sila yung mga palaboy sa lansangan na palagi kong binibigyan ng pagkain pag nadadaanan ko. Oo nga ! Sila nga !

Teka, birthday ko pala ngayon. Buti pa sila alam nila. Hahaha. Hindi kasi ako nagcecelebrate ng birthday.

"HAPPY BIRTHDAY KUYA YHAM !" sabay sabay na bati ng mga bata.

"Salamat. Kayo talaga. Sinong kasama nyo dito ?"

"Sila po." sabay turo sa bandang likuran ko.

Nang makita ko yung mga pagmumuka nila. Oo, ang barkada nga. Nang makita ko sila, alam ko na agad na sila ang may pakana nito.

Nilapitan ko pa silang siyam. Pinagbabatukan ko, kahit si Paith binatukan ko din.

"Aray ! Para san yun ?" nakadimangot na tanong ni Paith.

"Kinabahan kaya ko kanina !"

"Ganun ba pare ? Hahahaha. Galeng ko ba umarte ?" malokong si Curt.

"Bwiset ka talaga Curt !" nabatukan ko na naman tuloy sya

"Aray naman Yham ! Nakakadalawa ka na ah."

"Mga trip nyo kasi eh. Anung kalokohan ba 'to ?" tanong ko sa kanila.

"Surprise party para sayo." kalmadong sabi ni Xanzus

"Surprise? Pero children's party ?"

"Hindi pare, baka adult's party kaya may mga balloons -.-" sarkastikong sagot ni Kishler

"Ah ganun ba." kunwari wala kong pakialam. Hahaha

"Syempre, children's party ! Sungit talaga neto." -Paith

My Forever BoyFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon