Chapter 6

238 3 0
                                    

"antagal naman nila" inip na inip kong bulong. Kanina pa kasi ako naghihintay dito sa 7-11. Dito na daw namin pag-uusapan ang gagawin sa role play.

Nilagay ko na lang ang earphone ko sa tenga ko at nakinig ng music habang kumakain ng big-bite-hotdog at mogumogu as my usual snacks.

Antagal talaga nila ! Tatayo na sana ko para umalis na nang biglang nakarinig ako ng grupo ng mga lalaking nagtatawanan habang papasok ng 7-11. Umupo na lang ulit ako. Sa tingin ko sila na yan.

"yow ! Paith, sorry huh late kami" -Yham

"Nagpractice pa kasi kaming pito ng soccer, hindi naman namin alam cellphone number mu kaya di ka namin natext agad na male-late kami " pagpapaliwanag ni Evans

"Ako naman, may pinagawa pa saking canvas si Ms.Thomson" sabi ni One Karlos. Ah dakilang artist pala toh eh. Mabait naman pala.

"Ako wala lang" nagsalita din sa wakas yung Xanzus. Akala ko mapapanis na laway nito eh.

"You don't need to explain. Let's just all discuss that role play" nagmamadali ba ko ? Abah, pinaghintay nila ko tapos kukwentuhan pa ko. Bahala sila.

"I'll start, tutal ako naman ang leader" - Zorren

"Go" - Rafael

"Una nating pag-uusapan ay kung kelan tayo mag-uumpisa" - Zorren

"Simulan natin bukas, sabado naman na bukas. 6days lang tayo makakapagpractice dahil sa Friday na yan ipepresent." nagsalita na ko para matapos na

"ok, sabado guys. Bukas huh. Teka san naman tayo magpapractice ?" - Zorren

"sa school" - Ako

"hindi pwede dun, sarado ang school ng weekends" - sabat naman ni Kishler

Malay ko ba na bawal dun ng weekends. Sa dati ko kasing pinasukan, bukas yun everyday kasi araw-araw pinapalinis sa mga katiwala.

"Kila Paith na lang" pagsingit sa usapan ni Xanzus. Baliw toh, minsan na nga lang magsalita nakakainis pa -.-

Tatanggi na sana ko ng biglang nagsalita si Isaac

"I agree" - Isaac

"ako din" - Kishler

"ge, ako din" - One Karlos

"me, too" - Curt

"me, three" - Evans

"me, four" - Yham

"me, five!" - masiglang sabi naman ni Rafael

Abah mga loko tong mga toh. Pinagkaisahan ako.

"Oh, sa inyo daw Paith. Ayos lang ba sayo ?" - natatawang sabi ni Zorren pero seryoso pa din ang muka. Anu kaya yun.

"Tss, may magagawa pa ba ko -.-" inis kong sagot

"yes !" nag-apiran pa sila Rafael at Evans

"Oh. Ayos na ang Date, ayos na ang Location, time na lang ang hindi pa" -Zorren

"10am bukas, dito magkikita-kita dahil hindi pa natin alam ang bahay ni Paith" - One Karlos

"Ok, 10am bukas, dito magkikita-kita dahil hindi pa natin alam bahay ni Paith" pag-uulit ni Xanzus sa sinabi ni One Karlos. Loko-loko din pala talaga toh si Xanzus.

"that's all, thank you" pagpapatawa ni Rafael. Nagtawanan na naman tuloy ang lahat.

"corny" bulong ko.

"corny daaaaaaw" sabi ni Curt

"HAHAHAHA" mas lalo pang lumakas ang tawanan nila kaya siniringan ko na lang sila at nauna na sa paglabas ng 7-11

"suplada na masungit pa" -bulong ni Xanzus. Bumulong pa , rinig ko naman. Nilingon ko sila dahil nasa likuran ko lang sila. Sinamaan ko sila ng tingin kaya nag-peace-sign na lang silang siyam. Ang kukulit nila ! -.- Pagkatapos nun ay umuwi na ko.

My Forever BoyFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon