Chapter 14

229 2 0
                                    

Paith's POV

"Mom, don't worry. Ok lang ako"

"Basta huh, sabihin mo lang kay manang if you need something"

"Yes, mom. I can manage myself"

"Oh wait, baby. Jan ba ulit kayo magpapractice ng mga kaibigan mo ?"

"Mom ! They're not my friends -.-"

"Huh ? They're not your friends ? Don't tell me they are your----- boyfriends ?!

"Mom ! Ang OA mo ! Of course not -.- They're just my groupmates in class "

"Ow, I thought you were friends :( But, if ever man na maging friends mo sila, it's ok naman for me :) They're nice naman eh"

"As if naman na magiging kaibigan ko sila. Sige na mom, I need to prepare na. Parating na din sila eh"

"Oh sige. Basta magsabi lang kayo kay manang pag may kailangan kayo ng mga friends mo este boyfriends mo, ay este groupmates mo hehe bye baby :* Take care :)"

"Hay naku, bye mom"

Ang kulit talaga ni mom -.- Kung hindi ko lang yun mahal eh.

*****

Pangalawang araw pa lang namin ng practice ngayon, mga feeling close na 'tong mga 'to sakin. Merong lalapit sakin, magtatanong ng kung anu-anong personal na bagay. May kukuha ng pagkain sa kusina namin tapos aalukin ako. Ano 'to ? Feel at home sila ? Ang kapal lang.

"Buti na lang may naihanda na si manang na pagkain para satin noh ? Ako na kumuha sa kusina, kain kayo guys !" ayan na nga, nag-alok na ang magaling at matakaw na si Curt -.-

"Oo nga kain muna tayo ! Nakakapagod magpractice eh" pagsang-ayon naman ni Xanzus saka lumapit kay Curt na may dalang tray of foods na hindi naman sya ang naghanda kundi si manang.

Nagsunuran naman yung iba, mga gutom na nga sila.

At ako ? Oo gutom na din ako, pero hinding hindi ako sasabay sa kanila. I can eat without them.

Paalis na sana ko ng garden kung saan kami nagpapractice nang tawagin ako ng isa sa kanila.

"Oy Paith !" sigaw ni Rafael, tumigil lang ako saglit tapos ay nagpatuloy na sa lakad.

"Celestine !" may tumawag na naman sakin at sa second name ko pa talaga huh -.- Alam kong boses yun ni Kishler, may pagkasuplado yung boses eh. Pero hindi ko pa din sila nililingon.

"Ms. Monsieur !" eto pa isa. Si Isaac. Nasa tapat na ko ng pintuan papasok ng bahay, hindi ko pa din sila nililingon.

"MS. PAITH CELESTINE MONSIEUR !!!"

Arrgghhh ! Nakakabingi ! Hawak ko na yung doorknob para pumasok na nang nagsigawan silang siyam in chorus.

"WHAT ?!" nakasimangot ko ding sigaw sa kanila. Nagulat naman silang lahat kaya bigla silang napatayo ng diretso at muka silang baliw dahil para silang mga sundalo na napagalitan ng surgent nila sa itsura nila. Talagang nakahilera pa sila ng isang straight line.

"A.a.a.aaaaano ka.a.a.a.kasi..." nauutal-utal na sabi ni Evans. Muka syang ewan. Gusto ko ng tumawa dahil parang konti na lang ay maiihi na sya sa pants nya pero hindi ko pinakita na nagpipigil ako ng tawa. Ayokong isipin nila na kaya nila kong patawanin, baka isipin nilang pwede kaming maging magkakaibigan.

"Ano ?!" kunwaring galit pa din na tanong ko sa kanila kasi nga hindi naituloy ni Evans yung sinasabi nya.

"Aalukin ka lang sana naming kumain kasama namin dito" mahinang sagot ni Zorren sabay akmang iaabot sakin ang hawak na tray. Para silang mga bata, mga nag-puppy-eyes pa -.-

My Forever BoyFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon