Chapter 4

202 3 4
                                    

"class, i'm going to group you into 3 groups.10 members in one group ok ?" nakatayo si Ms.Sanchez sa unahan habang nag-aannounce.

"yes ma'am" sabay-sabay naming sagot

Mukang may mangyayaring ayaw ko ah. Ayoko talaga ng group activities dahil ayokong nakikipagsocialize eh. Tss,

"ok, group 1: Joeylyn, Graceline, Karen, Marjorie, Lorraine, Jemuelle, Patrick, Yukihiro, Jovic, and Luigi" ow, 5 girls and 5 boys pala sa isang grupo. And I think this group is the commoners but they are barkadas if i'm not mistaken. Napapansin ko kasi, Lagi silang magkakasama. Ansaya-saya nila palagi. Si Lorraine ang leader nila. Ang pinakaresponsanble sa grupo nila.

"yes!" sigaw nung Patrick sabay apir dun sa katabi nyang si Graceline. Pinagtinginan tuloy silang dalawa at tumawa naman bigla ang grupo nila.

"Group 2: Stephanie, Amy, Mitch, Nathalie, Mhegan, Madeline, Shenna, Precious, Taylor, and Bettany" Pagpapatuloy ni ma'am. Sila yung palagi ding magkakasama, kaso hindi sila katulad nung naunang group. Etong group two kasi yung mga papeymus, mga maaarte, mga so called kaibigan pero hindi kasi sa napansin ko mga nagpaplastikan lang. Si Amy ang leader nila, yung pinakamaarte. Sya din pala yung naka-encounter ko nun sa cafeteria. Remember ? Yung nadikitan ko ng ketchup na anak ng principal.

Teka, bakit puro babae ? Ang gulo naman, anu kayang pinagbasehan ni ma'am sa pagpili ng magiging grupo namin.

Tahimik lang akong nakaupo habang hinihintay ang mga sasabihin ni ma'am at alam kong nasa last group ako kasi yun na lang naman ang hindi pa nababanggit.

"And for Group 3 ay yung mga hindi nabanggit which are: Rafael, Isaac, One Karlos, Kishler, Yham, Evans, Curt, Zorren, Xanzus, and Paith Celestine"

...and Paith Celestine

...and Paith Celestine

...and Paith Celestine

...and Paith Celestine

...and Paith Celestine

...and Paith Celestine

Nagpaulit-ulit sa utak ko na parang sirang plaka yung huling sinabi ng adviser namin. Bakit ganun ? Ako lang ang babae ? Psh, wala na kong pakialam. Bahala na sila.

"class, go to your respective groups now and discuss what will you do to your activity next week" Nag-ingay na ang lahat habang nagpupunta sa kanya-kanyang group. Kaya pumunta na ko sa mga groupmates ko.

Sabi nga pala ni ma'am bawat groupo ay gagawa ng isang role play about sa scene na nabunot. Ang nabunot ng leader namin na si Zorren ay about sa barkada. Ah kaya pala yun ang grupo-grupo pero bakit ako nandito sa mga lalaki ? Well, siguro walang mapaglagyan sakin si ma'am dahil wala akong kaibigan dito sa school.

My Forever BoyFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon