Chapter 9

100 3 0
                                    

Nakapila na kami dito sa court, may iaannounce daw yung principal.

Habang iginagala ko ang tingin ko sa mga taong nagdadaan sa harapan namin. Isang babae ang nakakuha ng atensyon ko. Papunta sya dito sa direksyon kung saan kami nakapila. Mukang kaklase namin dahil pumila sya sa section namin. Pero bakit parang ngayon ko lang sya nakita dito ?

Hindi sya mukang maarte, hindi mukang nerd kahit nakasalamin. Maputi, matangkad, may mahaba at straight na black hair at ang ganda ng mata nya *^_^* brown eyes. At nung dumaan sya sa harap ko, ang bango nya..

"Teka, Stop it Xanzus ! Stop !" bulong ko sa sarili ko. Psh, kelan pa ba ko nagdescribe ng isang babae ? Kaasar, hindi mawala yung tingin ko sa kanya.

"huy ! Sinung kinakausap mu jan ?" nagulat ako nang kulbitin ako ni Isaac na nasa likod ko kaya napatingin ako sa kanya.

"wala" sinabi ko kahit ang totoo meron, yung sarili ko haha

Tinawanan ako ng buong barkada, nakatingin din pala sila sakin.

"Sinung tinitignan mu ,huh ?" pang-aasar ni Evans.

Nagtinginan sila sa kanina ko pa tinititigan.

"ahuh ! chick pre !" umiral na naman ang pagkachickboy nitong si Rafael

"pre nalove at first sight na ba ?" pang-aasar pa ni One Karlos, kala mo tatahi-tahimik yang lalaking yan pero napakamapang-asar naman

"pre ingatan mu babyheart mu" pangkakantsaw pa nung iba

"tumigil nga kayo" - Ako

Nagbulungan na lang sila pero hindi ko na sila pinansin.

---

Natapos na ang announcement ng principal kaya nandito na kami sa room . 30 lang kami dito sa section namin. Syempre kaming syam sa likod na naman nakaupo dahil matatangkad kami. Sila Rafael, Zorren, Curt, Evans , at Yham ang nakaupo sa unahan namin na pangalawang line sa huli. Kami naman nina Kishler, One Karlos, Isaac, at ako ay ang nasa pinakahuling line.

Ang ingay ng buong classroom dahil namiss siguro ang bawat isa. Tumahimik naman kaming lahat ng biglang dumating ang adviser namin na si Ms.Villanueva. May kasunod syang babae, yun yung nakita ko kanina. Kaklase nga namin sya. Pumunta sila sa harapan.

"class, you have a new classmate. Alam kong hindi sya familiar sa inyo dahil isa syang transferee" -Ms.Villanueva

"ok, introduce yourself" sabi nya dun sa babae

"Hi. I'm Paith" pagkasabi nya nun pinaupo na sya ni ma'am sa vacant seat at yun ay walang iba kundi sa tabi ko -.-

Ang ikli naman nyang magsalita, mukang shy type. Palapit na sya ng palapit sa uupuan nya. Feeling ko namumula ko. Kanina tinititigan ko lang sya, ngayon magiging seatmate ko na.

"oy pre, muka kang kamatis jan" mahinang sabi ni Kishler na naging dahilan ng pagtingin sakin ng barkada. Ganun na ba ko kapula ? :3

Nakita ko namang nakaupo na sya sa tabi ko. Umalis na si ma'am after nun dahil marami daw aasikasuhin sa office.

Wala kaming klase ngayong buong araw dahil busy pa ang mga teachers. Nakita ko syang tumungo, matutulog atah. Matutulog ? haha ang cute nya. Oy teka, anu ba yung sinasabi ko ? Erase ! Erase !

Nagsimula na ulit  magsamasama ang grupo-grupo. Nagkwentuhan, tawanan, kainan, at kung anu-anu pang ginagawa. Akala mo antagal hindi nagkita-kita.

Minsan, hindi ko alam napapatingin na pala ko sa kanya. Tapos bigla na lang syang nagising, siguro dahil sa ingay. Iniangat nya ang ulo nya at nagpunas ng muka. Ang ganda pa din nya kahit kakagising. Nakita ko namang lumabas sya ng room. Naglakad sya palabas hanggang sa hindi ko na sya matanaw. San kaya pupunta yun ?

My Forever BoyFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon