Kabanata 4: Accident

4 0 0
                                    

It's our P.E class for today and I hate P.E classes because it always makes me feel like I'm a weakling.

I'm wearing our P.E shirt and jogging pants. Nakatali na din ang buhok ko ng maayos. Ang mga classmates ko naman ay busy na at excited sa magiging lesson namin para sa araw na ito. But before that, pinag warm up muna kami ng aming teacher.

He adviced me not to really exert effort para hindi ako ganun mapagod. Habang sinasabi iyon ng teacher namin ay nakita kong ang nakakalokong ngiti ni Cassy. Palagi namang ganoon. They knew I can't really join P.E class normally like they do and I hate it.

Tumango na lamang ako sa teacher namin at sinunod ang sinabi niya. After that, nagdiscuss saglit ang teacher tungkol sa volleyball na siyang lalaruin sa araw na ito.

Everyone was excited except me. Sa bleachers na naman kasi ako at matatambay lang doon. I am not allowed to join them kasi nga madali akong mapagod at baka himatayin ulit gaya ng first day ko sa P.E class.

"What a loser!" pagpaparinig ni Cassy sa banda ko.

Napailing na lamang si Eureka at tinignan ako. "Are you okay, Miura? Pagpasensyahan mo na lang ulit ang bruhang yan. Tsk!" mahinang sambit niya sa akin.

Tipid akong umingiti. "It's alright, Eu. I'm fine here. Sige na, join them. Enjoy!"

May bahid ng awa ang tingin sa akin ni Eureka habang iniiwan ako doon sa bleachers. I'll be the scorer para naman may ginagawa ako sabi ng teacher namin at hindi ganoon mabored. It was more than fine actually. Kahit papaano ay may naiicontribute ako sa klase. Kahit man lang ang pagiging scorer.

Tutok na tutok ako sa game ng magsimula iyon. Magkaibang team si Eureka at si Cassy. I always silently cheer for Eureka everytime their team gets the point. Napapangiti ako habang ginuguhit ang points nila sa maliit na white board.

Habang patuloy ang game ay pumasok ang varsity team ng basketball sa gym. Nahagip ng tingin ko si Kuya Niño kaya agad kong natanto na college sila. Malawak at malaki ang gym namin. Parehong highschool at college ang gumagamit dito kaya hindi nakapagtataka na napunta din sila dito. Pero ngayon ko lang iyon napuna.

Sa kabilang side sila pumwesto. Suot nila ang kanilang varsity uniform at nagtatawanan ang grupo nila. Napatingin ako sa katabi niya at nandun si Lucio na may kausap at nakangiti.

Aakalain mong hindi siya suplado sa pagngiti niya. O di kaya'y suplado lang talaga siya sa mga hindi niya kakilala like me. Bago pa siya mapatingin sa banda namin ay binaling ko na ang aking atensyon sa harap pero nang tumingin ako ay lumipad sa akin ang bola at tumama iyon sa ulo ko.

"Oh my gosh! Miura!!!" rinig kong sigaw ni Eureka at sinundan din iyon nang pagsinghap ng iba kong kaklase.

Nandilim bigla ang paningin ko nang sinubukan kong tumayo kaya ang huli kong nakita ay ang papalapit na mga kaklase sa akin.

"Miura? Miura?"hindi ko alam kung saan iyon nanggaling kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

Sinapo ko ang aking ulo dahil saglit itong kumirot. "Aw!"

"Hey, ayos ka lang?"

Napatingin ako sa kabila ngunit walang tao doon kaya noong sa kaliwa ako bumaling malapit sa paanan ko ay nakitang kong nakatayo doon si Kuya Niño at si Lucio.

Hinanap ko si Eureka sa paligid ngunit bago ko pa itanong kung nasaan siya ay sinagot nila iyon.

"Your friend's outside doing some calls. Are you okay?" biglang sambit ni Lucio kaya sa kanya agad ako napatingin. Bahagyang kumunot ang noo ko. He sounded like he's concerned about me.

Letters to My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon