Kabanata 11: Heartache

5 0 0
                                    

Overall, it was a good weekend staycation in Baguio.

Hindi rin naman nagtagal si Uncle Gin sa araw na iyon. May gagawin daw sila ng asawa niya kaya umuwi na rin siya.

May hawig nga sa kanya si Lucio, only that, Lucio seems to have a foreign blood. Maybe his Mom is a foreigner?

Napailing ako sa aking sarili. Bakit ko naman pag-aaksayahan ng panahon ang pag-iisip nun? I should stop myself for being too curious in everything.

Nakatayo ako sa kiosk at umiinom ng iced coffee kasama si Eureka na nakaupo naman. Break time namin kaya dito namin nagpapasyahan na tumambay na muna.

"How was your weekend in Baguio, Miu?"tanong ni Eureka sa akin.

Hinarap ko siya at nilapag ang iced coffee ko sa lamesa.

"It was good, Eureka. We ate strawberries as usual...and I even tried to bake a strawberry cake." proud kong sabi.

"Really? Masarap naman kaya ang binake mo?" she then chuckled after that.

Napanguso ako kay Eureka. She knew I don't have the talent in cooking.

"Well, masarap naman daw sabi nila."

Tumuwid sa pagkakaupo si Eureka habang kinukuha ko naman ang inilipag na iced coffee at uminom.

"Nakauwi na ba ang pinsan mo?"tanong niya.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit? You mean Sancho?"

Tumango-tango si Eureka. "Talaga? Kailan pa? Diba nagme-medschool yun abroad?"interesado niyang tanong.

Humalukipkip ako at tinabi ang iced coffee na pinanghalitian ko na. "Last month. Nag-elective lang siya abroad, Eureka. Bakit? Anong meron sa pinsan ko? Crush mo?"

Agad naman siyang umiling bilang sagot. "Hindi ko crush yun no! Babalita ko lang sa kilala ko. Nakauwi na pala ang pinsan mo. Kala ko hindi na uuwi."

"May nagkakagusto pala dun sa Sancho na yun? Baka nagkakamali ka lang?"paninigurado ko. Alam ko naman na medyo may itsura si Sancho pero sa kasungitan nun? Naku! Minsan lang bumait yun.

Napangiwi si Eureka sa sinabi ko."Ano ka ba? Syempre, meron! Ang gwapo-gwapo kaya ng pinsan mo! Patay na patay nga yun sa kanya ang kakilala ko."

"Sabihin mo na lang na magmove on na lang. Masyadong busy sa medschool yun eh."sambit ko.

Totoo naman kasi, si Sancho na mismo ang nagsabi na sobrang busy na niya ngayon. Hindi nga kami sinusulpot ni Ate kapag nakikipagkita kami dito sa Manila.

Nagkibit-balikat na lamang si Eureka. "Ewan ko ba dun sa kakilala ko."

Habang patuloy kami sa pag-uusap ni Eureka ay lumapit sa amin si Nathan.

Binigyan agad ako ni Eureka ng makahulugang tingin at pinanlakihan ng mata.

Umirap na lamang ako at hinarap si Nathan.

"Hi!" bati niya sa amin.

"Hi, Nathan!"si Eureka na alam kong mamaya ay sasabog na sa sobrang kilig sa nakikita.

I cleared my throat. "Hi."

"Tapos na ba klase niyo, Miu?"tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi pa e. Tapos na sana pero may emergency kasi ang adviser namin. So, mamaya na lang daw kami magkaklase tutal library period lang naman. Kukunin niya na lang daw ang period na yun. Kayo?"

"Ah, ganun ba? Oo tapos na. Uhm..."tumigil siya ng ilang sandali kaya pinagtaka ko iyon ganun din si Eureka na nakatingin sa amin.

"...May lakad ka ba mamaya after class niyo?"tanong niya.

Letters to My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon