Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa mga narinig kanina. Kaya ba noong nasa Baguio kami ay medyo awkward si Mom kay Uncle Gin?
Habang gumagawa ako ng homework ay gulong-gulo parin ako sa nalaman. Alam din kaya ni Ate Verina ang tungkol dito?
Sa pagkakaalam ko, Uncle Gin was Tita Frances' first love based sa kwento sa amin ni Sancho na ayon naman daw sa sinabi ni Lola sa kanya noon. Pero bakit naman pagseselosan ni Daddy si Uncle Gin?
Dahil hindi na pumapasok ang pinag-aaralan ko ay nagdesisyon akong bumaba na lang muna para kumuha ng maiinom na juice.
Pagkapasok ko sa kusina ay naabutan ko si Mommy na nakatalikod mula sa akin at tahimik na nagluluto ng aming dinner. She likes to cook and is very good at it, a trait that I don't have.
Nilingon niya ang banda ko nang mapansin na nakatayo ako sa entrance ng kusina.
"Kanina ka pa pala nakauwi, Miura. Wanna have a merienda first? Nagluto lang ako ng maaga..."nakangiti niyang sambit sa akin.
"Ayos lang po, Mom. Hindi pa naman po ako gutom, I'll just grab some juice."sambit ko at dumiretso na sa ref.
Gaya ng sabi ko kanina ay tahimik na nagpatuloy si Mommy sa kanyang ginagawa. She seemed to be drown in thoughts. Siguro dahil sa pinag-usapan nila ni Dad kanina?
Sinarado ko ang ref at hinarap si Mommy. Siya naman ay nakatagilid mula sa akin. I see sadness in her and I've never seen her this way before.
"Are you okay, Mom?" tanong ko dahil hindi ko na mapigilan habang sinasalin sa baso ang juice.
Binalingan niya ako at tipid na nginitian. "I'm fine, Miura. Why? Do I look not okay?" pagkatapos ay tumawa siya.
Nagkibit-balikat ako."Well...kind of?"
Binalik niya ang tingin sa niluluto. She's cooking Dad's favorite carbonara.
"Hindi, pagod lang. Ikaw? How's your school?"balik tanong niya sa akin.
Nilapag ko ang juice sa tabi ng baso. "Okay lang naman po. Walang masyadong ganap."simple kong sagot sa kanya.
"How about that boy your Ate Verina mentioned? Is he okay now?"natigilan ako sa naging tanong niya.
"Uh, I don't know. He didn't attend the classes kanina."sagot ko at medyo hindi na kumportable na pag-usapan si Nathan.
Tapos na si Mommy sa kanyang niluluto at pagkatapos isalin iyon sa malaking lalagyan ay nilapag niya iyon sa counter bago ako hinarap.
"You know what, Miura, hindi naman sa hinihigpitan kita tungkol sa pagboboyfriend-"ani Mommy.
"He's not my boyfriend, Mom."putol ko sa sinabi niya.
Tumango siya. "Well, even if he is your boyfriend or not, I think it is still not the right time for you to invest feelings. Bata ka pa at when the time comes you'll realize the worth of waiting."
Kinuha niya ang apron niya at nagpatuloy. "I invested feelings at a young age to a wrong person who I thought was the one, but when your Dad finally came along, I realized I should've waited. I only realized it when I was already an adult. I took the wrong way to get rid of my young love but I guess it is where I learned from. And...I don't want you and your Ate Verina to be in that situation, Miura."kalmadong sambit ni Mommy.
Nasa harap na ako ng aking laptop at nakatunganga sa kawalan. Kakatapos lang namin magdinner at medyo awkward ang naging setting. Ate Verina is cold to me while Mom and Dad is not talking that much to each other. Kaya si Mommy at Ate Verina na lamang ang nag-uusap at kung minsan ay ako naman ang kinakausap ni Dad kapag hindi siya pinapansin ni Mommy.
![](https://img.wattpad.com/cover/217787039-288-k11910.jpg)
BINABASA MO ANG
Letters to My Almost
Romance[Letters Series 2] For Midian Ketura Alambra, it was love at first sight when she saw Nathaniel Sanques walked out of a classroom of another section in their elementary days. For her, Nathaniel is the man she will marry few years later and she'd mak...