Kabanata 5: White Uniform

3 0 0
                                    

"Kets, sino nga ulit yung mga lalaki kanina?" bungad na tanong ni Ate Verina sa akin habang nilalapag ko ang mga plato sa dining table.

"You mean Kuya Niño and Lucio?" sagot ko sa kanya at umupo na sa harap niya.

Kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa bahay. Our parents are on a business trip in Pampanga for 2 weeks.

Tumango si Ate bilang tugon. "Ahuh."

"Why? Is there something wrong?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.

Umiling siya at tila nag-iisip." Wala naman. I just thought that guy.. Niño? He seems familiar. Hmm. Saan ko nga ba siya nakita?"

Napalunok ako sa sinabi niya. "Ah..Well..Baka dahil schoolmates kayo kaya nakita mo na siguro siya."

"Yeah. Siguro nga. Wait...Why do you know them? College na ang mga yun ah?" nakataas kilay niyang tanong sa akin na parang may ginagawa akong mali.

Umirap ako para itago ang kaba. What will I say? Na admirer niya si Kuya Niño and asked me a favor to secretly give the gift to her?

"I told you already that, Ate. They are the ones who rushed me to the clinic, thats all."

Pero tila hindi siya naging kumbinsido sa rason ko. Akala ko ay babatuhin niya pa ako ng mga tanong hanggang sa may makuha siya sa akin ngunit nagkibit-balikat na lamang siya at nagsimula nang kumain.

"By the way, our batch will hold a school concert on Friday. We're selling tickets for it. You could invite some classmates." ani Ate Verina.

"Next week na ba ang college days nyo, Ate?" tanong ko sa kanya. "I'll invite Eureka and some friends then."

She nodded. "Yup. And oh! Exam nyo nga pala next week! Don't go na lang pala. Just focus on studying."

Napanguso ako sa sinabi niya. "Our exam is only till Thursday, Ate. We can go on Friday."

"Fine. Just invite them on Thursday after your exams. Para naman hindi sila madistract." ani Ate

"Its just a school concert, Ate. They won't be that much distracted."

Nagkibit-balikat siya. "Well..Isang sikat na band lang naman ang magpeperform, Kets." pagkatapos ay ngumisi siya.

Kinabukasan ay Sabado. Ate Verina will accompany me for my check-up. She's driving our car because our driver took a day-off and its fine. Ate Verina already got her license and she's good at driving.

Nang makarating kami sa hospital ay agad kaming binati ng guard sa tanggapan. Ngumiti naman ako pabalik. Well, I've always been here since my 3rd grade kaya pamilyar na sila sa akin. It was like these people saw me growing up.

"Goodmorning, Miss Midian." ani Manong Rogie sa akin.

Lumukot naman ang mukha ko sa pagbanggit niya sa pangalan ko. "Naku, Manong naman. Miura na lang po." sambit ko sa kanya.

Tumango naman ito at ngumiti saka nilahad na ang papasok sa hallway. Si Ate Verina naman ay dumiretso na sa paglalakad.

Aakyat kami sa 3rd flr kung saan ang clinic ni Dra. Hermosa. Pumasok kami sa elevator pero bago pa iyon magsara ay may pumasok na naka all white uniform. Nagulat ako kung sino iyon.

Nagtaas kilay lamang ito sa akin at nagpatuloy sa pagpasok. Ate Verina also saw him kaya..

"Hi, aren't you the guy from yesterday?" bungad na sambit ni Ate sa kanya.

Nilingon niya kami habang nasa bulsa ang mga kamay.

"Yeah. Lucio, friend of Niño." tipid at walang gana niyang sagot ky Ate.

Letters to My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon