Kabanata 8: Friendship

5 0 0
                                    

It was the start of our friendship. Grade 10 na kaming pareho ni Nathan at hindi ko aakalaing magiging ganito kami ka close lalo na't hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang pagtingin na mayroon ako para sa kanya.

Hindi niya pa din alam iyon. Kahit na ilang beses na niya akong tinanong kung sino ba ang gusto ko o mayroon na ba akong nagugustuhan palagi ko na lamang sinasagot na wala pa iyon sa isip ko.

Nalaman iyon ni Cassy at ganoon na lamang ang inis niya sa akin pero ni hindi niya ako mabully dahil na din siguro kay Nathan.

Pagkatungtung ng Grade 9 ay nalaman ko na lang na nagtransfer na si Cassy sa Cebu para doon na mag-aral. My Grade 9 life as a student became so peaceful and fruitful.

I had my surgery way back in grade 8. Ayos naman ang naging resulta but I still have meds to take.

Ang isa sa mga hindi ko inaasahan na mangyayari ay ang malaman na nanliligaw na si Kuya Niño kay Ate Verina. I never really thought about it.  Earlier this year ko lang din nalaman ng isang araw ay bumisita siya sa bahay.

"Kamusta na, Miura?"bungad sa akin ni Kuya Niño. Kakababa ko lang ng hagdan at naabutan siya katabi ang nakangising si Ate Verina sa living room.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Pabalik-balik ang naging tingin ko sa kanilang dalawa ni Ate Verina.

"K-Kuya Niño? Ba't nandito ka?" tanong ko sa kanya pagkatapos ay bumaling kay Ate. "Ate?"

Kuya Niño chuckled. "Good news ito, Miura. I'm courting your Ate Verina. "

"What? Talaga?" gulat kong sabi at napangiti ng malapad sa narinig.

"Hindi mo man lang sinabi na sa kanya pala galing ang gift noon sa lamesa ko, Kets." Ate Verina then smirked at me.

Hanggang sa dumating sila ni Mommy at Daddy ay hindi pa din mawala ang pagkakagulat ko sa pagbisita ni Kuya Niño. We rarely meet at the university. Third year college na sila ni Ate Verina kaya mas lalo na din naging busy sila.

Minsan kapag may laro o sports competition ang university sa ibang universities ay nanunuod ako kasama si Eureka at doon ko lang nakikita si Kuya Niño. Then, I suddenly remembered Lucio, hindi ko na siya nakikita sa school at minsan ko na lang din siya makita na kasama si Kuya Niño.

"Sama ka sa amin next week, Miura. May celebration ang team namin sa pagkakapanalo last week." sambit ni Kuya Niño pagkatapos ng dinner at konting kwentuhan niya sa parents namin.

"Po? Pwede ba ako doon?" tanong ko.

Tumango naman si Ate Verina sa akin. "Oo naman, Kets. Kasama mo naman ako. After class mo ay susunduin kita at magsasabay tayo doon."

"Congrats nga po pala." sambit ko.

"Thank you. Sige, punta ka ha?" sambit ni Kuya Niño.

Tumango ako. "Sige po."

Nagpaalam na siya sa amin na uuwi na. Si Ate Verina na ang naghatid sa kanya hanggang gate.

Nang makabalik si Ate Verina sa loob ng bahay ay tinanong ko siya.

"Kailan pa nanliligaw sayo si Kuya Niño, Ate? Parang wala ka namang nababanggit. Ginulat niyo naman ako." nakanguso kong sabi sa kanya.

Tumawa si Ate Verina at inakbayan ako. "Masyado kasing mabilis ang pangyayari, Kets. Sumali siya sa club namin kaya doon kami nagkakilala talaga."

Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya."Really?"

Tumango-tango si Ate. "Yup! At ewan ko. Mabait naman siya, Kets."

Letters to My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon