Kabanata 2: Letter&Box

6 0 0
                                    

Habang tinatali ko ang mahaba kong buhok ay naisip ko si Nathan. Then I smiled remembering what he did yesterday. He saved me from Cassy and her friends and I am really happy about it.

Kahapon ang unang pagkakataon na pinagtanggol niya ako at iyon din ang unang araw na nakalapit ako sa kanya at hinawakan pa niya ako para itayo kahapon. I know he didn't really knew me. Ever since elementary that I had a crush on him, I never dared to take a move to come near him. It was really impossible so I was there always hoping to see a glimpse of him during lunchbreaks, recess time and after school.

Ate Verina is a friend of one of his brothers yet we never had the chance to be introduced. Okay lang naman, madami pa namang pagkakataon para doon. And oh! He did mention my name yesterday! Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.

It was almost 8am when I got to school. And our class starts at 8! Kaya tinakbo ko ang hagdan paakyat sa classroom. At kailangan ko pang takbuhin ang kahabaan ng hallway ng grade 8 para makapunta sa classroom namin na nasa second to the last pa!

Nang nasa hallway na ako ay napatigil pa ako saglit dahil naalala na madadaan ako sa classroom ni Nathan. I took a glimpse and saw that their class is already preparing for their morning prayer and they were all standing and bowing their heads.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang naglakad sa dobleng bilis nang nakayuko para hindi mapansin ng kanilang klase. Nakakahiya sana hindi ako nakita ni Nathan. Late na talaga ako ng limang minuto!

Nang makarating sa classroom namin ay doon lang ako nabunutan ng tinik. Hindi nga lang ako nakaligtas sa masamang tingin ni Cassy sa akin. Pinagwalang bahala ko na lang iyon.

I don't know, simula ng magtransfer ako dito sa school nila ay hindi na agad maganda ang tungo sa akin ni Cassy at ng grupo niya. At first, nadadaan lang sa pagpaparinig na nagmamaganda daw ako, nagpapansin at iba pa kahit wala naman talagang ako ginagawa.

I have my own circle of friends but not enough to defend me from Cassy's group. They were afraid of her and I know why. Cassy tends to be aggressive at tulad na lamang sa nangyari kahapon sa akin ay minsan na ding nangyari sa ibang kaibigan ko.

"Pasalamat ka, Miura na nandoon si Nathan kahapon. Akala mo ba tapos na ako sayo? Well you're wrong! Hindi ka nababagay dito! Alam mo ba yun? At talagang nagpapapansin ka na pati kay Nathan? Tsk!" Ani Cassy ng maglunch break at sinadya niya akong lapitan para lamang sabihin ang mga katagang iyon.

Ngunit hindi na ako natitinag sa mga pasaring niya hindi tulad nung una ko dito sa school na palagi ko na lang pinipigilang maiyak dahil sa kaba. I'm not really used na may nagagalit o may taong naiinis o ayaw sa akin. I grew up always been loved by people around me and I don't know why Cassy is treating me this way.

I decided to eat my lunch alone in the small empty space of the wide cafeteria. Ayaw ko lang na makita na naman ako ni Cassy at mapag-initan na lang bigla.

Habang kumakain mag-isa ay may dumaang grupo ng college students base sa uniporme nila. Nasa tatlo hanggang lima sila na puro lalaki na pumasok sa cafeteria.

Napatingin ang iilang highschool students sa kanila at titig na titig sa kanilang grupo. Napansin ko na parang may hinahanap sila. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi naman bag o na may napapuntang college dito sa highschool cafeteria. Ang iba may kapatid dito, ang iba naman may senior high na girlfriend o boyfriend na sinasadya pa dito.

Nakita ko silang lumiko sa kaliwa kaya nawala na sila sa paningin ko. Habang tinatapos kong kumain ay nagtext si Ate Verina.

Ate Verina:

Don't wait for me later. May club meeting ako kaya I'll come home late. Nainform ko na si Mommy at Daddy. Bye!

Binaba ko na lang ang cellphone ko at hindi na nagreply ky Ate. Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako para ligpitin ang pinagkainan kong tray. I really follow Claygo anywhere I go. Mommy taught me that ever since kaya dala-dala ko kahit saan.

Lumakad ako palapit sa gilid ng counter kung saan doon nilalagay ang mga nagamit na tray nang matigilan ako sa paghakbang dahil sa mga college students na nasa harapan ko na ngayon at nakatingin sa akin.

"Excuse me."sabi ko dahil naisip na baka nakaharang ako sa dinadaanan nila at ayoko ng dagdagan pa ang mga taong may inis sa akin. Cassy is already enough.

"Wait."pinigilan ako ng isa kanila.

"Excuse me? Ano po yun?" inosente kong sambit at medyo natatakot dahil ano ang kailangan nila sa akin.

Napatingin akong lahat sa kanila. Lima silang matatangkad na college boys at pare-parehong may itsura maliban sa isa na angat na angat kung titignan sa kanilang lima.

Ang matangkad at medyo morenong college student na pumigil sa akin ay nagpatuloy.

"Miura, right? Miura Alambra?"tanong niya sa akin.

Paano naman ako nakilala ng mga to?

"Huh? Bakit po?"nagtataka kong tanong.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa kanyang mga kasama na naghihintay. Napansin ko nga lang ang isa na pinakamatangkad na nakatitig lang sa akin at madilim ang ekspresyon. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Binalik ko ang tingin sa lalaking nasa harap ko na may konting takot na namumuo sa akin.

"Sabi ko na nga ba. Ikaw ang kapatid ni Verina. May hawig eh." sambit niya.

Kumunot ang noo ko."Anong meron sa Ate ko?"

Napangiti ang lalaking nasa harap ko at napakamot ng ulo.

"Ano kasi. Pwede mo bang ibigay sa kanya ito?" sabay abot ng isang box na sakto ang laki at may letter na nakaipit dito.

"What is this po?"nakakunot-noong tanong ko. Bakit niya binibigyan ng ganito si Ate at bakit ako pa ang magbibigay?

"Tsk. Don't ask, kid. Take it."sabat ng lalaking may madilim na ekspresyon.

"Lucio,huwag mo ngang takutin si Miura." sagot sa kanya ng lalaking nag-abot ng box saka ako hinarap ulit. "Please, pakibagay sa Ate mo. Huwag mo nga lang sabihin kon kanino galing ha?"

"Boyfriend ka ba ng Ate ko?" tanong ko sa kanya.

Bahagya siyang natigilan at napakamot ulit. Napangisi naman ang iba niyang kasama.

"Sana, pero hindi eh. Sige na, pakibigay na lang sa kanya, Miura. Salamat! Sige, mauna na kami. Huwag mong sasabihin sa kanya, okay?" sambit niya bago ako tinalikuran at hinarap ang mga kaibigan niya na halatang tinutukso siya sa ginawa.

Napanguso ako habang tinitignan ang hawak na box na may kasamang letter. Ganito ba yun? Manliligaw ba ni Ate ang lalaking yun?

"Don't be too curious about it." muntik na akong mapatalon sa nagsalita. Ang lalaking may madilim na ekspresyon ay nagpaiwan pa talaga para supladong sabihan ako bago tumulak na din paalis.

"What's his problem? Para siyang si Cassy. Naiinis din kaya iyon sa akin?" wala sa sariling sambit ko sa sarili.

Letters to My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon