I realized that Nathan is a good teacher. After the review we had yesterday on the kiosk...Not to brag but I'm sure I'll get a high score in the first subject.
"Nangiti ka na naman diyan?" si Eureka na nakataas kilay at mukhang nagtataka na nakatingin sa akin.
Umayos ako ng upo pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Huh? Hindi naman ako nangiti, Eureka."pagtatanggi ko kahit alam ko naman na habang iniisip si Nathan ay hindi ko mapigilang mangiti.
I've been crushing on Nathan for years now. Malaking achievement para sa akin na makausap siya kahit panandalian. Kahit na alam kong masyado lamang siyang mabait kaya niya ako tinuruan kahapon. He maybe thinks that I'm kind of a slow learner because I belong to the second to the last section.
I'm happy for the helped he did but I'm also disappointed thinking that maybe that's his reason for being friendly. Or maybe he pitied me since that day he saw me being bullied by Cassy and her friends.
Bahagyang sumikip ang dibdib ko sa naiisip. I know I'm too young for feeling this. My heart is weak for taking it in.
"Is it about your crush? Yung Nathan sa star section?" banggit bigla ni Eureka.
Nanlaki ang mata ko sa gulat sa sinabi niya. How did she knew about Nathan?
Nagkibit-balikat siya. "Well...I noticed kasi na tuwing nandiyan siya or madaan siya sa harap natin...you instantly blushed and get shy. So, you do like him?"
"A-uhm..."hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Eureka. Masyadong ba akong halata? Oo, Miura. Dahil napansin nga ni Eureka eh.
"Don't worry, Miu. I'll keep it as a secret. Kaya lang...You should be careful kasi mukhang may gusto sa kanya si Cassy at alam mo naman ang nagagawa ng babaeng yun." ani Eureka habang umiinom ng shake na hawak.
Tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko naman kayang kalabanin si Cassy. That's one of the reason I'm holding back on being friendly to Nathan.
Kahapon, ilang minuto na lang at magsisimula na ang exam namin para sa first subject ay niyaya ko na si Nathan na pumunta na kami sa aming classrooms. Sumang-ayon naman siya at tumayo na rin sa pagkakaupo.
"Thank you nga pala. Hindi mo naman kailangan akong tulungan pero thank you."nahihiyang kong sambit sa kanya.
Tumango siya at tipid na ngumiti. "You're welcome. Ayos lang naman sa akin. In that way, nakakapagreview din ako."
Ngumiti ako pabalik ngunit nang mahagip ng tingin ko ang grupo ni Cassy na naglalakad sa hallway hindi kalayuan sa kung nasaan kami ay agad napawi ang ngiti ko at nagpanic.
"Uhm, Nathan. Mauna ka na. Dadaan muna ako sa cr. Hehe" sambit ko habang hindi na mapakali.
Fear crept inside of me. And I don't know why. Dahil siguro takot akong mapag-initan ni Cassy sa araw na iyon. I want to take my exams peacefully.
Tumango si Nathan. "Sige. Goodluck sa exams, Miura."
"Sige, ikaw din." sambit ko.
Mabuti naman at hindi na nagtagal doon si Nathan. Nakita siya ni Cassy at nilapitan siya nito. Nakita kong bahagyang nagkasalubong ang mga kilay niya habang kinakausap siya Ni Cassy. Humahagikgik naman sa tabi ang mga kaibigan nito.
Napabuntong-hininga ako at tinalikuran na sila. Dismayado dahil hindi maamin sa sarili na kahit naiinis ako kay Cassy ay hindi mapagkakaila na bagay silang dalawa kung titignan.
Cassy is pretty. One of the prettiest girl in our batch. Madaming nagkakagusto kahit sa higher batches. She's nasty but still many likes her.
And Nathan...The most handsome and the smartest guy in our batch. Matangkad, medyo balingkinitan, fair-skinned at maamo ang mukha kaya halos lahat sa batch namin ay may gusto sa kanya.
Hindi ko nga lang alam kung may nagugustuhan na si Nathan. Wala naman ding rumor na may girlfriend siya. O di kaya'y hindi ko lang talaga alam kung meron o wala.
"Hi!"
Agad akong napabaling sa kanan ko. Nakaupo ako sa kiosk na nasa lilim ng malaking puno at nagbabasa ng notes para sa huling exam sa araw na ito.
Nakangiti si Nathan at may dalang mga libro sa kaliwang kamay.
"Mag-isa ka lang ba?" tanong niya ng hindi ako makabati pabalik.
Tumango ako ng dahan dahan at medyo nagdadalawang-isip kung hahayaan ko ba talagang siyang makiupo dito.
"Pwedeng makiupo? Wala na kasing bakante doon sa kabila. Mabuti na lang nakita kita dito."nakangiti pa din niyang sabi.
"S-Sure."sabi ko na lang.
Walang pag-aalinlangang naupo siya sa harap ko at nilapag ang mga librong dala. Napatingin ako doon sa mga libro. Talagang babasahin niya ang mga iyan? Isang oras lang naman ang break time namin at masyadong makakapal ang librong dala niya. Hindi niya matatapos ang mga iyan sa isang oras.
Napansin siguro niya ang tingin ko sa dala niyang mga libro. "I've already done reading them. Review na lang."pagpapaliwanag niya at napatingin sa notes ko."Ikaw?"
"A-Ah, nagrereview na lang din." sabi ko sa kanya at umayos ng upo't medyo nacoconscious na sa tingin niya.
"Ah. We can discuss something like what we did last Monday. Para mas madaling magsink in. Ok lang ba?" offer na naman niya.
I awkwardly smiled. "Ayos lang na wag na. Masyado na kitang naabala noong nakaraan, Nathan."
Umiling siya. "Hindi. Hindi ka naman nakakaabala sa akin. Mas prefer ko din naman ang group study."
Nag-init bahagya ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi daw ako nakakaabala sa kanya.
"S-Sige, kung iyan ang gusto mo."pagsasang-ayon ko sa kanya.
"Hindi mo ba gusto? Pasensya na. Masyado yata kitang pinipilit sa gusto ko." seryoso na niyang sambit ngayon.
Nanlamig ako sa sinabi niya. "Naku! Hindi sa ganun, Nathan!"
Umiling siya at binuksan na ang isang libro sa harap niya. "Ayos lang, Miura."
"Hindi! G-Gusto ko din naman...ang group study."sabi ko sa kanya.
Napaangat siya ng tingin sa akin at parang naninimbang.
"I didn't mean to reject. I-I only thought na baka makaabala nga ako sayo."sabi ko at nadidismaya na naman sa sarili.
Nakakapanghina na makitang ganoon ang reaksyon niya.
"I'm sorry. I just wanted to be friends with you." sambit niya na kinagulat ko.
Nathaniel Sanques wants to be friends with me?! As in ang Nathan na ilang taon akong hindi pinapansin? Is this a dream? Parang ayoko na lang magising.
"Huh?" iyon lang ang namutawi sa labi ko.
Nangiti siya sa naging reaksyon ko."I wanna be friends with you, Miura, if that's fine with you."
"Why me?" hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin iyon.
Nagkibit-balikat siya. "Kailangan bang may dahilan para kaibiganin ang isang tao?"
Natahimik ako sinabi niya at hindi pa din makapaniwala na gustong makipagkaibigan ng isang Nathaniel Sanques sa tulad ko na halos iisa lang ang kaibigan at nabubully pa.
I went home with my mind clouded at the thought of me and Nathan as friends.
Pagkatapos kong isara ang pintuan ng kwarto ko ay napatalon ako sa kama dahil sa tuwa at sa kilig na nararamdaman.
Napangiwi nga lang ako dahil sakit sa nadama bigla sa dibdib ko. Naalala kong masyado naman akong masaya na nakalimutan kong may sakit nga pala tong puso ko.
Kumalma ako at tumihaya sa kama. Hindi ko mapigilang mangiti ng malapad.
"Why are you doing this to me, Nathan? This is too good to be true!" wala sa sarili kong sambit.
BINABASA MO ANG
Letters to My Almost
Romansa[Letters Series 2] For Midian Ketura Alambra, it was love at first sight when she saw Nathaniel Sanques walked out of a classroom of another section in their elementary days. For her, Nathaniel is the man she will marry few years later and she'd mak...