Part 1

16 2 5
                                    

Agatha's Pov
Hindi ko na talaga kaya nakakainis na sila kuya lagi nalang ako yung mali!! Hindi ko naman alam na madudulas yung stupid yaya namin dun sa sabon na yun hindi ko kasalanan na nahulog ko yun don urggggh!! Makapunta na nga lang kela Zimmer

Uy si Zara pala yun lil sis ni Zimmer siguro may binili siya sasabay nalang ako sakanya

Nasa gitna kami ng kalsada ng may marinig ako...

"ZARA!!! AGATHA!! MAY KOTSE!!" rinig kong sigaw ni zimmer pero di ko siya makita

*BBEEEEEEEEEPPP*

"AGATHAAAAAAAAA"

"AAAHH ARAY!!" sigaw ko nung nagising ako sa sakit ng ulo ko

"Gising na siya Ma" sabi ni Kuya at tinapik si Mama

"Anak ano masakit sayo? Okay ka lang ba? Gusto mo tawagin ko yung doctor?" sunod sunod na tanong ni Mama at ang sakit sa tenga

"Wait lang ha?? Mahina kalaban kalma kayo chillax mag judge ka muna" biro ko sakanila pero masamang tingin lang ang nakuha ko kay kuya

"Eto naman joke lang okay lang ako masakit lang ulo ko ano ba nangyare?" pag iba ko ng topic

"Ah wala nahimatay ka lang kanina dahil sa init wag ka mag alala" sagot sakin ni kuya pero alam kong may mali

"Oo anak mag pahinga ka muna kakausapin lang namin and doctor para maka alis kana din" pati si Mama may iba sakanya parang may mali talaga

Asaan pala si Zimmer? Bakit wala yung ugok na yon dito?? Abnormal talaga yon hindi man lang nag alala sa bestfriend niya lagot yon sakin bukas pag pasok ko!!

"Anak pwede kana daw maka labas bukas pero next week ka pa makakapasok" hindi ko namalayan na nakatulog pala ako

" Tuesday na bukas kaya ipahinga mo nalang yung 5 mong araw bago ka pumasok" mawtoridad na sabi ni kuya kaya hindi na ako naka palag baka maging dragon pa toh dito

Ang sakit talaga ng ulo ko pati ng... braso ko? bakit? baka pagka bagsak ko tumama sa isang kahoy o bakal kaya masakit ewan lalo lang sumasakit ulo ko

"Ay Ma asaan po pala si Zimmer hindi man lang ako dinalaw?? Ugok talaga yon"

"S-Syempre p-pumasok yon anak baka sa Sabado dalawin ka niya sa bahay" tumango nalang ako kay Mama at nag pumikit hindi ko kaya mag cellphone baka mas sumakit lang ulo ko hayst!!

Patulog na sana ako pero biglang may sumigaw...

"MAMA!! KAILANGAN NATIN MAG USAP" sigaw ni kuya na galit at natatakot

"Kumalma ka Ash Blaze Collins" sagot ni mama kay kuya sabay tingin sakin siguro napansin nila na nagising nila ako hayst!!!!

"Sorry baby!! Nagising ka ata ni kuya emergency lang sleep kana ulit" malambing na sabi ni kuya with paaawa effects pa HAHAHAHA nako isip bati padin talaga si kuya binababy pa din ako

Umalis na sila mama at iniwan na ako dito mag isa ano kaya meron? bat parang may tinatago sila sakin gusto ko pakinggan pero baka magalit sila matutulog nalang ako!!

Urgh di ko mapigilan chismosa na kung chismosa gusto ko malaman ako nangyayare kaya lumapit ako sa pinto at dinikit ang tenga ko pero parang huli na ata tapos na sila mag usap

"Sisiguraduhin kong hindi niya malalaman yon at mabubura agad toh ako na bahala sa mga toh ikaw muna mag alaga kay Agatha Mama mag ingat kayo!!" rinig ko na sabi ni kuya at tumakbo ako agad sa kama bago mahuli ni mama

Hindi na ako nag tanong pa pero sino tinutukoy ni kuya? Ano yung mabubura at hindi malalaman ano yun??? urgh ang sakit sa ulo bakit sila nag tatago sakin!! Ano ba nangyayare sakan—

Biglang may kumatok at..

"Wag kayong gagalaw kung ayaw niyo masaktan"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now