Wika

101 5 0
                                    

W-akasan man nila ang panahon
I-waglit man ng sandali ang pagbaba at pag ahon
K-ahit kailan ay maaalala
A-ng pinakamamahal at sinisinta nating WIKA

Tingin sa taas, Hindi dahil sa nangangababa ka
Magdasal ka, dahil satin, Sya Ang bahala
Tingin sa baba, Hindi dahil mas mataas sila,
Abangan mo Ang biyayang galing say taas na bigay nya.
Tingin sa kanan, Hindi para mangaliwa,
Tulungan Ang nangangailangan nating mga kapwa.
Tingin sa kaliwa, Hindi para mawala
Maging mapagmalasakit dahil kailangan ka nila.

Alam kong alam ninyong lahat
Na pagdating sa ibang wika, ambibilis nating kumagat
Mapa koreano, amerikano, o maski linggwaheng chararat
Ngunit wikang sariling atin, di na nabibigyang pansin na karapat dapat

Salat man sa talas ay ginawa ko ang lahat
Ang mga batas man ay binigyan ko ng sarili kong sabat
Sa kulturang nawawala, ito'y di katanggap tanggap
Para bang wala nang talab ang sakit nito sa mga balat

Bakit nawawala na ang mga lumad?
Bakit may mga wikang naglalaho na parang palayong naglalakad?
Bakit tila nawawala na ang lahat?
Nawawala nga ba? O kinakalimutang sadya ng mga isipang salat?

Hindi ako naririto para manghingi ng simpatya
Nandito ako dahil sa puso kong nagbabadya
Sakit na nararamdaman na nangyayari sa kasalukuyan na nadarama
Dahil sa mga wikang namamatay at tila'y di na binibigyang buhay pa

Wikang Filipino, sama samang itaguyod
Sama samang itayo ng may lakas loob
Sama samang patahanin, kulturang umiiyak dahil sa pagkakawala
Pagmamahal sa kanila'y magiging sapat, dahil kaya nilang magmahal ng pabalik sa nagmamahal sa kanila

Tingin sa kaliwa para payabungin ang wika
Tingin sa kanan para kultura'y mapayaman
Tingin sa baba, para iangat ito ng sama sama
Tingin sa taas, para sa Diyos na nagbibigay lakas

A-ng Wikang Filipino
K-asama ko hanggang dulo
I-to'y ipagmamalaki ko
W-akas man ng buhay ko ang kapalit nito

Tula (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon