Gusto ko na marinig ng lahat
Ngunit parang walang nakikinig
Gusto kong gawin ang nararapat
Ngunit sa dibdib, kaba'y nanaig
Bakit ba lagi silang ganito?
Ako ba ay wala nang halaga?
Gusto ko maging ganap na tao
Ngunit pagkatao'y parang wala
Parang pagkabuhay walang silbe
Dahil ang tingin sakin ay patay
Sila ay tila ba'y mga binge
Parang ako'y hindi nabubuhay
Ninais ganap makipaglaban
Ngunit mundo ang kinakalaban
BINABASA MO ANG
Tula (2019)
PoetryThis is a compilation of the poems I've done since I started writing